Misery

67 4 0
                                        

Kyle's POV


Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko at nakatingin lang sa may kisame. Para bang wala akong gana lumabas ng dahil sa mga nangyayari ngayon.


*tok tok tok*


"Tuloy" sabi ko ng may marinig akong kumakatok


Bumukas ang pinto at niluwa nito si Kenny. Napatitig ako sakanya ng saglitan at tumingin ulit sa may kisame.


"Kyle gusto ko sanang magpaalam sayo dahil bukas ay babalik na ako sa Italy" saad niya at umupo sa gilid ng kama


"Kahit hindi ka naman magpaalam okay lang. Katulad dati, umalis ka nalang ng biglaan" matabang kong pagkakasagot sakanya


"A-ah oo nga pala" akma na siyang aalis pero agad kong hinawakan ang kamay niya


"Baki--"


Agad ko siyang hinila bago niya matapos ang kanyang sasabihin at pinagdampi ko ang labi ko sa labi niya. Pumikit ako para madama ko ang masarap na sensasyon habang ganito ang pwesto naming dalawa. Pero mabilis din siyang kumalas sa pagkakahalik naming dalawa.


Tumitig lang siya sakin saka tumayo at aalis na sana.


"Kenny masaya ako ngayon dahil masaya ka. Ayaw ko ng guluhin buhay mo. Mamimiss kita" sambit ko


Napatigil siya ng marinig ang mga binitawan kong salita pero hindi yun naging balakid para tuluyan siyang umalis.


Alexis's POV


"Apo!" rinig kong pagkakasigaw ng isang babae mula sa exit ng Pier


Hinanap ko ang sumigaw na iyon at hindi naman ako binigo ng mga mata ko. Nakita ko si Nanay na nag-aabang para sakin.


Agad akong pinuntahan ni Nanay at kinuha ang dalawa kong bag.


"Nanay kamusta ka na?" sambit ko matapos nitong lumapit sakin


"Eto apo medyo tumatanda na" pabiro niyang saad


"Mabilis po talagang tumakbo ang oras" sabi ko naman at saka binaling ko ang pansin ko kay Kyla na buhat ko at natutulog ng mahimbing


"Yan na ba ang apo ko sa tuhod?" tanong sakin ni Nanay kung kaya't agad akong tumango


Sinilip niya si Kyla at nakita ko kung gaano siya namangha sa malaanghel nitong mukha. Napangiti ako sa isang isipan na madaming nagkakagusto kay Kyla ng dahil sa panlabas na anyo.


"Nako napakagandang bata naman niyan. O siya nandito na pala ang tricycle, sakay na" sabi naman ni Nanay matapos makita si Kyla


Sa buong byahe nakatingin lang ako sa isang makapigil hiningang mga tanawin. Maaliwas at para bang walang problema sa lugar na ito. Tinignan ko si Kyla at hinalikan ang noo nito.


Kyla dito tayo kakalimot ng mga masasamang nangyari sa buhay natin. Pero Kyla pasensya ka na kung ilalayo kita sa tatay mo.


Vince's POV


"Kenny? Kanina ka pa wala ata sa sarili?" derechahang tanong ko kay Kenny


"H-huh?" tanong niya na halatang walang kaalam alam sa nangyari


"Okay ka lang ba?" agad kong tanong sakanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya


"O-okay lang ako" sabi niya saka siya umalis at dumerecho sa kwarto niya


Ano bang nangyari sakanya? Pumunta lang kami kay Kyle para makapagpaalam siya matapos nun ay bigla nalang siyang nagkaganito. Ano ba ang ginawa ni Kyle?


Sinilip ko mula sa konting uwang si Kenny at nakita ko kung paano ito umiyak. Napasimangot ako sa nakikita ko. Siguro may pinag-usapan sila ni Kyla kanina. Pero ganito ba talaga kalakas ang epekto ni Kyle kay Kenny?


"Kenny aalis na muna ako" saad ko naman at tinungo na ang pintuan papalabas ng bahay


Kaya ko pa bang mapabago ang damdamin mo Kenny?

Baby Maker RentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon