Kenny's POV
Kasalukuyang busy ako ngayon sa pagbabake ng pastries dito sa shop. Malapit ng mareach ang target kaya medyo binabagalan ko na. Ginugol ko lahat ng oras para lang sa pagbabake.
"Kenny someone is looking for you outside!" sigaw ng head namin na busy sa pag-asikaso sa mga orders
"Coming!" sagot ko naman
Naghugas muna ako bago ako lumabas. At laking gulat ko sa nakita ko.
"Vince?!" tumakbo ako palapit kay Vince at niyakap ito ng mahigpit
"Anong ginagawa mo dito?!" sabi ko habang siya ay natatawa ata sa reaksyon ko
"Syempre binibisita ka!" sagot nito na nakangiti
"Teka lang mag cclock out lang ako" sabi ko at pumasok na sa loob ng shop
Nag-out na muna ako para naman masamahan si Vince. Ang odd kasi nasa Italy ako tapos bibisitahin niya lang ako?
"Vince try this" inabot ko sakanya ang isang cupcake na kinuha ko bago umalis sa shop
"Thank you" kinuha niya ito at agad na tinikman
Tumango tango siya saka ngumiti.
"Ang sarap!" sigaw niya sabay taas pa ang cupcake na hawak niya kaya pinagtinginan siya ng mga tao
Pinipigilan ko ang tawa ko kasi bigla siyang napahiya sa ginawa niya. Kahit kailan talaga.
Umupo kami sa isang bench para magpahinga muna.
"Kenny? Kaya ako pumunta dito kasi may gustong gusto akong sabihin sayo noon pa man" sabi niya habang nakatingin sa malayo
"Ano yun? Tungkol ba kay Kyle?" tanong ko naman
Nakita kong kinuyom niya ang mga kamay niya at napayuko.
"H-hindi... Gusto ko sanang sabihin n-na m-matagal na kitang gusto..." mahina niyang pagkakasabi
Nagulat ako sa sinabi at napatahimik. Hindi pa gaanong nagpoproseso sa utak.
"Dahil sa sasabihin mong yan pumunta ka dito?!" galit kong pagkakasabi sakanya
Tumango naman siya ngunit nakayuko parin. Pumunta ako sa harap niya at umupo para silipin siya. Nakapikit lang siya ng mariin. Ang cute niya.
"Liligawan mo ba ako?" tanong ko sakanya
Idinilat niya ang mga mata niya at nagulat na nakita niya akong nakaupo sa baba. Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako patayo.
"H-handa akong ligawan ka para lang magustuhan mo ko!" sabi niya
Nginitian ko siya at nilapit ko ang mukha ko sa kanyang tenga.
"Sige pero kailangan muna nating mag cr kasi parang mapapaihi ka na" bulong ko sakanya sabay ng hagalpak kong tawa
Nakatitig lang siya sakin at para bang walang narinig. Kinaway kaway ko ang kamay ko sa harap niya ara matauhan siya.
"S-so pwede ako manligaw?" tanong niya sakin
"Oo nga!" sagot ko naman sakanya
"Yes! Woooooooooh!" sigaw niya saka ako binuhat at inikot ikot
"V-Vince nahihilo na ako!" saway ko naman
Binaba niya ako at muling hinawakan ang mga kamay ko. Hinalikan niya ito saka tumingin sa mga mata ko. Ngumiti siya at napangiti din ako.
"Ibabalik ko lahat ng nasayang mong pagmamahal kay Kyle. Handa akong pasayahin ka Kenny" sabi nito sa akin
Si Kyle. Matagal ko ng kinalimutan ang pagmamahal ko sakanya na higit pa sa pagkakaibigan namin. In fact madami ng nanligaw sa akin dito sa Italy na hindi ko naman pinapansin. Pero itong si Vince? Malay naman natin diba?
Vince's POV
Nandito kami ngayon ni Kenny sa kanyang bahay. Maluwag ito at malinis.
"Vince feel at home lang. Meron ka na bang matutuluyan dito sa Italy?" tanong ni Kenny sakin
"Nakahotel lang ako. Pinili ko yung hotel na malapit sa shop kung saan ka nagtatrabaho" sabi ko naman
"Mamaya kunin natin mga gamit mo para ilipat natin dito. May isa akong guest room pwede ka doon. May kamahalan kasi kung mananatili ka sa hotel lang" sabi niya habang nag-aayos ng makakain
"Okay lang ba sayo?" tanong ko sakanya at sinagot niya naman ito ng isang simpleng pagtango
"Vince kamusta na pala si Kyfer?" bigla niyang nasabi out of the blue
"Ganun parin naman. Magalang at mabait as usual. Malapit na pala ang birthday niya" sabi ko naman
"Omg! Kailangan kong umuwi sa birthday niya!" bigkas niya sabay ng pagpadyak ng iyong paa
"Paano pala ang work mo Vince kung nandito ka sa Italy?" tanong niya sakin sabay ng paglagay ng pagkain sa lamesa
"Vacation leave ako ngayon kaya matagal tagal akong mananatili dito" nakangiti kong saad
Niyakap ako ni Kenny ng mahigpit at naramdaman kong umiiyak siya. Niyakap ko naman siya pabalik at hinaplos ang likod niya para mapagaan ang kanyang loob.
"Akala ko palagi nalang ako mag-isa! Buti dumating ka!" sabi niya habang umiiyak na parang bata
Napangiti nalang ako at pinunasan ang mga luha niya.
"Akala ko nga palagi nalang akong kulang kasi wala ka" sabi ko at nakita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga pisngi mo
Kenny matagal ko na itong tinatago pero ngayon malaya ko ng maipaparamdam sayo ang pagmamahal ko.

BINABASA MO ANG
Baby Maker Rental
Fiksi Umum[Baby Maker Rental Corporation] RULES & REGULATIONS 1. There are 10 baby makers that is available and you need to choose only 1. 2. Before the Corporation approve the contract, the costumer should complete the medical exam. 3. The costumer will have...