Chapter 3: Debrief

2.5K 37 0
                                    

Usually, service sumusundo sa akin. Nagulat ako tumawag si Dad sa phone ko. 

"Nasaan ka na? Narecieve mo ba yung load? Text mo ko if tapos ka na." 

"Wow, Pa, ngayon mo pa ko naisipang paloadan eh tapos na. Nasa gate 3 na ako." I said rolling my eyes.

"Oy, Ms. Valdemar. Don't roll you eyes on your father. Anong akala mo hindi kita nakikita?"

What the fuck, creepy may stalker na bang pinadala tatay ko sakin.

"PAANO MO NALAMAN?" 

"Tanga, tingin ka sa harap mo. Kakarating ko lang tara na."

Lutang ba ako, hindi ko man lang napansing andito na siya.

Pagsakay ko ng kotse may damit ni Mommy sa likod. 

"Dad, anong mayroon"

"Kikitain natin Mommy mo sa mall."


Panget, I miss you. Lava you.


S-si Mia? Hindi ko talaga ine-expect kasi, magka-away kami at hindi na siya nagtetext ng ganito.

Hindi ko napansin nasa stoplight at kasabay kong nagbabasa ng text si Papa. Kasabay ko rin siyang magulat na may nagtext sa akin ng ganito.

"Hoy, ano ka ba talaga?" Bigla niyang tinanong habang paparating na kami sa mall.

"Tao ako" I said while smiling at him. 

Against magulang ko sa same-sex relationships. Nahuli na nila ako dati at hindi ko maexplain yung galit nila. Feeling nila sobrang sama ko for having this kind of relationship. Ngunit alam kong pag si Dad unang naka-alam hahayaan muna niya ko. Ngunit may limit. Hindi ko alam ano, basta bigla niya na lang papatigil.

"Ano ba talaga gusto mo? Babae o lalaki?"

"Uhhm, Dad, pwedeng both?"

"Gago, pasalamat ka andito na tayo at kanina pa naghihintay Nanay mo. Mauna ka na doon, susundan na lang kita."

"Okay, Dad. Love you"

Paglipas ng isang oras nakapili na rin si Mommy ng kulay ng pants na gusto niya. Nasa may cashier na siya ng department store, samantalang si Dad nakatayo sa harap ng magazine.

Anong tinitignan niya doon?

Nilapitan ko siya at nakatitig siya sa mga FHM magazines. 

"Hay nako, Pa."

"Girlfriend ko yan." Sinabi habang kumukuha ng isang magazine.

"MOMMY OH."

"Ano nanaman?" Lumingon siya galing sa pila ng cashier.

"Si Da-"

"Subukan mo, Atasha susumbong ko ring may girlfriend ka. Yung sayo totoo." Sinabi ni Papa nang pabulong.

"Si Daddy inaaway ako."

"Ay nako, Andrew tuloy mo lang." Sinabi ni Mommy habang si Papa nakangiti sa akin.

Onti-unting nawala ngiti niya habang nakatingin sa hawak kong phone.

"Nakasilent ka nanaman, tumatawag girlfriend mo."

Girlfriend. Si Mia. Napangiti ako at umasang si Mia nga tumawag ngunit hindi pangalan niya ang nadatnan ko. Si Rea ang tumawag. Ang classmate naming parehas ni Mia.

"Ano problema mo, Rea?"

"Check the picture I sent you. Bye." She hang up. Hala, iyon lang naman sasabihin akala ko kung ano.

Tinignan ko yung sinend niya at


naramdaman kong may luhang tumulo


Ayokong maniwala ngunit, ito na. May picture na. Bakit ko pang patuloy niloloko sarili ko?


Ito nanaman tayo.

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon