Alexis's POV
"Kyle I just want to tell you that me and Kyla will move for good" sabi ko kay Kyle na tumutulong sa pag-aayos ng mga upuan dito sa venue
Napatigil siya at hinarap ko. Hindi siya mukhang nagulat man lang. Sabi ko na nga ba.
"Pero bakit?" tanong niya sakin
"It is for your own good and also for me and Kyla. Kyle alam ko na lahat ng tinatago mo" pagsagot ko sakanya ng derecho
"Ano bang pinagsasabi mo Alexis? Kanina lang nagkakasiyahan tayo and then you will say to me this kind of shit?" sabi niya na halatang nagpipigil ng galit
Hinawakan ko ang kanang kamay at inilagay ito sa dibdib niya. Tinignan ko siya at ngumiti.
"Kyle alam kong naguguluhan ka sa nararamdaman mo sakin. Since the day na nakita mo si Kyla akala ko everything would change. May pagbabago nga actually, pilit mong ibinibigay ang responsibilidad mo kay Kyla and also to me na hindi ko naman hinihingi" explain ko sakanya
Umiwas siya ng tingin sa akin at inalis ang pagkakahawak ko sakanya.
"I was planning to build a family with you Alexis pero ngayon nasasabi mo ito sakin?" mahina niyang tugon
"The past few days hindi ikaw yung Kyle na masigla na kilala ko. Late at night I would check my social media account and nakikita kitang online. Knowing you? Hindi ka naman ganyan. At ngayo--"
"What are you trying to point here Alexis?" pagsabat niya sakin
"You love Kenny more than you love me" saad ko sakanya
"W-what?! That is not true! If you want to leave then go! I don't need you in my life! Aalis ka na nga lang gagawa ka pa ng rason na hindi naman tunay!" bulyaw naman niya sakin at agad na lumayo sa kinaroroonan ko
I found you guilty Kyle. The way you looked at her lately it was priceless. Bakit ba hindi mo maamin sa sarili mo Kyle ang tunay mong nararamdaman?
Pinunasan ko ang namumuo kong luha at agad pinuntahan si Kyla na buhat buhat ni Manang Fe. It's time to go. And I am letting you go Kyle.
Kyle's POV
Nakita kong umalis na si Alexis sa venue. Napaismid nalang ako matapos kong maalala ang mga sinabi niya. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko.
"Oh Kyle? Hindi ka pa ba uuwi? Hayaan mo na ang mga staffs na mag-ayos dito. Sila Kyfer nauna na sayo" biglang sambit ni Maestro ng makita ako
"Kukunin ko nalang ang mga gamit ko Maestro tapos sibat na din ako" sagot ko naman
Kinuha ko ang mga gamit ko na naiwan sa upuan kanina lang saka pumunta na sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.
*ting*
May nagmessage sa akin na agad ko namang binuksan.
From: Kenny
Kyle kanina ka pa hinahanap dito ni Kyfer. Nasaan ka na?
Matapos kong mabasa ito ay agad ko namang tinawagan si Kenny.
"Hello Kyle?" sabi niya mula sa kabilang linya
Yung boses niya...
*dug dug dug dug dug*
Binaba ko muna ang tawag at hinawakan ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kenny bakit ganito ang nararamdaman ko?
Kenny's POV
"Mimi si Papa ba yun?" tanong sakin ni Kyfer
"Oo baby kaso pinatay niya naman agad" sagot ko
Inayos ko ang pagkakahiga ni Kyfer sa kama saka ito kinumutan.
"Mimi do you still love Papa?" biglang tanong nito sa akin
Nginitian ko lang si Kyfer at inayos ang buhok nito.
"Mimi doesn't know the answer baby. But like what I told you back then--"
"If two people are meant to be, then love will find its way!" pagtutuloy na sa sabi ko
Hinalikan ko ang noo ni Kyfer at tinignan siya. A perfect replica ni Kyle. Ngumiti naman sa akin pabalik si Kyfer kasunod ng paghikab niya.
"Go to sleep na muna baby okay? Mamaya dadating na si Papa mo and tatabi na siya sayo" saad ko
"Yes po Mimi. I love you po" sabi niya at niyakap ako
"I love you too baby. Happy birthday" bulong ko naman sakanya
Agad siyang umayos ng pagkakahiga kaya pinatay ko na ang ilaw at hinayaang nakaopen ang lamp shade ng kwarto.
Dumerecho ako sa may veranda at tinignan ang kabuuang view ng siyudad. Napangiti ako matapos pumasok sa isip ko ang tanong sa akin ni Kyfer. Para bang bumalik lahat ng memories nung mga panahong mahal na mahal ko siya.
That was back then. Siguro nga ang utak nakakalimot paminsan minsan pero ang puso ang nakakaalam at nagpapaalala ng lahat. Mahal pa nga ba kita Kyle?

BINABASA MO ANG
Baby Maker Rental
General Fiction[Baby Maker Rental Corporation] RULES & REGULATIONS 1. There are 10 baby makers that is available and you need to choose only 1. 2. Before the Corporation approve the contract, the costumer should complete the medical exam. 3. The costumer will have...