Chapter 4: Relinquish

2.6K 31 5
                                    

Hindi baka naman friendly lang. Baka hindi ito totoo. Baka si Gab pinilit lang hawakan kamay niya.

Ayokong maniwala. Ayaw ko.

Atasha, she's not worth it

Iyan ang message ni Rea kasama ang picture nila ni Gab. Masaya, hawak ni Gab kamay ni Mia, para bang sila na? Pero kakasabi lang ni Mia mahal niya ako, hindi ito totoo. Kakasabi lang niya miss niya ako.

Hay, Oras na. dapat ko ng kausapin si Mia.

Hi Mia :-)

Nakalipas na isang oras. lumubog na ang araw pero wala parin siyang reply.

Seen.

Seen ako.

Uy Mia, asan ka?

Seen parin.

Seen parin ako.

MIA

Uy, Hi Atasha. Close pala kayo ni Ate Aulie?

Ito na chance ko para tanungin siya. Pero baka hindi nanaman totoo, diba?

Mia, may tanong ako.

What is it?

Anong mayroon kay Ate Aulie?

Hindi totoo. Walang sila ni Gab. Sabi niya mahal niya ako.

Ay, wala close sila ni kuya

Kuya? Sino kuya ni Mia? May kapatid pala siya. Teka close kuya niya and Ate Aulie?

Sino kuya niya. Baka si-

Clark ba name ng kuya mo?

Yea, Clark Dela Cruz. Why?

Kaya pala marami siyang kilalang Dela Cruz. Kaya pala tinanong niya kung kilala ko si Mia pero bakit parang ayaw niya kay Mia? Hindi ba okay kay Mia na nililigawan ni Clark si Aulie? All of a sudden i have so many questions. Wait, May number ako ni Aulie.

"Hello, is this Aulie?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Speaking, Sino to?"

"Si Atasha! Ate Aulie, Bonding tayo. G? Kailan ka free?"

"Now na, g? Sa cafe tayo sa may Antipolo, pwede ka?"

"I'll just eat with my fam. Kaninong transpo? nasa SM Marikina ako."

"My Mom can drive for us, paalam ka ha and then text me saan tayo magkita sa SM."

"Sure, bye ingat!"

What the, Anong nangyari? My hands are super cold, grabe ang cute ng voice niya.

"Dad, Can i go wi-"

"Aulie ba iyon? I heard you speaking to her, sige na text her. Sabihin mo ngayon na para makauwi kayong masmaaga. Text me her number okay? Ako na bahala sa mom mo."

For the first time pinayagan ako agad? Wow. My parents are finally learning to let me go.

Sakto, Si Aulie tumatawag.

"Hey, Atasha, my Mom wants to leave now."

"Good news, my Dad too. Para raw masmaaga makauwi. Pwede niyo ba ako hatid sa house after?"

"Of course, kahit hindi mo sabihin pipilitin ng mom ko na siya maghatid sayo. Sige 10 minutes andiyan na kami. Sa may parang lobby na lang. Bye!"


10 minutes na, ano na. Ay andyan na pala sila. Bakit ako kinakabahan?

"Hi Atasha!" Sabi ni Aulie, while smiling. She's so beautiful. Hindi ko alam ano mayroon sakanya ngayon pero ang ganda niya today.

"Hi, Ate Aulie! Good Evening po tita."

"Good Evening, Atasha! nakwento ka na ni Aulie sa akin dati. You're very pretty, iha" Sabi ng Mommy ni Aulie with her very cute smile.

i can't help it kaya bumulong ako kay Aulie, "Ang nice naman ng Mom mo!"

"Mas nice ka, cute pa"

Hindi dapat ako kinikilig, but for the first time i felt that "butterflies in your stomach" kind of shit.

Ang tahimik naming tatlo habang nagdri-drive si Tita. Nakatitig lang si Aulie sa mga kotseng dumadaan, sa mga ilaw sa paligid, sa buwan at mga bituin. Ako yung tipo ng tao na tumititig rin sa bintana dahil gusto kong tignan ang ganda ng langit at mga bituin.

Hindi ko maintindihan anong mayroon ngayong gabi. Ang alam ko lang mayroon pa palang masgaganda sa mga bituin, si Aulie. Imbis na sa bintana ako nakatitig ang bawat galaw niya ang aking pinapanood.


Hala siya, sweet ko naman, natatawa na lang ako sa sarili ko.

Huy, Bakit ano mayroon kay Kuya?

Si Mia! Oo nga pala, hindi ko na siya nasagot sa text.

Wala wala, nililigawan niya si Auli diba? Kasama ko nga pala si Ate Aulie.

LUH, bakit? siya na ba bagong babe mo? Aw kawawa naman si RACHEL pinalitan mo na.


What the fuck, nagseselos ba siya? Wow, siya pa naganahan magselos?


Wow, ikaw pa ang nagseselos? And what's with Rachel? She's my best friend.


Best friend? Eh, mas sweet ka pa doon kaysa sa akin!


Sino ba laging wala, Mia? Ako ba? Sige magselos ka kay Rachel pero kay Ate Aulie? Respeto naman bro.


Bahala ka na sa buhay mo, Atasha. I'm done.


"PUTANGINA MO!" napasigaw ako habang nakatingin sa convo namin ni Mia. For a moment, nakalimutan kong kasama ko si Aulie at Mom niya.

"Atasha, What's wrong?", Sabi ni Aulie habang pinupunasan mga luha na nahuhulog galing sa aking mga mata.

Hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Ang alam ko lang ang sakit, nararamdaman ko yung sakit. Gusto ko ng malaman yung totoo tungkol sakanya at Gab pero paano?

Ramdam ko yung sikip sa dib dib ko.

Ramdam ko yung mabigat kong paghinga.

Wala akong ibang maisip kung hindi, napakadali ko talagang palitan. Wala akong maramdaman kung hindi sakit hanggang sa, hinila ako ni Aulie at yinakap.

Onti-onting lumiwanag lahat. Hindi ko alam ano mayroon kay Aulie pero sa simpleng yakap gumaan pakiramdam ko.

"Shhh, andito lang ako."

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon