Chapter 6: Implicit

2.5K 31 4
                                    

Boyfriend? Bakit parang hindi ako natutuwang may boyfriend si Aulie? Diba dapat masaya ako para sakanya kasi siya mukang masayang masaya sa kuya ni Mia. Pero bakit parang...

Parang ang bigat marinig.

"Iba ka! Chix ka pala eh." Sinabi ko ng pabiro pero gulong gulo parin ako. Oo, alam ko pakiramdam magselos pero hindi matinding selos.

"Kailan pa kayo ni Clark?"

"Ngayon ngayon lang. Ito naman ako sinagot at nagpaloko. Alam mo ba sobrang cute niya at saya kasama kahit maraming nagsasabing gago at panget naman iyon."

"Ay ganon ba, pwede ka pala mag boyfriend?" Pagtapos kong sabihin ang mga salitang ito napangiti si Tita.

"Oo, nagpaalam muna siya kay Mama. Isang beses magkasama kami sa sala tapos si Mama syempre naka bantay akala mo naman ano gagawin namin." Sinabi niya habang tinitignan ng masama si Tita pero syempre pabiro lamang.

Tinuloy niya kwento niya, "Tapos itong si Clark biglang inayos buhok ko. Out of no where nagcomment si Mama ng cute daw kami. Todo support talaga iyan."

"Syempre ako number one fan mo, Aul" Cute naman ng Mommy ni Aulie. Iba siya sa typical parent. Hindi strict, mabait and halatang mahal na mahal niya si Ate Aulie.

"Sige na baba ako may kakausapin lang ako. Iwan ko muna kayo dito ha!" Umalis si Tita at ang naiwan ay ako at si Aulie.

Dalawang oras kaming nagkwentuhan, nagtawanan at marami pa. Sobrang saya kasama ni Aulie. Akala ko suplada't masungit siya pero hindi. Despite sa takot ko dahil muka siyang bitch at galing siya sa higher batch, pinaramdam niya sakin na welcome ako sa buhay niya. For the first time i felt like i can trust someone.

Hindi kasi ako yung tipo ng tao na bigla na lang nagkw-kwento tungkol sa personal life ko. Kung ano yung mga kalokohang ginagawa ko. Sige, kwinekwento ko yung mga crush ko. Sige nangb-backstab ako pero hindi ko kayang pagusapan ano yung ginagawa ko pag malungkot ako. Ano nangyayari sa pamilya ko o ano nangyayari sa akin mismo.

Pero kay Aulie. Kahit ngayon lang naman kami naging close. May something na, i felt safe. Like siya yung taong pwede ko trust.

"Ang bait ng Mommy mo noh?"

"Sobra, swerte ko nga diyan eh." Nalungkot ako ng onti. Akala ko normal na yung mga magulang ko ganon.

Pero hindi, Tignan mo Mama ni Aulie.

Nanay ko? Hay, walang tigil sa sampal, suntok at tulak dahil sa maliliit na pagkakamaling nagawa ko.

Sige tanggap ko na ginaganon niya ko pero hindi ko tanggap na pag may ginawa akong tama hindi niya pinapansin. Hindi ba dapat, balanse?

Pero alam mo, Hindi ang mga pisikal na pananakit yung tumatatak sa memorya ko. Yung paulit-ulit na paalala ng magulang.

Normally, sa iba, malamang ang mga paalala ay wag magpapalate umuwi, magtext, kumain ng mabuti.

Sa akin

Sa akin puro, wala kang kuwenta, hindi ka makakaraos sa buhay, sana hindi ka na lang dumating sa mundo. Para bang isa akong malaking pagkakamali sa kanila.

"Huy, Atasha, anong mayroon?"

Napatigil ako sa pagtitig sa kalawakan at kakaisip nang tinanong iyon ni Aulie.

"Huh, bakit mo naman natanong iyan?"

"Ano ka ba. Kanina pa kita tinitignan. Pagtapos kong sabihin swerte ako kay Mama nagzone out ka na. May something ba na gusto mong pagusapan?"

Napatitig ako sakanya sandali at napaisip. Napaisip muli at tinignan si Aulie. Mayroon nga ba akong gusto pagusapan? Wala akong sinasabihan, hindi dahil ayaw ko pagusapan pero natatakot ako.

Natatakot akong magtiwala.

"Lika nga dito!" Bigla akong yinakap ni Aulie.

Parang bumagal lahat maliban yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Kabado ako pero normal naman na may umaakap sa akin. Bakit ako kabado pag si Aulie gumawa? Ganon man nararamdaman ng puso ko pero yung isip ko. My mind's at peace. Nawawala lahat ng iniisip ko.

Bakit parang, mayroon talaga something that makes me feel safe. Kahit pagkatiwalaan siya kaya ko.

Pero wag muna, hindi pa ko sigurado kung magtatagal ba kami, yung friendship namin.

Aulie, bakit ba bigla akong nabighani sayo. Hindi dahil maganda ka. I mean, oo, maganda ka pero

Bakit bigla mong pinaramdam itong mga nararamdaman ko ngayon kahit sandali palang tayo nagiging magkaibigan? Sa sandaling oras pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako at andyan ka palagi para sa akin.

Bakit ako nagkakaganito?

Ikaw rason kung bakit ko nakakalimutan ang mga bagay bagay. Si Mia, pamilya ko, mga problema na hindi ka naman aware na mayroon pero kaya mo parin iparamdam na wala ang mga iyon. Sa sandaling mga ito nararamdaman kong masaya ako.

Aulie, anong nararamdaman ko?

Anong nararamdaman ko?

"Anong nararamdaman ko?"

"Hindi ba dapat ako nagtatanong niyan, Atasha." She said while letting go of me and breaking the hug.

Fuck, did i say it out loud? Baka may iba akong nasabi. Baka lahat ng iniisip ko nasabi ko.

"A-anong sabi ko?"

"Wala naman, tinanong mo lang ano nararamdaman mo. Malamang hindi ko alam diba kasi, Aulie pangalan ko. Hindi naman Atasha."

"So yung kapangalan ko na, Atasha rin name alam iniisip ko?"

"Joke ba iyon." Oo, joke iyon.

I'm not good with jokes, sorry.

Bigla siyang tumawa. Akala ko nung una sarcastic pero parang natatawa talaga siya?

"Bakit ka tumatawa?"

"Ang fail mo kasi", ay tangina. Akala ko naman dahil funny na joke ko.

"Ang cute cute mo, Atasha! nanggigigil ako sayo!!! SOBRAAA!! Yieee, ang fluffy mo, love you!"

"I love you too."

I'll Wait, I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon