Vince's POV
"Sige Anton. I'll transfer the money when it's all done" sabi ko saka pinatay ang tawag
Dumating si Kenny sa bahay ng nakabusangot. Ano nanaman ba ang nangyari sakanya?
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" salubong ko kay Kenny at kinuha ang mga dala niyang paper bags
"Eh kasi naman! Nakakapagod magtrabaho!" usal niya at nagdabog maglakad sa sala para makaupo
"Do you want me to talk to your boss?" pagrerekomenda ko
"Hayaan mo na! Mamaya naman mawawala na tong pagod ko" sabi niya at nagpout na parang bata
Nginitian ko siya at tumungo ako sa kusina. Kinuhanan ko ng tubig si Kenny at binigay ito sakanya.
"Magpahinga ka muna dyan at maghahanda ako ng makakain natin" saad ko sabay na ginulo ko ang buhok niya
Alexis's POV
"Kamusta ang byahe Alexis?" bungad na tanong sakin ni Maestro matapos akong sunduin dito sa Port
"Okay naman Maestro. Medyo nakakapagod nga lang" sagot ko habang tinutulungan siyang isakay ang mga gamit ko
"Ganyan talaga. Sigurado ka bang sasalubungin natin si Kyle bukas?" pagtatanong nyang muli
Tumango naman ako at nginitian siya. Inaya niya akong sumakay sa sasakyan na ginawa ko naman. Ano bang mga kahihinatnan ng mga desisyon ko?
*ring ring ring*
"Hello? Oh Kenny napatawag ka? Nandito ako ngayon sa Port sinundo ko si Alexis. Importante ba yan? Ah sige. Tatawagan nalang kita pag nakauwi na ako sa bahay. Sige. Bye" at nakita kong binulsa na ni Maestro ang phone niya
Ano kayang nangyari?
"Maestro si Kenny ba yung tumawag?" pag-uusisa ko
"Oo. May importanteng sasabihin daw eh" sabi niya saka napakamot sa ulo niya
"Ano kaya yun?" pagtatanong ko pero nagkibit balikat lang siya
Pinaandar niya na ang kotse at nagdrive na papunta sa hotel na tutuluyan ko. Nakasilip lang ako sa bintana buong byahe. Nagstop kami ng nagred ang traffic light. Nakita ko namang tumawid sa may pedestrian ang isang babae at isang lalaki na may tulak tulak na baby stroller. Napangiti ako sa nakita ko. Mukhang masaya sila. Magiging ganyan rin ba tayo Kyle?
Kenny's POV
To: Maestro
Maestro. Let's chat as soon as possible. I'll be waiting for you online. This is an emergency.
At sinend ko ang text message kay Maestro. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung mali ba ang pagkakarinig ko kanina pero si Kyle...
-flashback-
Naglalakad ako papunta sa bahay ng mapansin kong nakauwang ang front door ko. Hindi ata naisara ni Vince ang pinto ng ayos. Akmang papasok na ako ng narinig kong may parang kausap si Vince.
"Time of arrival niya ay 8:00 AM. Yes yes. Just do what I told you do. Shot him right through his chest or head. Alam mo na ba ang mukha niya? Good. Sige Anton. I'll transfer the money when it's all done" sabi ni Vince
Nang maramdaman kong tapos na ang katawagan ni Vince ay huminga ako ng malalim. Kailangan kong magpanggap na kakarating ko lang at wala akong narinig. Vince bakit?
-end of flashback-
I hope everything will be okay. I'll save Kyle this time. Tawagan ko nalang kaya si Kyle?
Calling Kyle Castronovo...
END CALL
Shit bakit hindi ko siya macontact?! Tinignan ko ang social media ko at halos lahat ng mga kakilala kong malapit kay Kyle ay offline.
Napahiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Sana wala talagang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Baby Maker Rental
General Fiction[Baby Maker Rental Corporation] RULES & REGULATIONS 1. There are 10 baby makers that is available and you need to choose only 1. 2. Before the Corporation approve the contract, the costumer should complete the medical exam. 3. The costumer will have...