CHAPTER 7

193 4 0
                                    

Umuwi si Jimmy sa bahay nila ng walang sigla. Nanghihina sa sunod-sunod na nangyari sa kanila.

"Halos wala na yata kaming ligtas sa kanya," iyon ang binibigkas lagi ng isip niya.

Pagdating naman ng bahay nila ay ganoon pa din ang kalagayan. Patuloy sa katahimikan at kalungkutan ang lumalarawan sa kanilang tahanan.

Jacob: "Anak, narinig ko ang nangyari sa kaibigan mo, nakikiramay ako."

Jimmy: "Oo dad, kay'lungkot nga ng mga pangyayari. After ng malaking pagsabog, nasawi si kuya at mga kaibigan ko, tapos si Kate naman ay naaksidente kanina lang.

Pero hindi alam ng tatay ni Jimmy ang nakatakda sa kanila at wala rin siyang kaalam-alam sa nangyari kay Neco.

Jimmy: "Sige dad, papasok na ako sa kw'arto."

Jacob: "Sige anak," tumuloy na sa loob ng kuwarto niya si Jimmy.

Saglit lang napaupo ay denial ang numero ni Coach Roland.

Roland: "Hello Jimmy."

Jimmy: "Coach, narinig muna siguro ang nangyari kay Kate?"

Roland: "Oo, hindi ako nakasundo. Pasensya na Jimmy."

Jimmy: "Okay lang Coach. Nais ko sanang tipunin ulit ang grupo bukas."

Roland: "Sige, Jimmy. Pero sa tingin mo, anong magandang gagawin natin?"

Jimmy: "Maghahanap tayo ng lugar, 'yong mamalagi tayo roon upang labanan ang mga aksidenting ipinapatong sa atin ni Kamatayan."

Roland: "Sige Jimmy, siguro, okay na 'tong bahay ko rito. E-remove lang natin ang lahat ng kagametan na maaaring magdulot ng kapahamakan sa bawat isa."

Jimmy: "Sige sir, maganda kung ganoon, mas maigi kung sama-sama. Maaari nating malagpasan ito.

Roland: "Sana nga, Jimmy, umaasa rin ako"

At pinutol na ng dalawa ang usapan sa Phone.

Sunod na tinawagan ni Coach si Jerik, Airah, Cheenah at Jonathan.

Pero ang dalawa pa... ay si Jimmy na mismo ang tumwag.

Kinabukasan. Alas 8 ng umaga, gumising si Jimmy at naghanda na rin upang puntahan ang bahay ni Coach.

Nagsidating na rin ang bawat isa sa kanila.

Jerik: "Bakit na naman ba? Anong pakulo na naman ba ito!?" Asik niya.

Airah: "Oo nga! wala na tayong ibang ginawa kundi magtipon, pero 'di pa din natin ma-solve ang problem!"

Roland: "Kaya nga natin ginagawa ito eh, upang mapagplanohan, kung ano ang mas nakakabuti."

Jonathan: "Jimmy, sabihin mo na ang mga nais mong sabihin.

Jimmy: "Okay, sa loob lamang ng isang araw... ay dalawang buhay na ang nalagas mula sa atin. Ngayon, mas naniniwala akong 'di titigil si kamatayan, hanggat hindi tayo nauubos.

Ang hinahangad natin ay ang kaligtasan natin.

Naisip namin ni Coach, na magkaisa tayong lahat, magtulungan tayong ilayo ang sarili sa kapahamakan."

Cheenah: "Anong move natin?"

Jimmy: "Together tayong mamalagi rito sa bahay na ito ni Coach, and that's better for us. We must to help everyone..
to avoid the accident!"

Roland: "Tama si Jimmy! Sama-sama nating harapin ang panganib na iyon."

Rian: "Agree ako d'yan Pare."

FINAL DESTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon