Ang Babae sa Balete Drive (2)

783 87 5
                                    

"Salamat sa pabulaklak."

Feeling ko isang metro yung itinalon ko pagkarinig ko ng boses niya. Nagsimula nanaman kumabog yung dibdib ko pati na din ang pagiyak ng kili-kili ko. O, bakit? Hindi ba papawisan lele niyo kung nakakita kayo ng magandang multo? Wag ako ha.

Ilang beses na akong dumadaan dito ng madaling araw at palagi din siyang nandito. Pag nakikita niyang dumadaan ako, kumakaway siya, nakangiti. Ako naman tahimik na nagdadasal na wag niyang maisip na ibangga ako sa puno niya.

Nung nakaraang linggo, inumpisahan kong magdala ng bulaklak dito. Baka sakali lang na lumambot ang patay niyang puso pag nagalay ako ng bulaklak at dasal na mapayapa na siyang manahimik da kabilang buhay.

Akala ko gumana kasi ilang gabi ko na siyang hindi nakikita.

Akala ko lang pala 'yun.

"W-wala yan. B-baka sakali lang na ma-matahimik na kaluluwa mo."

Tumawa siya. Yung parang hinihika? Kung hindi lang multo ito, nag alala na ko kasi parang anytime, malalagutan ng hininga?

"Sobrang cute mo, Kuya." sabi niya habang pinupunasan yung luha niya galing sa kakatawa. Lumuluha pala ang multo? "Anong pangalan mo?"

Seryoso ba ito?

"Wag mo ko tignan ng ganyan, Kuya. Hindi ko naman sasabihin pangalan mo kay kamatayan. I just want to know the name of the guy who constantly leaves flowers for me sa puno ng Balete."

"A-RJ." utal kong sabi.

"Nice to meet you, A-RJ." sabi niya, yung mata niya punong puno ng pagkaaliw. "Ako si Maine."

Maine, ang babae sa Balete Drive.

TidbitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon