Last Night

9 4 0
                                        

Xioline's POV

After 4 days

Last Day na namin dito.

Biglang tumunog ang cellphone ko kasi tumatawag sakin si Beshy Krystel.

~Rookie rookie, my super rooki---

Hello besh....

Besh, kamusta kana? Namiss ka na namin.

Okay Lang ako besh, last day nalang namin dito.

Ganun ba..... Sige hihintayin ka namin tutal Sabado naman next day eh. Shopping tayo.

Sige ba... anong mga bibilhin natin?

Siyempre....Foods, haha!

Ikaw ha, hindi ka pa din nagbabago. Pero besh, sa totoo lang pumayat ka na ng konti unlike last last year, ang chubby mo pa 'nun.

Huwag ka ngang insulto.

Hahaha!........Ah wait lang besh tumatawag si BFF Jemmie

Okay, sige bye.... Yung Sabi ko sa'yo ha.

Oke,Baboosh.

In-end ko na yung call at sinagot ang tawag ni Jemmie.

Inabot ng 30 minutes ang pag-uusap namin bago ko i-end ang call. Kinamusta niya Lang naman ako.

Tinago ko na yung cellphone ko at hinagis-hagis sa ere dahil hobby ko talaga iyon kung minsan lang naman, haha.

"Huwag mo nang ihagis baka mahulog.......iba pa ang makasalo" muntik ko pang malaglag ang cellphone ko dahil sa pagkagulat kasi may kabute na susumulpot nalang bigla, si Travis pala. Hindi ko masyado narinig ang sinabi niya sa huli. Pero nagulat ako ah in fairness.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko sakanya.

"Ahh, yung baka mahulog ang phone mo?"

"Hindi, yung huli"

"Aahhhh............ baka masira?" Ganun ba ang sinabi niya? Sa pagkakarinig ko may mahulog na salita dun eh.

Hmp, di bale na nga.

"Ba't ka naparito?" Tanong ko sakanya.

"Ahh nagpapahangin lang, ikaw?" Balik na tanong niya sakin.

"Hmmm, wala lang. Ang ganda ng view eh" Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya.

"Talaga? Eh nasa loob tayo ng bahay" napatingin ako bigla sa paligid at nasa loob nga talaga kami ng bahay. Nadala lang siguro ako ng imaginations ko. Hehe.

Oh, oo nga pala.

"Ganun na nga... Ang ganda ng view sa loob ng bahay"

Tumawa siya ng mahina at tumingin sakin.

May kakaiba sa mga tingin niya eh, nung una pa.

"Ano?" Tanong ko dahil sa pagkailang. Umiling siya at umalis na.

Ay! Ganun na Lang iyon? Pupunta dito ng mabilis at kausapin ako ng madali saka aalis na agad.

Hindi man lang ako hinintay? What a good kid.

Bumalik na ako sa cottage namin kung saan nagkakasayahan sila.

"D!!!! Ubos na ang inumin natin" rinig kong sigaw Rovin.

"So ano?" Parang lasing na tanong ni Travin slash Nivart the fart.

"Bili ka naman" sigaw nilang lahat.

Locked Up (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon