Vince

81 5 2
                                    

Kenny's POV


"Vince bakit pala nakulong ang Dad mo?" pagtatanong ko ng wala sa oras kay Vince


"Hmmm... Nakulong si Dad kasi napatay niya yung bestfriend ni Mom" sagot niya


"Huh? Bakit naman nagawa niya yun?" pag-uusisa kong muli


"Dahil sa selos. Mahal na mahal kasi ni Dad si Mom kaya nagawa niya yun" sabi niya at nginitian ako


"Grabe naman magselos Dad mo! Pero ang cute isipin na nagawa niya yun kasi mahal niya ang Mom mo" saad ko


Biga niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Tinignan ko siya ng mata sa mata. Vince katulad ka din ba ng Dad mo?


Vince's POV


"Kenny may chance ba na sasagutin mo ako?" pagtatanong ko kay Kenny habang naglalakad lakad kami


"Syempre meron. Kaya nga kita pinayagan manligaw diba?" saad niya na may kasamang ngiti sa kanyang labi


Tumango naman ako at patuloy kaming naglakad patungo sa kung saan.


"Kenny mahal mo pa ba si Kyle?" pagtatanong kong muli


Napatigil siya ng paglalakad kaya tumigil din ako. Para ba siyang nagitla sa tanong ko. Nginitian ko nalang siya at hinila siya ng bahagya para maglakad muli.


"Okay lang kahit hindi mo masagot. Gusto mo na ba kumain?" pag-iiba ko ng usapan


"A-ah o-oo" nauutal niyang sambit


Kenny nararamdaman kong gusto mo pa siya. Pero Kenny akin ka lang. Kinuyom ko ang isa kong kamay at naglakad kaming muli. Bakit ba halos lahat ng babae si Kyle ang gusto?


Maestro's POV


"Kyle kamusta ka dyan?" bati ko ng magsimula ang video call naming dalawa


"Eto medyo pagod. Kakatapos lang namin magtour ni Dad. Kamusta na ba dyan?" sambit niya habang hinihilot ang kanyang sentido


"Ganun parin naman kaso hindi ko malaman kay Vince kung kailan siya babalik. Madalas kasing makuha ang lahat ng mga baby makers natin kaya minsan hinahanap ko si Vince" saad ko naman na nagpabuntong hininga sakanya


"Sabi ko naman sayo maghanap na tayo ng bagong baby makers at yung vacation leave ni Kyle parang masyadong matagal na ata?" sabi niya na tila namomroblema


"Yun na nga din iniisip ko Kyle. Speaking of Vince, tumawag siya sakin kahapon. Hinahanap ka ata?"  sabi ko


"Hinahanap ako? Bakit ikaw pa ang tinawagan niya?" pagtatakang tanong ni Kyle


"Hindi ko rin nga alam. Sige na Kyle magpahinga ka na. May aasikasuhin pa pala ako" sambit ko kay Kyle


"Sige Maestro" sagot niya saka tinapos ang video call


Napasandal ako sa swivel chair at pumikit. Magpapapasok na ba ako ng gustong maging baby maker? Kung nandito lang si Vince panigurado ay hindi naman ito makakaapekto dahil madalas ay kailangan lang ng isang available na baby maker pag fully booked na.


*ting!*


From: Alexis Perez


Maestro babalik ako sa Manila. I need your help.


Ano nanaman ba ang balak mo Alexis?


To: Alexis Perez


Okay. I'll call you later


Nilapag ko ang phone ko sa may desk. Bakit ba ganito ang mga taong pumapalibot sakin?

Baby Maker RentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon