Chapter 10: Masked

1.7K 32 19
                                    

"Soooo, saan tayo pupunta?" Sinabi ko na lamang para mema. Awkward naman kung wala akong imik the whole time na magkasama kami diba.

"I heard may bagong bukas na cat cafe! Malapit lang dito, sagot na ni Atasha uber. lilibre naman tayo ni Ate Aulie eh. Diba Atasha?" Rachel raised an eyebrow. Ano ba sinong may sabing may pera ako? Sumama lang ako kasi may pera ako para sa sarili ko hay.

Nakatingin si Aulie at Clark sakin halatang umaasa na sagot ko talaga uber.

"Oo na, ako na sa uber." I said reluctantly.

Nilabas ko phone ko para magbook ng uber. Nakapagbook na ako.

"YEHES! Galante ka talaga, Atasha." I really need to stop sayong my thoughts out loud.

I checked kung ano plate number at nasaan na yung uber and-

"Guys, may problema." I said staring at my booking.

"Ano?" Tinanong nila.

"Uhm, mirage yung kotse na book k-"

"OKAY AKO SA HARAP!" Biglang sumagot si Rachel.

"HINDI! MASIKIP SA LIKOD AKO SA HARAP!" Sabi naman ni Liz.

"AKO KASI." Nagsimula na silang magtalo kung sino uupo sa harap and wala akong nagawa kung hindi tumawa.

"Uy dapat si Atasha. Siya ang nagbayad." Sabi ni Aulie habang tinitignan ang dalawang kong kaibigan.

"Hindi okay lang kahit saan ako umupo-"

"OKAY AKO NA TALAGA SA HARAP" Bigla nanamang sabat ni Rachel.

"KASI AKO NG-"

"Si Clark na lang." Sinabi ko while glaring at the two of them.

"H-hindi oka-" Sasabihin sana ni Clark ngunit sumabat ako ng, "Okay lang doon ka na." Smiling at him.

Kailangan na talaga namin tumigil sa kakasabat sa isa't isa.

"Ma'am kayo po ba si Atasha Valdemore?" Tinanong ng lalaki sa mirage sa harapan namin.

"Opo."

"Ay sakay na po kayo 10 minutes na po akong andito akala ko po ibang tao."

Ang tagal na palang nagtatalo ng dalawa hindi man lang namin napansin na andito na pala ang uber.

"Sige na, Clark sa harap ka na." Sinabi ko kay Clark habang nginitian siya. Tinignan lamang niya ako at umupo't sa harap. Habang ang dalawa ay napilitang umupo sa likod.

Isa - isa kaming sumakay at medyo masikip nga at halatang hirap si Aulie.

"Ate Aulie gusto mo bang sumandal?" Tinanong ko siya dahil sa sikip namin hindi na makasandal si Aulie, ngunit b-bigla siyang tumayo at umupo sa lap ko. Laking gulat ko tumingin ako sa head view mirror at doon ko nakita mga mata ni Clark. Halatang halata na hindi siya natutuwa sakin kahit babae pa ako at kaibigan lang turi sakin ni Aulie.

I mean bakit parang threatened siya sakin. I felt pride na pinagseselosan niya ako, and maybe threat nga ako sa relasyon nila. Pero I know better kaya for sure hindi ko papayagan sarioi ko na agawin si Aulie kung alam kong masaya siya kay Clark.

Priority ko kasiyahan ni Aulie.

Hala, puta cheesy ko, ew.

As I get deep in my thoughts narealize ko na there's something special kay Aulie. Hindi ko mapoint out pero for some reason.

"Atasha! Baba dalian mo!", Biglang sinabi ni Rachel.

We arrived sa cat cafe and ordered our drinks. Babayaran na sana namin ni Rachel at Liz yung drink namin pero pagabot namin ng pera, nakapagbayad na si Aulie.

"Please don't, sabi ko sainyo. It's my treat." Sabi ni Aulie. Hindi ako papayag na siya magbabayad ng drinks and entrance fee namin.

"Ate Aulie, ayo-", bago ko pa matapos sasabihin ko hinawakan ni Aulie kamay ko bigla, sending chills all over my body. Hindi ko napigilang tignan yung kamay niya sa taas ng kamay ko. And for some reason, parang kinakabahan na ako sa harap ni Aulie.

Tinanggal ko mga mata ko sa kamay namin at tinignan ko siya sa mata. I'm usually insecure when it comes to looking someone in the eyes, ngunit may iba kay Aulie na pinapakaba ako pero hindi ko mapigilang tignan siya. Parang may sinasabi mga mata niya at may tension sa aming dalawa.

"Atasha, ako na bahala." Sinabi ni Aulie while smiling at lumabas yung teeth niya. Feeling this way is super weird. Hindi ko magets bakit pero kabang kaba talaga ako bigla at the same time ayokong mawala siya sa harap ko.

After that night sa Antipolo, I was looking at Aulie in a different way. Hindi ko gets basta iba, may iba sa kanya.

"Aulie, what did you get for me?" Sabi ni clark as he circle his arms sa waist ni Aulie. Don't get me wrong I'm still figuring out anong ganap sa emotions ko pero sa ginawa ni Clark, sure akong hindi ako natutuwa

May something kay Clark na feeling ko hindi siya okay for Aulie, but then again baka mali ako. All I know, masaya si Aulie at masaya ako para sakanila. Para sakanya.

Pumasok na kami sa cafe kung saan makikita yung mga cats. I love cats and puppies kaya agad agad akong umupo sa floor para laruin sila. Umupo sa tabi ko si Rachel and Liz at nakipag laro rin sa mga pusa pero si Aulie at Clark umupo opposite sa amin. Sa harap namin pero malayo-layo at halatang halata na fan sila ng PDA. Which knowing me of course, maiinis ako.

"Selos?" Sabi ni Liz sa akin.

"Huh? Selos saan? Gago ka ba wala nga akong gusto ngayon e." Sabi ko while shoving Liz sa shoulder.

"Anyway, balita ko wala na si Mia? Anong nangyari?" Sabi ni Rachel.

"Meh, wala naman masyado. Wala na kong pake. Nagseselos siya sayo." Sagot ko kay Rachel.

"Alam ko na yan, nung nagaasaran tayo nanonood siya tapos kausap siya ni Max. Nakwento nga ni Max na halatang nagseselos si Mia." Sabi ni Rachel habang kinukuha yung isa cat para ilagay sa lap niya.

"Anyway ayoko muna ng love life. Pass muna ako."

"Kahit ako? Alam ko namang crush na crush mo ako, Atasha. I mean look at me." Sabi ni Rachel while smirking.

"Alam mo, Rachel. Crush talaga kita. I love youuuuuuuuu. Mwah mwah-" I hugged rachel tight from the side havang kinikiss siya sa mukha.

"Joke lang, ew alis. Alam mong hindi gagana sakin powers mo." Pinilit akong itulak ni Rachel.

"Powers?"

"Alam mo yung lahat ng mga nilandi mo or nagkakagusto sayo pag tinanong anong nagustuhan niyo kay Atasha, isasagot sweet ka. Super clingy mo kasi pafall pa at paasa." Sabi ni Liz. I just looked at her knowing na hindi pa siya tapos.

"Diba, Rachel?"

🌸 • 🌸 • 🌸

A/N
I honestly want to put smut or something sexual pero hindi ko alam if appropriate ba siya sa readers nito knowing medjo vulgar na nga yung pagkasulat. Comment kayo if okay lang or masgusto niyo may sexual tension and stuff sa story or purely fluff.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon