Chapter 8: Stature

1.4K 29 1
                                    

Babe.

Narealize ko na hindi ata magandang joke yung sinabi ko. Napatingin na lang ako kay Aulie with widened eyes at hindi siya nagsasalita nakatingin lang siya sakin.

Magsalita ka please. Magsalita ka.

Mukha na kaming tanga kasi halatang awkward tapos nakatayo lang kami sa gitna ng hallway.

Magsalita ka. God, Sige na ako na tatawa kunwari hindi awk-

What?

Bigla na lang siya lumapit sakin. A smirk growing in her face. Wait, anong nangyayari?

Patuloy siya sa paglapit until we were only centimeters apart. Ba-Bakit biglang uminit? Ang lamig ng panahon dahil tagulan pero bakit pinagpapawisan ako?

"Babe?" Aulie chuckled. Nilapit pa niya mukha niya sa akin at nagtiptoes dahil masmaliit siya. Onti na lang talaga magdidikit na ang aming labi. At hindi ko mapigilang pansinin iyong smirk na nakabuo sa kaniyang mukha. Putangina, ang init talaga. Aulie reached for my hand and -

"Tara na gutom na ako!" Bigla niyang sinabi na parang walang awkward silence na naganap. Na parang hindi niya ginawa iyong ginawa niya, kung ano man iyon. Ano ba kasi pinaparamdam ni Aulie?

Hinila niya ako agad agad pero hindi parin ako makaget over sa pinaramdam niya sakin. Ano ba pinaparamdam ni Aulie kapag andiyan siya?

Tipong masaya ako na kinakabahan na nag-aalala na hindi ko na alam. Basta.

Basta iba talaga.

Hinila niya ako lalo para ilapit ako sakanya. I felt firework explode in my- tangina cheesy masyado.

Pero, seryoso i felt butterflies in my stomach as she intertwined our fingers. Onti-unti rin akong nagblush habang tinitignan kamay namin.

Inakyat ko ulo ko at doon nagmeet eyes namin. Maslalo na akong namula nung nakita ko nakangiti siya.

"Atasha!!! Dalian mo maglakad, seryoso ako sa gutom na ako." Sinabi ni Aulie nang bigla siyang tumakbo pababa sa canteen.

Ang weird ko, bakit biglang ang awkward kong kasama. Nakarating na kami sa canteen, at sinusundan ko lang si Aulie na paikot-ikot kasi hindi makapili ng pagkain. Ang cute niya.

"Sinong cute?" Tinanong ni Aulie. Huh? Hala, nasabi ko ata iniisip ko.

"Ni Mia." I lied habang tinuturo si Mia sa may mesa sa dulo. Pagkasabi ko ng pangalang, Mia nawala iyong ngiti ni Aulie.

I felt my heart sink, Aulie ikaw talaga ang cute.

"Oo nga, ang cute niya." Pinilit ni Aulie ngumiti pero halatang hindi totoo.

Pero baka assuming lang ako. Syempre, bakit naman siya magiging affected. Tanga ko naman para maniwalang affected siya.

"Anyway, Anong gusto mong kainin, babe." Tinignan niya ako straight in the eyes pagkabi ng 'babe'

"A-ayokong kumain. Dali bili ka na pagod na akong tumayo." 

"Psh. Tinawag lang kitang babe eh." Binulong ni Aulie sa sarili niya habang nakangiti, but it was loud enough for me to hear

"Wag kang feeler, Ate Aulie."

"Hala, nagjojoke lang ako gaga." Sabi niya habang tumatawa at sa wakas pumila na siya ng gusto niyang kainin.

Ano ba yan. Sineryoso ko naman iyong sinabi niya tatanga tanga nanaman ako.

Naglakad na kami papunta sa mesang uupuan namin. Onti-unting bumalik confidence ko dahil sa rami ng kwento niya nakakalma ako at doon ko naramdaman ang saya.

Puno ng tawanan iyong ko dahil sa mga kwento niya. Mga kwento noong bata siya hanggang sa kinaiinisan niya sa klase ngayon. Maslalo kong nakilala si Aulie at maslalo akong naattach sakanya.

attach. Atasha wag masasaktan ka lang.

"Babe, sama ka sakin mamaya gagala pero may kasama ha? Sama mo na lang si Rachel? or si Liz?" Malapit na niyang matapos iyong kinakain niya.

"Sige, tanungin ko si Rachel." Tumingin ako sa orasan at doon nawala iyong sayang kitang kita sa mukha ko. Alam kong kitang kita na nawala dahil napansin ito ni Aulie.

"Ano meron?" Sinabi ni Aulie napatingin ako sakanya at halatang halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Napangiti ako, totoong ngiti dahil nakakatuwang malaman na naaapektuhan ko siya. Nag-aalala siya pag malungkot ako at masaya naman pag masaya ako.

"Wala wala. Malapit na kasi matapos lunch. Nakakatamad mag-aral." Ako talaga iyong tipo ng estudyante na mahilig mag-aral. Pero maspipiliin kong ilaan oras ko kay Aulie kaysa gawin ang hilig ko. Pero syempre acads is life kaya ayun.

"Okay lang iyan magkikita naman tayo mamaya." Aulie reached for my hand at naramdaman yung warmth.

Aulie felt like home.

"Ehem." Pagtingin ko sa gilid namin andoon si Mrs. Pascual. Nakatingin sa mga kamay namin ni Aulie. Halatang halata na hindi siya natutuwa.

"Ms. Valdemar, what are you doing here? You aren't suppose to stay here."

Si Mrs. Pascual ang nagha-handle ng mga kaso ng students. Part siya ng admin. Okay, so sobrang strict ng school na ito bawal kang pumunta sa eating area ng ibang batch. Since sophomore ako bawal ako sa eating area ng juniors eh dito ako hinila ni Aulie.

Minsan naiinis na ako dahil lang all-girls school sobrang strict na. Agad agad kong inalis kamay ko sa pagkakahawak ni Aulie.

"Mrs. Pascual, I'm sorry it isn't Atasha's fault. She was asking for help with a topic in..." Tinignan niya iyong papel sa tabi ko. Science homework ko.

"Chemistry and asked her to stay here. I hope you don't mind." Sinabi ito ni Aulie ng nakangiti. Galing magpalusot ha.

Mrs. Pascual glared at me before looking at Aulie. Pagkatingin niya kay Aulie parang nawala galit niya? Favoritism lang?

"It's almost time you two should prepare before your next class start." At ganon ganon na lang umalis si Mrs. Pascual.

"WHAT THE FU-" mapapamura na sana ako kaso biglang cinover ni Aulie bibig ko.

Paglingon ko nakatingin parin si Mrs. Pascual.

"Paano mo nagawa iyon. For sure kahit anong sabihin ko doon papapuntahin parin akong office." Sinabi ko ng pabulong.

"Syempre, charm lang." Aulie winked at me.

"For real though, babe. We should go, Math next subject ko magre-ready pa ako." Nasanay na ako sa nickname ni Aulie sakin.

Babe.

Pero kahit sanay na ako hindi ko mapigilan matuwa sa tawag niya sakin.

"Sige bye Ate Au-"

"ATASHAAAAAAA!!"

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon