Pagkalito

72 3 0
                                    

Kyle's POV

Nagising ako ng biglaan. Agad kong tinignan ang orasan at alas dos palang ng madaling araw. Tumayo ako at inayos ang kumot ni Kyfer na katabi ko.

Kinuha ko ang phone pati laptop ko at tinungo ang sala. Inopen ko lang ang social media account ko using my laptop. At baka may something interesting ako makuha.

Puro scroll down lang ang ginagawa ko hanggang sa makita ko ang isang picture ni Kenny na mahimbing na natutulog. Tinignan ko kung sino ang nagpost ng picture at si Vince pala ito. Nasa Italy siya? Nagulat ako ng biglang may tumatawag sa skype. Si Vince.

"Kyle! Kamusta kayo dyan?" pambungad sakin ni Vince

"Maayos naman Vince. Hindi mo sinabi sakin na pupuntahan mo pala si Kenny sa Italy" saad ko

"Kasi Kyle masyadong special yung pagpunta ko dito. And guess what just happened earlier?" masigla niyang pagkakasabi

"You and Kenny had sex?" sabi ko ng derechahan na ikinaseryoso ng mukha

"Kyle hindi ako ganun. Pinayagan niya na akong manligaw sakanya!" tuwang tuwa niyang pagkakasambit

Pinatay ko ang tawag at tumitig nalang sa screen ng laptop ko. Kaya pala special tss. Ikinuyom ko ang kamay ko. Nagagalit ako na naiinis. Akin lang si Kenny.

-flashback-

"Kyle ko? Pwede bang ikaw ang mapapangasawa ko sa future?" bigla naitanong ni Kenny habang nanunuod kami

"Oo naman Kenny! Ikaw at ako hanggang sa dulo!" saad ko naman na ikinatuwa niya

Niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit at hinalikan sa pisngi.

"I love you Kyle ko" bulong niya sa akin

-end of flashback-

Nagpromise ako pero siya pa ata ang bumitaw.

Alexis's POV

Oh online pa pala si Kyle ng ganitong oras? Agad kong ibinaba na sa crib si Kyla at tinawagan si Kyle.

"Hello. Kyle bakit gising ka pa?" pambungad kong tanong

"A-ano naalimpungatan kasi ako bigla kanina" sagot niya naman

"Umiyak ka ba? Parang iba ang boses mo?" ano kayang nangyari sakanya?

"P-paos lang. Sige na matutulog na ako, ikaw din matulog ka na. Good night" sabi niya at saka pinutol ang tawag

Humiga ako sa kama at tumingin lang sa kisame. Si Kyle. Ang nag-iisang lalaking minahal ko. Pwede pa nga ba maibalik ang lahat?

Vince's POV

"Vince! Ano itong pinost mo?!" galit na galit na tanong sakin ni Kenny

"Hahahahaha! Ang cute mo kasing matulog kanina sa may sofa!" agad kong sabi sakanya

"Ikaw talaga!" saad niya at bigla akong sinakyan sa likod sabay hila sa mga tenga ko

"A-aray! Sorry na sorry na!" sabi ko kaya tumigil siya

"Kapag yon naulit patay ka sakin!" sambit niya saka nagwalk out papasok sa kanyang kwarto

Pikon talaga kahit papaano. Nakita ko ang phone niya na naiwan sa sofa. Kinuha ko naman ito at binuksan. Bumungad sa akin ang picture ni Kyle at ni Kyfer na magkasama. Agad ko namang sinara ang phone na ito at pinuntahan si Kenny.

*tok tok tok*

"Kenny! Naiwan mo phone mo sa sofa!" sabi ko pagkatapos kumatok sa pintuan ng kwarto ni Kenny

Bumukas ang pinto at kinuha niya ang phone niya sa kamay ko.

"Thank you" sabi niya saka sinara ang pintong muli

Umupo ako sa sofa at pumikit na muna. Kailan ba kita mapapalitan Kyle sa puso niya?

Baby Maker RentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon