Galit ang namumutawi sa utak ni Jerik dahil sa sinapit ng kanyang nobya.
Nais niyang isisi kay Jimmy ang mga nangyari.
Kung hindi lang sana sa pagtawag nito'y maaaring nasagip pa niya ang minamahal na babae.
Nagmumukmok siyang nakaupo pa din sa loob ng Compound ng pool nila, kahit nadala na sa morgue ang katawan ng siyota niya.
Samantala, nakabalik na rin si Jimmy sa bahay ni Coach Roland, kasama si Sandra at Rian.
Sumunod namang dumating si Cheenah.
Jimmy: "Coach, ano na raw ang kalagayan ngayon ni Jerik at Airah?"
Roland: "Hindi pa din niya sinasagot ang tawag ko, mula pa kaninang tawagan mo siya Jimmy"
Cheenah: "Baka may Nangyari na, isa sa kanila?"
Jimmy: "Maaari,. So ituloy na natin 'to!"
Rian: "Sige na, baka madatnan na naman tayo rito ng panibagong accident, takot na ako sa sunod-sunod na mga nangyayari."
Naghanda na rin sila tungo sa Resthouse ni Coach Roland, sa may tabing dagat.
Sakay na sila ng Fx car ni Roland, at tinatahak na nila ang mahabang kalsada.
Maingat sila ngayon, lalo na't nasa loob ng sasakyan at nasa kahabaan ng kalsada.
Bated nilang, ano mang oras ay gagapang ang kamatayan sa bawat isa sa kanila.
Mahina ang takbo ng sasakyan nila, habang palinga-linga ang ilan sa kanila, upang mabantayan ang mga sasakyang nakakaengkuwentro nila sa daanan.
Habang si Jerik ay patuloy na nagmumukmok mag-isa sa swimming pool.
Napansin niya ang Cp niyang nakalatag sa tabi niya.
Inabot at denial ang no. ni Coach Roland.
Jerik: "Coach, si Airah wala na! Nasaan pala kayo? malungkot niyang wika.
Roland: "Ganoon ba Jerik, kasalukuyan pala kaming mgkakasama upang tumungo sa Resthouse ko, upang magsama-samang harapin ang problemang ito.
Jerik: Sigey, daanan niyo ako rito sa amin, at sasama ako,"
Roland: "Sigey, walang Problema, at mag-prepare ka lang.
Matapos nilang madaanan si Jerik ay ipinagpatuloy nila ang biyahe.
Narating nga nila ang lugar na iyon.
Cheenah: "Kung sabagay, safe nga ang labas ng house na ito, malayo sa anomang bagay na maaaring makapaminsala."
At binuksan na nila iyon, at bawat isa sa kanila'y inilibot ang mga mata sa paligid.
Rian: "Parang danger zone 'ata ang house na ito, daming kagametang nakakalat, at ano 'yong samurai na iyon na nakalagay sa rectangle glass na nakasabit sa taas at harapan ng pintuan ng kuwarto," sabay turo niya.
Roland: "Iyan ang isa sa ari-arian ng lolo ng lolo kong magiting na mandirigma't gumamit ng samurai.
Sandra: "May ilang gasul pa roon sa may sulok?"
Cheenah: "May mga galoon pa yata ng gasolina doon sa hallway sa may taas ng hagdanan," sabay turo rin niya.
Rian: "Ano ba ito, parang susuungin natin ang Panganib!"
Jimmy: "Coach, hindi ko lubos akalain, na may mga ganito pa lang kagametan rito sa bahay mong ito, pero hanggat hindi pa siya umaataki, eh, iligpit natin lahat, nandito na rin tayo, mahirap nang bumalik ulit."

BINABASA MO ANG
FINAL DESTINATION
Siêu nhiênFINAL DESTINATION - Sea Explosion My own Version. Premonition.. Isang malalim na pangitain... Ang kumitil sa buhay ng mga Estudyante... Isang malaking Pagsabog... Bbbbooonnngggg!!!.. !!Huuuhhh!!! Unti-unting nag-uumpisa... Inu-ulit ang nasaks...