Birthday Party

77 5 1
                                        

Kyle's POV

"Happy birthday Kyfer!" sigaw na pagbati ko matapos lumabas ni Kyfer sa kwarto namin

"Thank you Papa!" sabi niya naman na may halong ngiti sa kanyang labi

Niyakap ko si Kyfer at niyakap ng maigi. Hinalikan niya niya naman ako sa ilong tulad ng ginagawa niya noon pa man. Tinungo namin ang dining area at inihanda ang breakfast naming dalawa.

"Papa are we going to celebrate my birthday?" tanong niya sakin habang kami ay nakain

"Syempre naman baby. All you need to do is wait for the right time okay?" sagot ko naman sakanya

Ipinagpatuloy namin ang pagkain ng umagahan. Pinagmasdan ko si Kyfer at lumalaki na nga siya. 6 years old na siya ngayon. Madaming pinagbago sa pisikal na anyo pero ang ugali niya ay nanatili parin.

"Kyfer go take a bath after kumain okay? We will visit your Mama at the cemetery today" pagreremind ko sakanya

"We are going to buy flowers for her too right?" tanong niya na tinanguan ko naman

This is his day kaya pinaghandaan namin tong lahat. Kyfer is such a blessing to me and to everyone.

Maestro's POV

"Ayos na ba lahat? Yung cake nasaan?" pagtatanong ko kay Luke

"Maestro mamaya po ang dating ng cake at catering. Pero etong venue over all ayos naman na" pagrereport naman niya

"Nasaan na yung iba?" tanong ko nanaman

"On the way na daw sila. Maestro chill lang. Daig mo pa kung paano kabahan si Kyle. Tsaka mamaya pa naman ang start ng party" sabi ni Luke saka ako pinaupo muna

"Naeexcite lang ako para kay Kyfer" sambit ko

Yung 5th birthday ni Kyfer ay hindi gaanong macelebrate dahil nung time na yun ay nakacoma si Kyle. Kaya ngayon bumabawi kaming lahat sakanya. I hope this will lead to something that cannot be forgotten.

Kyfer's POV

"Hello po Mama. Kamusta ka na po dyan sa heaven? Miss na miss na kita Mama..." tanong ko kay Mama habang nilalagay ang mga flowers na binili namin ni Papa

"Angel birthday ngayon ni Kyfer. Malapit na magbinata" sabi naman ni Papa kay Mama saka ginulo ang buhok ko

Minsan iniisip ko kung paano pag si Mama at si Papa ay nagkatuluyan. Siguro masaya kami ngayon ng sobra sobra! O kaya naman ay hindi nawala si Mama sa buhay ko.

"Mama please stay by my side always pati na din kay Papa po. I love you po Mama ko" saad ko saka kiniss ang grave ni Mama

"Tara na baby? Malelate na tayo sa lakad natin" tumayo na kami ni Papa at tinungo ang sasakyan niya

Mama I will always love you po. Bye bye muna.

Kyle's POV

Pagkatapos naming pumunta sa sementeryo ay agad na kaming pumunta sa venue. Nagmessage naman sakin si Maestro na okay na ang lahat bago kami pumunta doon. At ngayon eto na ang big day ng anak ko.

"Papa aren't we going out po?" paliya liyang tanong ni Kyfer sakin

"But you need to wear this blindfold first before we get out of here" pinakita ko sakanya ang blindfold na ginawa ko gamit ang panyo na isinuot ko naman sakanya

Lumabas agad ako ng kotse at pumunta sa kabilang pintuan kung nasaan nakaupo si Kyfer. Kinuha ko siya at binuhat papunta sa venue.

"Malapit na tayo po?" paulit ulit niyang tanong sakin

"Konti nalang baby" sabi ko naman

Nakapunta na kami sa venue at nakita kong lahat sila ay nakaayos na. Agad akong sumenyas sakanila na kapag naalis ko na ang blindfold ay babati na sila. Ibinaba ko si Kyfer sa pagkakabuhat at dali daling inalis ang blindfold niya.

"HAPPY SIXTH BIRTHDAY BABY KYFER!!!!" sabay sabay nilang bati kay Kyfer

Tumingin sakin si Kyfer na tuwang tuwa sa nakikita niya.

"Go have some fun baby" sambit ko at hinalikan ang ulo niya

Agad siyang tumakbo at pumunta sa crowd kung nasaan naroroon lahat ng bisita.

"Kyle!" biglang lumapit sakin si Alexis habang tulak tulak ang stroller ni Kyla

"Oh Alexis buti nakapunta ka?" bineso ko siya at tinignan si Kyla na dumedede

"Pwede ba namang hindi ako makapunta? Tara na at magcelebrate tayo!" sabi niya saka ako inaya papunta sa table na nakareserve para samin

Hinanap ng mga mata ko si Kyfer at nakita ko siyang nakaupo kasama ang mga friends niya sa school. He looks very happy.

"KENNY!!!!!!" sigaw ni Kio mula sa malayo

"MIMI!!!!!" sabay namang tumayo si Kyfer at tumakbo kung saan naroroon ang isang babae

Tinitignan ko ang babaeng yun at oo nga. Si Kenny nga. Napako ang pagtingin ko sakanya at pati na din sa kasama niyang si Vince na nakaakbay sakanya. Pilit akong ngumiti at tinuon nalang ang aking atensyon kay Alexis at Kyla.

"Nako umuwi pa talaga si Kenny para lang kay Kyfer" sambit ni Alexis na hindi ko naman pinansin

Kenny's POV

Pagkalapit sa akin ni Kyfer ay agad ko itong binuhat at pinaghahalikan sa buong mukha niya. Namiss ko tong baby ko.

"Mimi let's go to Papa para makita ka na niya" sabi sakin ni Kyfer

Tumingin ako kay Vince at nginitian ako.

"Go ahead. Pupuntahan ko muna sila Maestro" saad naman nito sa akin

Pinuntahan namin si Kyle na may buhat buhat na baby habang kasama nito si Alexis. Sila na ba?

"Hello Kyle" bati ko kay Kyle na hindi ata napansin ang pagpunta ko

"U-uy Kenny! Kamusta na?" inilagay niya ang baby sa stroller at inaya akong umupo

"Okay naman! Ikaw?" tanong ko sakanya

"Okay lang din. Kenny si Alexis pala. Baka hindi mo na siya natatandaan?" sabi ni Kyle

"Hi Kenny. About sa nangyari dati I'm very sorry" saad ni Alexis at yumuko pansamantala

"Past is past Alexis. Ang mahalaga masaya tayong lahat ngayon" sambit ko naman

"Mimi pupunta lang po ako sa mga friends ko" biglang sabi ni Kyfer kaya binaba ko agad siya sa pagkakakandong at siyang takbo niya sa pupuntahan niya

Palihim kong sinulyapan si Kyle habang umiinom ito. Walang pinagbago kahit ang hairstyle nito ganun parin. Kaso sila na nga ba ni Alexis?

Baby Maker RentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon