Jemmie's POV
Grabe namiss ko na si BFF. Pagkauwi niya weekend na agad.
Pwede kaming umuwi tuwing weekends para makapagbonding-bonding sa family or friends, relatives, love ones and etc.
Nandito ako sa dorm ngayon, nag-aayos ng gamit at kasama ko sila Jivi at Lisa. Dito lang daw sila dahil bukas pa sila uuwi.
Si Lisa, ngayon dapat uuwi kaso pinakiusapan siya ni Jivi na samahan muna siya dahil bukas pa siya uuwi kasi boring daw sa bahay nila. Ang dad niya nasa ibang bansa at ang Mom niya ay busy sa business at mukhang hindi na raw siya pinagtutuuan nang pansin kahit only child lang siya. Yaya lang niya ang nararamdaman niyang nasa tabi niya palagi.
Only child din naman ako ah pero pinagtutuuan ako ng mga magulang ko.
Kaya suplada siya dahil may pinagdadaanan pala. May side din pala siyang mabait gaya ng ginagawa niya kay Lisa ngayon. Nakikipag-usap siya kay Lisa ng maayos kaya napangiti ako.
"Bakit kasi you didn't pack it up kagabi?" Ayan na naman siya, magiging maarte at suplada na naman.
Tinignan ko lang siya at inirapan at ganun din ang ginawa niya. Hindi talaga nagpapatalo 'to.
"Tulungan na kita" alok ni Lisa na hindi ko naman tinanggihan. Ganyan ang mga mababait.
Ang gaan talaga ng loob ko sakanya lalo na kapag nagsasalita siya.
Tinulungan niya ako hanggang sa makatapos na kami at nagpaalam na ako.
Nag-rent ako ng bahay sa subdivision ni Xioline para mas malapit kami sa isa't-isa. Di-kalayuan lang ang bahay ko sakanya, mga limang bahay o walo ang pagitan namin.
Pumunta ako sa bahay nila kaso wala daw siya dahil may lakad kasama ang kapatid niya at ang isa niya pang kaibigan. Wala akong nagawa kundi ang bumalik nalang sa bahay kaso naiinip ako dun eh, ako lang mag-isa dun.
Nag-text sakin si Xioline na 'sorry' daw.
Ano naman ang kasalanan niya?
Maya-maya tumawag na siya.
Hello?
Jem, BFF sorry---
Bakit ka ba nagso-sorry?
Hindi na kasi tayo masyadong nagkakasama unlike nung nasa Switzerland tayo.
Okay lang yun. Ano ka'ba?
Ah!! Alam ko na. Magbihis ka nalang at pumunta kana ng mall, samahan mo kami. Nasa book store kami naghihintay!!! Bye JEM!!!!!
Tuuuutooooot~~
Binabaan na ako.
Napangiti ako dahil sa pag-alala parin sakin ni bestfriend. She's the best among the rest.
Nang naglalakad ako may nakasalubong akong lalaki na hindi ko napansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa pictures sa cellphone ko na mga lalaking may abs....joke! Kaya nabangga ko siya at nalaglag yung phone ko.
"Sorry Ms. hindi ko nakita" Sabi niya. Ako nga yung may kasalanan eh.
Yumuko ako para kunin ang phone ko pero kinuha niya rin 'yun kaya nahawakan niya ang kamay ko.
Sabay kaming napatingin sa isa't-isa at hindi sinasadya magkalapit ang mga mukha namin.
Siya ang unang bumigay at tumayo dahil nakita kong namumula siya. Teka.....
Natatandaan ko siya ah, isa siya Astro. Fan nila ako!!!!!.
Dali-dali along pumunta sakanya at hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya. Luh!! Ano bang iniisip niya? Hinwakan ko lang para makipag-shake hands.
BINABASA MO ANG
Locked Up (On-Going)
Novela JuvenilMayroon kang kakambal na Mahal niyo ang isa't-isa pero idinadaan niyo lamang sa awayan ang pagmamahal niyo. What if one day, nagbago iyon dahil sa isang babae lamang? May babaeng may kapatid sa isang grupo ng mga lalake at nagkakamabutihan na ang m...