CHAPTER 3
Malakas ang bawat paghingang sunod-sunod na pinakawalan ni Jimmy.
habang namumula, nanlalaki ang mga mata, at naliligo ng sariling pawis.
Napalunok pa muna ito, bago ilingon ang ulo sa paligid.
"isa lamang panaginip o pangitain, ngunit parang katotohanan" anang isip ni Jimmy.
Napansin agad siya ng dalawang kaibigang katabi at ng apat na girls sa unahan nila.
Pero ang ilan ay 'di nakapansin kay Jimmy dahil nakatuon ang Attention nila sa kumakantang si Jc at Cheenah.
Tinitigan ni Jimmy ang kinaroroonan ng kuya niya.
at lalong kumabog ang dibdib niya, pagkat ito 'yung nangyari kanina.
Rian: "Pare, Jimmy, okey ka lang ba" mahina niyang wika habang nagtataka.
Pero hindi siya nakasagot agad, dahilan ng kanyang panginginig.
Lalo siyang nagulat ng magsitawanan ang mga Estudyante.
"boh boh boh!" hiyaw pa ng mga pasaway na boys.
Tinanaw niya ang mga nangyari.
Jimmy: "huuhhh! Hindi!" taranta niyang sambit ng masilayan ang pagtayo ni Alan sa kinabagsakan.
Sandra: "Jimmy, okay ka lang ba?" pag-aalala niyang tanong.
Ka-agad yumuko si Jimmy sa pagkakaupo, habang tila may hinahanap.
Jimmy: "Nasaan na 'yun!" nagkakandautal na siya.
Rian: "Ang ano Jimmy?"
Ronna: "Jimmy! Anong nangyayari sayo!" taka rin niyang tanong.
habang unti-unting nakaka-agaw ng pansin sa ilang Estudyanteng malapit sa kinauupuan nila.
Jimmy: "Ang daga, ang puting daga!!" sambit niya sa kanila.
na agad din namang nilibot ng dalawa ang mga mata sa paanan nila upang hanapin.
Kate: "Jimmy! Ang weird mo na ah."
Kean: "Jimmy!, ayun ang daga," sabay turo niya kay Neco.
na kaagad namang sinundan ng tingin ni Jimmy, at nahagilap ng mga mata niya,
ang pagbulsa ni Neco sa Puting dagang iyon.Kasunod na nginitian, Ngiti ng Pang-aasar.
Jimmy: "Huhhh! Hindi maaari!." habang lumakas na ang boses niya.
at tumayo mula sa pagkakaupo.
Marriefe: "Naloloko na 'ata si Jimmy ah!"
habang nakatingin na rin sa kanya ang tatlong nakaupo sa kabilang linya nila.
Jimmy: "Sasabog ang barko! sasabog ang barko!!" Garagal niyang boses.
Rian: "Pare!, anong sasabog ang barko!?"
At nag-umpisa siyang humakbang, samantalang napatayo ang ilan sa mga kasamahan niya upang pigilan siya sa ginagawa.
Rian: "Pare! Ano bang nangyayari sa'yo!?"
Jimmy: "Naiintindihan niyo ba ako!"
"Sasabog ang barkong ito" malakas niyang sigaw na ikinagulat ng lahat at ikinatakot ng karamehan.
Mr Joe: Jimmy! Please stop! 'Wag kang gumawa ng kalokohan rito!" habang nagagalit na rin si Mr. Joe.
Pero 'di napigilan si Jimmy at nagtuloy-tuloy papunta sa taas.
BINABASA MO ANG
FINAL DESTINATION
ParanormalFINAL DESTINATION - Sea Explosion My own Version. Premonition.. Isang malalim na pangitain... Ang kumitil sa buhay ng mga Estudyante... Isang malaking Pagsabog... Bbbbooonnngggg!!!.. !!Huuuhhh!!! Unti-unting nag-uumpisa... Inu-ulit ang nasaks...