CHAPTER 4

221 3 0
                                    

Sumambulat pa ang baha-bahagi ng barko sa iba't ibang bahagi ng dagat na iyon.

at pati sa Pantalan na kinaroroonan nila ay tumilapon roon ang ilang maliliit na bahagi n'yon.

Hindi makapaniwala ang lahat, habang nakatanaw sa barkong iyon.

Magkakatotoo pala ang pangitaing iyon ni Jimmy.

Napatulala na lang si Roland sa nasaksihan.

Ganoon din si Jerik nang matanaw ang malaking pagsabog.

Napahinga naman ng malalim si Neco.

Neco: "'Buti na lang nakababa kame sa barkong iyon" wika niya sa sarili.

at nakatanaw rin ang ilang nakasurvive sa kanila sa pagsabog na iyon.

si Jimmy naman ay patuloy sa pagluha dahil sa nangyari.

feeling niya, hindi niya nailigtas ang karamihan, sa kamay sana niya nakasalalay ang buhay ng mga estudyante at ilang gurong iyon.

Sumabog ang barkong iyon, kasama si Mr. Joe, si Mss. Teressa, si Jc, si Kean, si Marriefe, si Ronna at ang Janitor na si Alan, at ang mga Studyanteng halos aabot sa bilang na 200.

Sa mga Survivor naman... ay si Jimmy, si Sandra, si Rian, si Kate, si Jerik, si Neco, si Airah, si Jonathan, si Cheenah, at si Coach or Sir Roland.

Kaagad silang dinala sa Presento, upang imbestigahan tungo sa mga nangyari sa barkong iyon bago sumabog.

at tinawagan rin ng mga Pulisya ang mga magulang at Pamilya ng mga nakasurvive upang doon sila sunduin sa PNP Office na iyon.

samantalang ang ilang Pulisya ay inimbestigahan ang nagmamanage ng mga barkong iyon.

Pero wala silang alam na dahilan ng Pagsabug.

chinecheck naman lagi iyon araw-araw, kung may problema, pero wala naman.

nakakapagtaka ang Pagsabog na animoy nilagyan ng bomba ang barkong iyon.

Pero kung tinaniman nga ng bomba, ay doon sila hindi sigurado.

ngunit ang ilang pulisya ay ganoon ang paniniwala.

nais nilang gumawa ng malalim na imbestigation kung kagagawan ba ito ng mga bandido.

----

Habang nasa loob ng opisina ng Pulisya na may kalapitan sa pantalang iyon ang mga nakasurvive ay isa-isa naman silang ininterview.

kahit halos silang lahat ay wala sa sarili., dulot ng mga nangyari.

Lalo na si Jimmy na umiiyak pa din dahil sa sinapit ng kuya niya.

Jimmy: "Nakita ko po lahat ang nangyari, kaya't pilit kong pinapatigil ang barko, pero ninais pa din nilang ituloy ang biyaheng iyon," paliwanag ni Jimmy, habang nakatulala.

Police Officer: "So, wala bang dumaan sa pangitain mo kung ano ang dahilan ng pagsabog? may nangyari bang poleplay, o 'yung sinadyang pasabugin ang barko?"

Jimmy: wala po, basta 'yun lang ang nakita ko,"tipid niyang sagot.

Roland: Hindi namin lubus akalain na magkakatotoo ang pangitaing iyon ni Jimmy, nasa lagay na nagsasaya ang karamehang estudyante, kaya't 'yun ang nagtulak sa aming mga Guro na ituloy ang biyahe, at dahil na rin 'yun sa kamalian namin, dahil 'di kame naniwala sa naging pangitain ni Jimmy.

Rian: Hindi po ako nakasama, dahil sa nangyaring gulo sa pagitan naming apat, kasama ako sa na-hold, at 'di pinasama, pero nakaplano na sana ang pagsunod namin roon kung hindi nangyari ang lahat ng ito.

Cheenah: "Ako naman, nagkaroon ako ng sugat dahil sa pagkahulog ko sa may dagat, kaya't hindi ako nakasama, dahil kinailangang gamutin, pero si Jc, natuloy pa rin," habang lumuluha na rin siya dahil sa nangyari sa boyfriend.

Sandra: Wala sa isip ko ang planong sumama muna, dahil nais kung samahan si Jimmy, naniniwala ako sa kanya.

Jonathan: sinabihan pa ako ng bestfriend kong si Jc about kay Cheenah, kaya't 'yun ang nagtulak sa akin upang 'di sumama, pero siya ay nagtuloy pa din para lamang mapagbigyan ang mga guro't estudyante.

Kate: Inalok din ako ni Ma'm Teress, pero mas ninais kong samahan si Sandra and Jimmy, inisip ko naman na susunod din kame eh.

Neco: Hindi ko lubos akalain na magkakatotoo ang imahenasyung iyon ni Jimmy, mas mabuti na ring nagkagulo, kaya't nasama kami sa nakasurvive.

Airah: Kahit alukin man nila akong sumama, hindi muna ako sasama, dahil kailangan ako ni Jerik, and thanks for that, dahil doon, hindi ako nasama sa pagsabog na iyon.

Jerik: "Ang dahilan ng lahat ng ito, ay ang imahinasyon ng Jimmying iyan!, kaya marami ang namatay dahil sa malademonyong pangitain niya!" habang galit siyang binibigkas iyon.

Kasunod ang pagdating ng kani-kanilang magulang at Pamilya.

Nag-iyakan ang ilan sa kanila.

Lalong-lalo na si Jimmy dahil sa sinapit ng kuya niya.

Pagkatapos noon, ay nagsi-uwian na sila sa kani-kanilang tahanan.

Nagsara muna ang Paaralang iyon dulot sa nangyari.

at Marami ang nagdalamhati sa malaking Aksidenting iyon na kumitil ng maraming buhay.

Pagkatapos ng isang linggong Pagdadalamhati ay nadiskubre ni Jimmy ang katotohanan.

ang mga nakatakdang mangyari, sa bawat isa sa kanila.

Kaya't Kinausap niya si Sir Roland hinggil dito, at tinugunan naman 'yun ni Coach Roland.

At isa-isang tinawagan ang bawat isa, para  tipunin sila sa mensahe ni Jimmy, sa kanyang babala, ukol sa sasapitin ng bawat isa sa kanila.

ITUTULOY..

FINAL DESTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon