Ang Babae Sa Balete Drive (1)

992 91 8
                                    

A/N:

Shout out po kay lodi maichardism para po sa promptWag mo ko itakwil pls.

Ang mga susunod na kaganapan kay hindi na proof read. 'Wag niyo po ijudge is otor. Mwah.

Nung una, hindi ako naniniwala sa mga kasamahan ko na may babae sa Balete Drive. Hindi naman kasi pa ako nakakakita. Sa daming beses ko nang dumadaan doon ng disoras ng gabi, ni minsan hindi ko siya naaninagan.

Pero nung minsan akong dumaan ng mga bandang alas tres ang madaling araw, Nakita ko siyang nakatayo doon. Kahit hindi ko siya lingunin, alam ko na nakatingin siya sakin. Lahat na ata ng balahibong kayang tumayo, tindig na tindig na. Pakiramdam ko din na dehydrate ako sa dami ng butil butil na pawis ko.

At tulad ng mga kwento ng mga katrabaho ko, sakto sa harap ng puno ng Balete, huminto yung taxi ko. Nagoverheat.

So, kahit urong na and di dapat umurong, naglakasloob akong bumaba ng taxi para buhusan ng tubig yung makina.

"May problema ba sasakyan mo?"

Hindi ko man siya matignan ng direkta, alam kong maganda siya. Kaya siguro madaming naaksidente pag nakikita siya. Kasi nililingon nila at hindi na sila nakakalingon palayo.

'Wag mong pansinin, Pokerson. Baka lalo kang guluhin. 'Wag mong pansinin.

"Kuya. Kailangan mo ng tulong?"

Aalis din 'yan, RJ. 'Wag mong pansinin. Magpagpag ka mamaya bago umuwi.

"Sungit mo naman, Kuya. Gusto ko ang naman tumulong eh. Marunong din ako sa kotse." Dinutdot niya yung pisngi ko at napatalon ako palayo.

"Hala si kuya akala mo nakakita ng multo." Tawa niya. Hindi niya baa lam na multo siya? Kakamatay niya pa lang ba?

Nanginginig kong itinutok sa kanya yung dinala ko na wrench. "Pwede ba lubayan mo 'ko? Kailangan ko pa patapusin 'yung pagaaral ng kapatid ko. Hindi pa 'ko pwede mamatay, okay? Hanap ka na lang ng ibang driver na ibabangga diyan sa puno mo."

Kumunot yung noo niya.

"Sayang naman. Sure ka na ayaw mo sumama sa'kin? Masaya naman dito. Samahan mo ko maghanap ng driver na ibabangga."

Sa awa ng Diyos, naitawid ko naman yung pagayos ko nung taxi na hindi niya ko kinukulit. Pero ramdam ko pa rin yung tagos sa butong tingin niya at paminsan minsan, maririnig ko siyang tumatawa habang pinapanood ako.

TidbitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon