Xioline's POV
10:00 am
"Yaya, kayo na ang bahala dito bukas ha, mawawala kami ng kapatid ko for five days" sabi ko kay Yaya habang inaayos ko ang mga gamit ko bukas.
"Ahh, excited na ako. Should I bring sunblock? Baka mainit dun..... Lotion? Jacket? Swimsuit?"
"Hindi tayo maliligo ate, magtri-trip lang dun" nagulat ako kay Shosho na bigla nalang pumasok sa aking kwarto.
"Nakakagulat ka naman" inis na sabi ko sakanya.
"Huwag ka nang magdala kung anu-ano pa diyan, damit lang ang kailangan mo" Sabi niya sakin. Edi wow! Siya na ang bagong tatay ko.
"Bakit? Hindi na ba ako magdadala ng tsinelas o kaya sapatos?"
Iniwan niya na ako?!!!! Ang ano ng kapatid ko ah. Aish!!! Di bale na nga.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa makatapos na ako.
"Yes!! Tapos na me" sigaw ko.
Biglang may bumukas ng pintuan ko kaya napalingon ako, si Shosho lang pala.
"Grabe ka ate, limang bag talaga ang dadalhin mo? Huy! Limang araw Lang tayo dun"
"Ganun na nga, kada araw isang bag"
"Bakit? Ilan ka ba magbihis kada araw? Diba dalawa o tatlo lang, pagkagising mo at pagkatapos maligo magbibihis ka, at kung hapon na mainit maliligo ka at magbibihis saka sa gabi lang" Sabi niya sakin, paki niya ba?
"Ano bang pake mo?"
"May pake talaga ako kasi ako na naman ang pabibitbitin mo!!" Natahimik ako dun ah. Sabagay, may point siya.
Pero gusto kong makipag-asaran sa kanya.
"Natural, ate mo ako eh. Dapat ginagalang mo ako"
"Pero ate ang dami mo nang bag"
"Pake mo ba?!"
"Bawasan mo na ang laman. Hindi naman tayo magtatagal dun eh"
"Hayaan mo na ak---"
"Hay naku!!! Kaliit-liit na bagay pinag-aawayan niyo?" Isang lalaki ang sumigaw sa kwarto ko.
Sino ba ang walang hiya nat--- Travin?!
"Oy! Kuya Travin bakit ka narito?" Tanong ni Shosho sakanya.
Ako naman tulala lang sakanya. Eh paano ba naman? Yung attire niya, hindi ako sanay. Ang palagi ko lang kasing nakikita sakanya ay ang uniform.
"Ate?, Ate!!, ATEEEE!"
ANG SAKIT SA TENGA!!!!
"Ano ba?!!!" Sigaw na tanong ko sa kanya.
"Natulala ka kay kuya"
Ngumuso ako at iniwas ang tingin kay Travin.
"Kuya, hindi mo pa sinasabi ba't ka narito?" Tanong ulit ni Shosho.
"Makikikain" sagot niya.
"Bakit wala ka bang pagkain sa inyo? Bakit dito ka makikikain? Trip mo Lang?" Inis na tanong ko sakanya.
Tinignan niya ako kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"X, ate mo ba talaga iyan?"
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Locked Up (On-Going)
Teen FictionMayroon kang kakambal na Mahal niyo ang isa't-isa pero idinadaan niyo lamang sa awayan ang pagmamahal niyo. What if one day, nagbago iyon dahil sa isang babae lamang? May babaeng may kapatid sa isang grupo ng mga lalake at nagkakamabutihan na ang m...