"Aray ko naman, Nicomaine! Dahan dahan lang."
Makikipagbasag-ulo tapos magrereklamo pag ginagamot yung mga sugat.
"Ano yun, Nicomaine? Pakilakas di ko marinig."
"Dapat. Lang. Sa'yo. 'Yan."
"ANO BA DAHAN DAHAN NAMAN MASAKIT NA NGA EH DADAGDAGAN MO PA."
"SINO BA KASI NAGSABING MAKIPAGBUGBUGAN KA DUN SA MGA TAMBAY SA KANTO? NGAYONG GINAGAMOT KA ANG DAMI MONG REKLAMO. YUNG MGA SUNTOK NGA NILA AT SIPA HINDI MO ININDA."
"..."
"ANO??"
"Sorry na, Mahal. Ayaw ko lang naman kasi na binabastos ka eh. 'Wag ka naman umiyak. Alam mo namang mahina ako pag ganyan eh."
"Ewan ko sa'yo. Diyan ka na sa sala matulog baka abangan ka pa nila kung uuwi ka pa."
"Mahal..."
"Ayan na 'yung bulak tsaka gamot. Ikaw na gumamot sa sarili mo kesa nirereklamuhan mo ko."
"..."
"Richard, bitaw."
"...sorry na please? Ayaw ko ng ganito..."
"Bitaw. Hindi ako makahinga."
"Meng... ito na. Hindi na ko iinda pramis. 'Wag ka na magalit sakin."
"Aray."
"Nicomaine bakit may pasa ka dito?"
"..."
"Menggay."
"Natulak ako kanina nung isang tambay-- saan ka pupunta? Ay jusko RJ ano ba 'yan hindi ka nga makatayo ng maayos susubok pa maglakad. Bilang lang babasagin namin at hindi kami mayaman para mapalitan agad. Pumirmi ka nga sa upuan."
"..."
"Bakit ganyan mukha mo?"
"Kasi hindi kita maalagaan."
"Minsan, RJ kailangan mo muna unahin sarili mo hindi pwedeng ako nang ako. Tignan mo nangyari sa'yo. Sabi ko naman sa'yo kanina 'di ba? 'Wag mo na patulan; kaya ko sarili ko. Pero kailan ka ba nakinig sa'kin? Lagi na lan-- mmmf."
"Sorry na kasi. Sorry na. Alam mo naman na kapag ikaw yung usapan hindi ko kayang hindi magreact. Hindi pwedeng masaktan yung reyna ko because if she gets hurt, that means I am not doing a good job as her king. I promise to try and reign in my temper so please don't be mad anymore? Fix me up na ulit please?"
"...sandali lang, Pokerson. Ako ata kailangan ng pers aid. Nagspokening dalars ka nanaman eh."
"That's my girl. Bati na tayo ah? Kiss mo ko dito oh. Masak- ARAY NAMAN BAKIT NAMAN DINUTDOT MO MASAKIT NA NGA EH."
"Eheheh wala lang ang cute mo eh. Saan ulit kita ikikiss?"
A/N:
Djandjaraaaaan~
Prompt number threeeeeeee.
I have a soft spot for astig basagulero but rich Alden - I hope I did him justice.
Happy kayo?