Ang Babae sa Balete Drive (Fin)

789 103 11
                                    

Nakita ko siya nung Lingong iyon sa simbahan, nakaupo sa dulo ng ikalawang hanay ng upuan katabi ng pasilyo. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya - o sadyang may mata lang siya sa likod ng ulo niya - lumingon siya, parang may hinahanap. Noong nakita niya ko, may isang segundong pagkagulat bago siya ngumiti at binigyan ako ng maliit na kaway. Pwede palang hindi siya tumambay sa puno ng Balete?

Hindi nakaligtas sa pansin ko na kinakausap siya ng pamilyang katabi niya. Nakikita din ba nila siya, o...

May posibilidad ba na...

Anak ng tokwa.

Pinagtripan lang ba ako nitong babae na 'to?

"MAINE!" tawag ko sa kanya paglabas nila ng simbahan. Marahan akong tumakbo patungo sa kanya pagkatapos kong magpaalam kila Lola.

Liningon niya ko, parang nagpipigil pa ng tawa. Tunay na pilya. Hindi ko alam kung kukurutin ko yung matatambok niyang pisngi sa gigil o magpapapadyak sa asar kasi naisahan niya ko. Sayang kaya yung balde baldeng ipinawis ko!

"Hi, RJ! Dito ka din pala nagsisimba?"

"Hindi ka multo?!"

"Hindi ko naman sinabing multo ako."

"Pero hindi mo din sinabing hindi ka multo. Susmaryosep. Yung takot ko kada makikita kita hindi makatarungan eh. Hindi patas! Ta-"

"Bawi ako. Come get coffee with me?"

"-pos hindi ka naman pala multo? A-anong sabi mo?" Mali ata ako ng dinig. Niyayaya niya akong magkape? Namamawis nanaman ako pero iba na ang dahilan.

"I said, do you want to get coffee with me? Pogi pogi pero bingi naman." she smiled at me, hooking her arm through mine. "Game?"

Choosy pa ba ako? Syempre sumama ako.

Hindi man ako bumangga sa Balete, pakiramdam ko itong babaeng 'to kukunin pa rin buhay at kaluluwa ko. At ibibigay ko ng buo at walang pagaalinlangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TidbitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon