Chapter 10.

1.1K 32 8
                                    

Dedicated for: TheMissySissy

Chapter 10.

Vivienne POV.

Nag lilibot ako dito sa hallway nang DU habang nag mamasid ako. Mag iisang bwan na kami dito pero wala parin akong mahanap na way upang makalabas kami nang mga kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nag papakita ang king nang University. May nangyari kaya sa kanya? Bwisit. Bakit koba hinahanap ang pandak na yun?

"Ang tapang mo naman masyado para lumabas at lumakad lakad sa labas nang impyerno."

Nanigas ang buo kong pag katao sa tatlong lalaki na nasa harap ko. Ang pag kaka alam ko may gang sila at sila din ang nakalaban nila Grey noon.

At bigla ako napa tanong sa aking sarili kung ito naba ang huli kong pag hinga at dadanak nalang ang aking dugo? Masyado akong naging padalos dalos dito sa loob kaya ito ang aking napala.

"Hindi ako lumabas upang mag hanap nang gulo." Malakas kong loob na sambit sa kanila.

Unting unti lumalapit ang isang lalaki sa akin at ako ay naman ay napapa atras.

"Ito ang sasabihin ko. Hindi parati kapag lalabas ka nang dorm ay wala nang kamatayan ang nakasunod sayo. Matuto kang gumalang sa amin at matuto kang sambahin kami."

Natatakot ako oo. Pero ang sumamba sa isang demonyong katulad nila ay hinding hindi ko gagawin. Ang gusto ko lamang ay makalabas ang mga kaibigan ko kahit sila man lang ang makaligtas ayos na sa akin maligaya na ako. Pwede na ako mag laho. Pero ngayon kelangan ko muna maging matapang.

Para sa mga kaibigan ko hindi para sa sarili ko....


"Nakakatakot kayo oo. Pero ang sambahin ko kayo? Sa tingin nyo gagawin ko iyon? Simula nang mapasok ako dito kahit dyos hindi ko na nagawang sambahin dahil isinumpa nya kami dito sa impyernong to. Kaya kung pwede lang padaanin nyo na ako." Sambit ko.

Ang bilis nang oras at ako ay bigla nalang natumba dahil sa isang kutsilyo na nakatusok ngayon sa aking hita ang dugo ko ay tumutulo na at lahat nang parte nang katawanan ko ay namanhid. Sana may taong tumulong sa akin..

"Parehas ka pala nang mga kababaihan dito. Sa salita lang matapang pero ang bilis bumigay nang katawan. Pero pasensya na ay ito na talaga ang araw mo binibini."

Napapikit ako dahil itutusok na nyang tuluyan sa akin iyon pero nanlaki ang mata ko nang may narinig akong putok nang baril at bigla na lang nahulog ang kutsilyo na puno nang aking dugo.

"Pare parehas tayong gusto pumatay nang taong mga walang utak. Pero para sabihin ko sa inyo sa akin ang babaeng iyan. Ako ang papatay sa kanya ipaubaya nyo sa akin bilang hari dito sa paaralan na ito inuutusan ko kayong mawala na sa aking harapan ngayon din."

Grey Alexander Smith...

Ang lalaking kinakatakutan ko. Ang lalaking tatapos sa akin.

Tinulungan nya akong tumayo at inupo sa isang bench.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi ba delikado sa iyong posisyon ang mag sagip nang buhay nang tao?" Tanong ko. Ayaw ko naman mawala sya sa pwesto nyang bilang hari dito para lang sa akin.

"Tandaan mo ito Vivienne. Hindi kita nililigtas. Pero sige sabihin na natin nilayo kita sa kapamahakan. Pero hindi dahil kaharap mo ako ay wala ka na sa kapahamakan mo." Seryosong nyang sambit.

"Bakit hindi mo nalang tapusin ang aking buhay ngayon palang? Kesa pahirapan mo ako sa ibang tao nang ganito." Sambit ko sa kanya na may kasamang lungkot.

"Bakit mo ibubuwis ang iyong buhay para sa mga taong mahahalaga sa iyo. Dapat nga ang iyong buhay ang ilalabas mo dito sa impyernong ito at hindi ang mga taong iyon na sila din ang sasaksak sa iyo kapag ikaw ay nakatalikod."

Tiwala....

Hinding hindi mawawala ang salitang iyan sa mga kaibigan ko. Malaki ang aking tiwala sa kanila sobrang laki. Kaya hindi nya ako mapapaniwala sa kanyang pinag sasabi.

"Salamat ulit sa pag ligtas mo sa akin. Pero kung sisiraan mo lang ang aking mga kaibigan sa akin ay ako ay mauuna sa dorm at gagamutin kopa ang aking sugat." Tumayo na ako.

"Okay miss Torres. I already warning you." Pag kasabi nya non ay agad na syang umalis sa aking harapan.

Alam ko sa impyernong ito wala kang pwedeng pag katiwalaan pero malaki ang aking tiwala sa mga kaibigan ko kaya alam ko na hinding hindi nila ako kayang trayduhin.

✖✖✖✖✖

KennyKnight: sa lumipas na apat na buwan ako ay nag babalik ulit. So welcome to hell again kenny's squad.

Death UniversityWhere stories live. Discover now