Alexis's POV
It's been a week after ng second session namin. I can't believe this is happening. Si Kyle ang magiging tatay ng anak ko. Isang mapait na ngiti ang naibigay ko sa pag-iisip na sirang sira na lahat.
"Lexis ano ng balak mo?" tanong sakin ni Josh na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang sarili
"I would do everything para lang makawala sa puder mo at sa pagkakasakal sa mga kamay ng tatay mo" matigas kong pagkakasabi
"May anak na siya" sabi naman niya at tumawa ng mahina
"Get lost" sabi ko na lamang at nagtalukbong ng kumot
Kailangan kong makapag-isip isip kung paano na ang gagawin ko. Sasabihin ko na ba sakanya ang totoo?
-flashback-
"Daddy? Mommy? Anong ibig sabihin neto?" naguguluhan kong tanong matapos makita ang mga maleta kong nakahanda
"Anak wala na kaming choice ng Daddy mo. W-We are giving you to Mr. Lao" sabi ni Mommy at kasabay neto ay ang paghagulgol niya
Naguguluhan ako. Bakit ako pa? Nagulat nalang ako na may mga luha na palang pumapatak mula sa aking mga mata. Bakit ngayon pa? Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Kyle ng maayos.
"Anak I'm very sorry" sabi ni Daddy at akmang yayakapin ako pero tumalikod na ako
Dinala ko ang mga maleta ko palabas ng bahay at naghintay sa susundo sakin. Hindi ko sila pinapansin. Nawala ako sa ulirat matapos kong maintindihan lahat. Mismong magulang ko ipinagkaluno ako ng dahil sa utang.
-end of flashback-
*ring ring ring*
"Hello Pops?" rinig kong sagot ni Josh sa kanyang phone
"Yes she is here. What do you want me to tell her? Ah alright alright. See you Pops" huling sabi ni Josh
"Lexis gusto ka daw niya makita ulit. Regarding dun sa anak ni Kyle. Oh boy that child will be dead soon" tuwang tuwa namang pagkakasabi ni Josh
Tumayo ako at nag-ayos ng aking sarili. Hindi pupwedeng may madadamay pang inosenteng bata sa problema ko.

BINABASA MO ANG
Baby Maker Rental
General Fiction[Baby Maker Rental Corporation] RULES & REGULATIONS 1. There are 10 baby makers that is available and you need to choose only 1. 2. Before the Corporation approve the contract, the costumer should complete the medical exam. 3. The costumer will have...