Chapter 11.
Vivienne POV
"Viv! Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman siguro umabsent eh. Nanghihina kapa." Nag aalalang wika ni Kaira.
Siguro nga kelangan ko muna umabsent, pero hindi iyon ang dahilan upang humiga na lang ako mag hapon kelangan ko makahanap nang way upang makalabas kami dito, o kahit ang mga kaibigan ko na lang.
Tumango ako at humiga ulit sa kama. "Sige, baka nga kelangan ko nang pahinga." Sabi ko sa kanila.
"Dito ka lang ha? Huwag na huwag kang lalabas nang kwartong ito." Babala sa akin ni Tyron.
Tumango na lang ako at hinintay silang lumabas nang silid.
Lalabas ba ako o ano? Bakit kasi walang tigil ang patayan dito? Nakakainis. Kumuha ako nang isang matalim na bagay at tinago sa tagiliran ko. Kelangan ko din lumaban kapag kelangan.
Lumabas na ako nang silid at wala akong masyadong makitang estyudante, baka start na nang klase.
Inikot ikot ko ang mata ko dahil baka may nakasunod sa akin.
"Ms. Torres!"
"Ay pusang gala!" Napahawak ako sa dibdib ko. Paano ba naman itong si Grey ay nanggugulat. Saan ba to nag lulusot? Bwisit.
"Ano bang problema mo king? Muntik na akong mamatay sayo." Reklamo ko.
"O bakit? Mas maganda nga kung mamatay ka nang dahil sa akin diba?"
-_-
Pasalamat ka talaga nanginginig ang mga buto ko pag dating sayo at gwapo ka punyeta.
"Tara sumama ka sakin." Sabi nya at hinila ako basta basta.
Ito naba ang katapusan ko? Ito na ba yung araw ko? Papatayin na nya ba ako? Paano mga kaibigan ko? Sino tutulong sa kanila para makalabas dito sa impyernong ito? Paano?
"Kaibigan mo si Kate diba?"
Bigla naman akong kinabahan sa tanong nya. Dalawang araw ko nang hindi nakikita si Kate.
Tumango ako para maging sagot ko sa kanyang tanong.
"Huwag kang mag alala, nasa mabuting kamay ang kaibigan mo."
"Anong ibig mong sabihin? Nasaan sya? Anong ginawa nyo sa kaibigan ko!?" Sigaw ko.
"Uminahon ka. She is with Zia. Kanan kanang kamay na sya ni Zia ngayon at hindi malabong mangyari na sya ang sasaksak sayo mamayang gabi sa party nang Death University." Seryosong sabi ni Grey.
Tumulo na lamang ang luha ko nang makita si Kate na kasama nga ni Zia.
Paano nya nagawa sakin to? Saamin? Pinag katiwaalan ko sya, handa ko isugal ang buhay ko para sa kanila pero bakit?
"I warning you already. This world, you cannot trust anyone except your self. Hell luck later." Sabi ni Grey at nilagpasan ako.
Napaupo nalang ako sa isang upuan. Kelangan ko pa nga bang magtiwala sa mga kaibigan ko kung isa sa kanila ay bumaliktad na? Na isa sakanila ay gusto akong patayin? Karapat dapat pa ba akong magtiwala?