Chapter 12.
"Let's play hide and seek. At kapag hindi mo pa ako makita sa loob nang limang minuto, your friend will be suffer in this hell." - QZ
Vivienne POV
"Hindi ko alam na magagawa ni Kate na isugal ang buhay mo para tumagal lang sya unibersidad na ito." May halong galit sa tono ni Kaira habang umiiyak.
Bahagya ko syang yinakap at ang mga iba ko pang kaibigan ay yinakap din ako at umiiyak sila.
Mamaya kasi kelangan ko lumabas mamayang gabi kahit napaka delikado. Gusto kasi mangayri ni Queen Zia ay makipag hide and seek ako sa kanya' hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa utak ni Kate para gawin akong pain para lang hindi sya galawin nang ibang tao. Nag traydor sya samin para sa sarili nyang kaligtasan. Isa syang makasariling tao.
"Pwede mo naman hindi ituloy yun Viv eh! Ayos lang samin na mahirapan kami. Kilala namin si Zia isa syang hayop, mas masahol pa nga sya sa lobo kung makipag laro." Bakas sa boses ni Elane ang pag-aalala.
Umiling ako. "Hindi ko naman hahayaan na mag hirap kayo. Apat nalang tayo panglima si Tyron. Lima nalang tayong mag kakampi dito at mag tutulungan. Sana sa inyong apat wala nang tatalikod pa, dahil baka hindi ako mag dalawang isip na talikuran nalang kayo nang walang hudyat o pasabi." Pag babanta ko.
Hindi ko alam pero parang gusto ko na maniwala kay Grey. Hindi naman sa wala nakong tiwala sa mga kaibigan ko. Nag taksil na ang isa kaya hindi malabong may mag taksil pa ulit hanggang sa mag isa na lang ako.
Lumapit sakin si Kassy at ngumiti. "Alam ko nawawalan kana nang tiwala samin Vivienne pero sana wag mong isipin na gagawa kami nang dahilan upang talikuran mo kami' hindi namin hahayaan na makain kami nang iba at mag pakain sa iba. Lima na lamang tayo ang tutupad sa motto natin." Sabi ni Kassy.
Lumapit kami sa isa't isa, naramadaman ko ang pag akbay ni Tyron sakin pero bahagya naman sya hinila ni Elane. "Chansing si dong. HAHA" Pang aasar nito.
Natawa nalang din ako dahil sa reaksyon ni Tyron. "Manahimik ka nga Elane. Umaakbay lang eh." Nakasimangot na sambit nito.
Sinaway kona sila at nag yakap yakap kaming lima. "WE WILL DIE TOGETHER." Sabay sabay naming sigaw.
Sana wala nang babawas pa sa pamilyang pinaka iingatan ko..
-
Kate POV
"What a nice traitor." Napatingin ako kay King na masama ang awra na lumalapit sakin.
Bahagya naman ako napa atras at nagulat ako nang pader napala ang nasasandalan ko.
"A-anong gagawin mo sakin?" Bakas sa boses ko ang takot.
Bahagya syang ngumise. "Swerte mo rin pala kay miss torres. Libre naman ang pumatay dito sa unibersidad lalo na sa traydor na katulad mo pero dahil may pag ka anghel ang babaeng yun, buhay ka parin." Wika nito.
Bahagyang tumulo ang mga luha ko. "H-hindi ko iyon ginusto! Gusto ko lamang makaligtas." Sagot ko.
Hindi ko naman talaga ginustong talikuran sila, Gusto ko lamang ilayo ang sarili ko sa kanila dahil alam kong hindi nila ako kayang ipag tanggol.
Ngumise sya ulit. "Makaligtas? Sigurado kabang ligtas kana dahil nasa kamay ka nang reyna? For your information, dito sa lugar na ito wala sa lugar na ito ang salitang KALIGTASAN, ikaw mismo ang gagawa nang paraan para mailagay ang buhay mo sa ligtas." Seryoso nyang wika.
Umiling iling ako. "Hindi mo na mababago ang isip ko." Wika ko.
Tinapik nya ako sa balikat. "Well, well, sabi mo eh. Basta kapag hinahabol kana nang kamatayan huwag na huwag kang tatakbo ulit sa pamilyang tinalikuran mo na, dahil dito sa unibersidad na ito, kapag hindi mo na kayang makipag laro dugo mo ang makikipag laro kay kamatayan." Sambit nya at iniwan na ako.
Napaupo lamang ako sa sahig habang nanginginig sa takot. Anong klaseng tao ba ang lalaking yun? Bakit masyado syang nakakatakot? Salita palang nya papatay na sa iyo.
Hindi dapat ako mag padala sa takot. Kelangan nang mamatay ni Vivienne, at kung hindi man mag tagumapay si Zia' ako mismo ang gagawa nang bagay para ikamatay nya.
-
Grey POV
"Sigurado kabang hindi natin papakielamanan ang plano ni Zia kay Vivienne" Tanong ni Ashton.
Tinutok ko ang baril sa target at punutok ito. "Wala kayong gagawin kung ano, kung dadanak man ang dugo nya sa mga kamay ni Zia wala tayong magagawa." Sabi ko at binitawan ang baril.
"Seryoso kaba? Akala ko ba sya ang gagamitin mo para maialis si Zia sa pwesto nya?" Sambit ni Phoenix.
"Tama kayo, pero hindi ko sya magagamit hanggat hindi pa nalalapit ang loob nya sakin, kilala ko si Vivienne marunong sya bumasa nang pagkatao nang isang tao, alam nyang ginagamit mo lang o hindi." Wika ko.
Mahaba pa naman ang panahon na hinihintay ko. Kaya alam kong makukuha ko din ang loob nang babaeng yun para magamit sya para matanggal si Zia sa trono bilang reyna nang unibersidad na ito, at kapag nangyari iyon pwede ko na sila patayin kasama ang ina nya.
"Tol, paano ka makakapaghiganti sa pag kamatay nang magulang natin kung ipapatay mo agad si Vivienne?" Tanong ni Ashton.
Bahagya kong hinawakan ang kanyang balikat. "Yung kutsilyo na gagamitin ni Zia sa pag paslang kay Vivienne ay normal na patalim lamang, hindi sya matutuluyan nito depende sa gagawing pag patay ni Zia kay Vivienne, and wag ka mag alala' hindi ko hahayaan na pati ang pinag hirapan ni mama at papa natin ay mapasa kanila. I have my fuck ways my lil bro." Sambit ko at lumabas na nang dorm.
"Nag sisimula na po ang laro nila king Grey." Sambit nang isa sa tao ko.
"Ipapatay mo lahat nang ilaw." Utos ko at nilagpasan na sya.
This will be fun. Blood to blood equal die.
-
Vivienne POV
Halos mamatay nako sa kaba dahil bigla nawalan nang ilaw, kahit isa ay walang natirang bukas.
"Vivienne! Sumuko ka nalang kasi." Narinig kong wika ni Zia.
Isa syang hangal sana nakinig nalang ako sa mga kaibigan ko edi sana wala ako sa ganitong laban ngayon, ni wala man lang akong armas para ipagtanggol ang sarili ko.
Mag sasalita sana ako nang biglang may tao sa likod ko na hinawakan ako sa leeg at tinutok ang isang mahabang patalim.
"Akala mo ba maiisahan mo ako? Hanggat andito ka hindi ko matutuloy ang mga plano ko." Sabi nya at sinugatan ako sa leeg na ikinapikit ko, randam ko sa mga balikat ko ang pag tulo nang aking dugo.
"A-anong plano?" Tanong ko.
Tumawa sya. "Ano ako bobo para sabihin sayo?" Sabi nya at pinalakad ulit ang kutsilyo sa leeg ko.
Nanghihina na ang mga tuhod ko.
Bigla bumukas ang ilaw pero hindi ko inaasahan na hindi lang pala kay Zia ako nakikipag laro kung hindi nadin sa kaibigan ko na si Kate.
"So isa kadin sa papatay sakin?" tanong ko.
Nabitawan ako ni Zia dahil sa pagsaksak ni Kate sa bandang dibdib ko, lalo ako nanghina at nanlamig ang buong katawan ko.
"Patawad." Huli nyang sambit at bigla na lamang sya nag suka nang dugo at bumagsak sa harap ko, naramdaman ko din wala na si Zia sa likod ko.
S-sino...
"Dalhin nyo na sa clinic yan." Sabi ni Grey at hinugot yung kutsilyo mula sa leeg ni Kate.
Ang pagtayo sakin nang dalawang lalaki ay ikinabagsak ko din dahil sa panghihina nang aking katawan at sa pag bagal nang tibok nang aking puso.