Twins

34 8 1
                                        

Travis' POV

"Pasensya kana X Hindi kanamin natulungan" paumanhin sakanya nang pumunta siya sa bahay namin. Umaasa pa naman ako na makikita ko dito ang ate niya dahil baka isinama niya pero wala.

"Oks lang yun, Bakit? Ano bang nangyari at hindi kayo nakapunta?"

"Nawala kasi kami, etong kasi si Cyby"

"Ano na naman?" reklamo niya.

"Nang dahil sayo hindi namin natulungan si X!!" Lahat naming sabi maliban kay D. Namuo na naman ang mga luha sa mata niya pero hindi bumagsak. Cyby dahil cry baby, iyakin talaga siya pero kapag negseryoso parang papatay ng tao.

"(Batok) 'yan kasi inano niyo pa" parinig ni D/Leader. Actually may tawagan kami sa isa't-isa.

Xione-X
Spencer-Cyby (Saybi hindi Seybi)
MJ-MJ
Rovin-R
Ako-Vi
Travin-Vin/D

Nilapitan ko si Travin at inakbayan, bigla naman siyang nagulat at tinulak ako. Ha!!, gusto niya pala ng away ha, binatukan ko siya at tumakbo dahil alam kong hahabulin niya ako at gagantihan at tama nga ako.^_^

"Hoy! Bumalik ka dito, pagantihin mo ako (tawa)" Sabi niya at tumawa habang hinahabol ako. Tumakbo Lang ako paikot my paikot sa tambayan namin, ang likod my bahay namin. Nung tumalikod ako para tignan kung mahahabol niya ako bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

Tumigil ako at nagtaka, nang aktong haharap na ako ulit may tumalon sakin at alam kong si Travin 'yun. Napahiga kami sa damuhan at sinimulan akong suntukin nang palaro at mahina.

"Ang kupal mo, paganti ako ha" paalam niya sakin bago ako pinanganga at sapilitang pinakain ng tinapay. Kaya ayun nabulunan ako, tumayo siya ng mabilis at yung iba hindi man lang ako tinulungan saka binigyan ng tubig at tinwanan lang nila ako.

Hinabol ko si Travin at tinalunan mula sa likod kaya natumba kami ulit sa damuhan. Pinadapa ko siya at kinulong ang dalawa niyang kamay.

"Hoy!! Bitiwan mo na ako joke lang naman 'yun eh"

"Pagantihin mo muna ako"

"Ano gantihan lang ang peg, pero---"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng hatakin ko siya papunta sa pool at tinulak dahilan para malaglag siya. Tumalon din ako sa pool at nilunod siya ng palaro. Umahon siya at ako naman ang nilunod-lunod niya, nang makaahon kaming dalawa bigla namang nagsi-talunan sa pool ang mga abnormal na kaibigan namin kaya kawawa kami ng kakambal ko, we're smashed!!, mukhang matutuluyan kaming malunod ah. Dun kami nagsimulang maglaro at nagtapon-tapon ng tubig, at racing sa tubig.

Nang makatapos kaming maligo, pinahiram muna namin sila ng damit dahil yung mga ugok hindi daw nakabaon ng damit dahil biglaan ang plano nila na maligo sa pool.

Bigla kong naalala ang nangyari kay X, sabi niya marami yung mga kalaban pero hindi niya nasabi kung paano siya nakaligtas dahil malabong manalo siya dun kasi nag-iisa lang siya. Nabanggit na rin niya samin na may tinulungan siya pero hindi ang tumulong sakanya.

"X, Sino yung tumulong sa'yo?" Tanong ko na ikinatahimik ng lahat.

Yung abnormal naman ngumisi lang.

"Isang babaeng malapit sakin"

Si Xioline kaagad ang pumasok sa ulo ko, pero kababae niyang tao matatalo niya kaya yun ng madalian?

"Talaga sino nama---" pinutol ko yung sasabihin ni MJ at iniba ang topic

"Kambal, kunan mo naman ako ng tubig oh" utos ko kay D.

"Ah ayaw ko nga ikaw na lang tinatamad ako"

"Tss, ang tamad mo"

"Ay wow! Hiyang-hiya naman ako sa'yo"

"Mas ako!! Kasi ang tamad... tamad... tamad... tamad... tamad mo------"

Bigla niya nalang pinakain sakin yung plastic ng curls na kinain namin kaya binatukan ko siya na kaagad naman niyang naiwasan. Nagkatinginan kaming dalawa at saka tumawa. Ganyan kami magpakita ng pagmamahal namin sa isa't-isa, sa pamamagitan ng pag-aaway.

"Guy, alis muna ako ha magpapalaglag lang ng kinain" biglang Sabi ni R at umalis na.

Habang nagkakasiyahan sila tinawag ko si X para magkausap kami at makumpirma ko Kung si Xioline ngaba ang kanyang tinutukoy.

Pumunta kami sa sala at umupo.

"Ate mo ba ang tinutukoy mo kanina?" Pagsimula ko nang tanong

"Oo, kuya, bilib na bilib nga ako sakanya habang nakikipaglaban. Alam mo para lamang siyang sumasayaw kahit na may mga patalim yung kalaban." Amaze niyang sabi.

Wow, lalo lang akong nahuhulog sakanya. Ayy! Mali lalo akong bumibilib sakanya. Kahit ini-imagine ko pa lang siyang nakikipaglaban napapabilib na ako.

Sasa's POV

Umalis si Shosho dahil makikipagkita sa mga kaibigan niya. Tutal ako lang mag-isa sa bahay umalis ako. Bukas pa naman ang balik nila Yaya. Naglalakad ako at binalikan yung mansion na gusto ko.

Tinignan ko ito at ngumiti-ngiti ng may lalaking lumabas dito, hindi ko siya pinansin at tinignan lamang ulit yung bahay.

"Hoy miss! May masama kang balak 'no?" Isang lalaking cute ang bumungad sakin.

"Grabe kanaman kuya hindi ba pwedeng tinititigan lang?"

"Hindi!!"

Aba! Napupuno na ako ah. Susuntukin ko na sana siya nang maalala ko ang sinabi sakin ng kapatid ko.

Teh, 'wag kang makipag-away sa iba maliban nalang kung may masamang balak sila sa'yo

Eh may masamang binabalak ang lalakeng ito eh kaya tinuloy ko ang pagsuntok sakanya ngunit hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa dibdib niya.

"I like you, let's be friends" ani niya saka binitawan ako sabay lahad ng kanyang kamay. Ganun nalang yun? Tinignan ko yung kamay niya at tinabig.

"Matapos mo akong paghusgahan may gana ka pang makipagkaibigan sakin?"

"Oo naman lalo na sa magandang binibini kagaya mo"

"Abaaaa~ nambobola kapa ha"

"Nagsasabi ako ng totoo promise" sabay taas niya ng kanang kamay.

"Edi wow"

"Saka sorry na, akala lang naman yun eh"

"Tse! Marami namang namamatay sa maling akala"

"Grabe kanaman, by the way ako nga pala ai Rovin. Nice meeting you Ms. Pretty, what's your name?"

"I'm Jessica Mañego"

"Talaga? kahit ang nakalagay sa Name Tag mo ay Xioline Davis?"

Hala ba't may name tag ako? Ano ako aso?!!! Ay!! Oo nga pala

Teh! wear your name tag para makilala ka kaagad dahil alam kong iibahin mo naman yung pangalan mo, ang lakas kasi ng trip mo.

Napakagat-labi nalang ako dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Binalik ko ang tingin ko kay Rovin at nag peace sign.

"Sorry, yan kasi trip ko eh"

"It's okay, let's be friends now ha" sabi niya sabay ngiti ng genuine at nilahad yung kamay niya na kinuha ko naman.

°•~~~~°~~~~•°
Guys sorry late update busy kasi sa bakasyon haha.
BTW tnx please like and comment

Locked Up (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon