Jealous

17 4 3
                                        

Travis' POV

Sinundan ko si D sa labas para magpahangin.

"D, hintayi---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nakita kong kasama niya si Xioline at mukhang masaya sila. Hindi ko alam pero parang ang laki ng epekto sakin ang nakikita kong tumatawa ng masaya si Xioline sa iba. Gusto ko ako lang.

Simula palang nung unang nakilala ko si Xioline nabighani ako sakanya, nung araw na 'yun crush ko siya. Nang nalaman kong siya ang tumulong kay X naramdaman kong nahuhulog ako sakanya dahil sa pagliligtas niya. At nung nakita ko ulit siya sa school mas nahulog ako sakanya hindi dahil bagay sakanya yung uniform kundi dahil....hindi ko alam. Saka nung inakbayan ko siya hindi ko alam pero parang maraming boltahe ang dumadaloy at sumasakop sa buong katawan ko.

Bumalik na ako sa dorm namin kasi parang awkward ako kapag nandoon.

Nadatnan kong himbing na himbing sa pagtulog ang Astro at napangiti ako dun, sila ang palaging kasama ko kapag wala si kambal. I'm so lucky to have them.

Naalala ko na naman sina Xioline at D. Bigla akong nalungkot, pero anong magagawa ko? Si tadhana na ang bahala dun. Hindi naman ako kokontra kapag naging sila, kung magmahalan sila sa isa't-isa wala akong magagawa, kung masaya sila masaya din ako para sa kanila.

Kinabukasan sa Classroom

Nakita ko na si Xioline sa upuan niya at mukhang may ginuguhit. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

"Good morning, anong ginuguhit mo?"

Tumingin siya sakin at ngumiti, iyan ang isa sa mga dahilan nang nagpahulog sakin.
Ang ganda kasi ng mga ngiti niya. Hindi ko alam pero bakit ang dali kong nahulog sakanya? Bihira lang ang mga ito na nangyayari.

"Sina mama at papa, nang umuwi kasi ako dito umalis sila papuntang Brunei kasi tinawagan sila na magtrabaho dun"

Nakita kong magaling siyang gumuhit. Naka-sketch ang isang babae at lalaki na pinagigitnaan ng isang lalaking matangkad na sa palagay kong si X at babae na mahaba ang buhok na sa tingin ko ay si Xioline.

Nakita ko ring lumungkot ang mukha niya sabay ang pagtulo ng mga luha niya.

"Miss na miss ko na sila eh, bakit umalis pa?" Iyak lang siya ng iyak, mabuti nalang wala pang mga tao maliban samin dito kaya niyakap ko agad siya.

"Shhh, tahan na, ganyan talaga ang buhay" Sabi ko sakanya.

Hinayaan ko siyang umiyak sakin at inabot ng 25 minuto bago siya tumahimik at saktong dumating ang teacher namin.

Habang nagdidiscuss kami, palihim ako na pasilip-silip kay Xioline para i-check kung okay na siya.

Recess

Nauna akong maglakad palabas para hintayin si Xioline. Pero nagulat ako ng tinulak siya ni Vanessa at mga alipores niyang B*TCH!!. Napa-aray si Xioline ng tumama ang ulo niya sa pader, S***!!

"Your a b*tch malandi, dahil inagaw mo sakin Travis"

Nagpintig ang tenga ko sa narinig kong sinabi ni Vanessa.

"He's mine, my property and dapat walang may aagaw sakanya"

Lalapitan ko na sana siya ng may pumigil sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Dude, kaya na ni Xioline iyan, huwag ka nang makialam" Sabi ni Gilbert, boyfriend ni Jillian isa sa mga alipores ni Vanessa.

Alam kong hindi niya Mahal si Jillian dahil pinilit siya ng daddy niya para sa company nila. What a good parents Right?.

Hindi ko siya pinakinggan at binalingan ng tingin si Xioline pero nagulat ako ng nakita kong nakaupo na si Vanessa sa sahig at pinapatahan ng kanyang mga alipores. Woah.

"He's not yours and he deserve other girls. He's not your property kasi wala kapang titulo sakanya at may karapatan ang ibang mga babae na agawin siya sayo kasi hindi ka bagay sakanya at flirt kapa!" Paliwanag ni Xioline sakanya.

Hah! Napabilib ako dun ah, another point na naman siya sakin. Naglakad siya paalis at nakita niya ako.

Ngumiti siya at tumawa ng peke na parang nahihiya sa nagawa niya.

"Hehe..."

Tinignan ko lang siya at nginitian.

"Hindi ko naman sinasadya yun at saka siya naman nanguna eh, pinagtanggol ko lang ang sarili ko hindi ko lang talaga natanggap ang sinabi niya sakin Kaya nagawa ko yun, pero maniwala ka hindi ko sinasadya yun nadala lang ako kay--"

Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi ng tinakpan ko ang bibig niya.

"Ang cute mong mataranta" saad ko sakanya sabay tawa pati na rin si Gilbert nakitawa na rin.

Naglakad na kami ni Xioline at nilagpasan si Gilbert ng bigla niya akong binulungan.

"Ang swerte mo sakanya dude"

Tumango ako at umalis na papuntang canteen para kumain at hanggang ngayon tarak ng tarak pa din siya about sa nangyari kanina.

Hanggang makarating kami sa table namin. Una kong nakita si D kaya naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"O ba't ang tagal mo?" Bungad agad sakin ni Robin. Umalis na kasi si Xioline kasama ang roomates niya at dalawa pang kaibigan.

"Wala lang" sagot ko saka tumawa habang naiimagine ko ang itchura ni Xioline.

Xioline's POV

Hay nakakahiya talaga ako kanina.

"What's the marer(matter) Ezar?" Tanong sakin ni Jivi. Hindi naman pala siya ganun kasuplada at bitch dahil kagabi nakita kong nahulog si Jemmie sa kama niya at narinig ni Jivi ang ingay sa tiles na may karpet kaya siguro napabangon siya, babangon na rin sana ako para tulungan si Jemmie nang tumayo si Jivi sa kama niya at nilapitan si Jemmie. Umarte akong natutulog at tinignan siya, kahit madilim kitang-kita ko pa din ang mga galaw niya, akala ko kung ano ang gagawin niya kay Jemmie yun pala binuhat niya papunta ulit sa kama ni best friend.

"Nothing" ani ko habang nakangiti.

"Oh, kain ka oh" Sabi ni Lisa sakin sabay abot ng gatas at spaghetti.

"Alam mo Sa I mean Sar, Esar, kagabi ang sakit ng likod ko" biglang sabi ni Jemmie sa gilid ko.

"Eh paano ba naman, nalaglag ka sa kama mo"

"Ganon ba"

Bumalik na siya ulit sa pagkain.

"At si Jivi ang tumulong sa'yo" dagdag ko pa. Tila nagulat si Jivi sa sinabi ko.

"And you should thank me for that. And how did you know, Ezar?" Tanong niya.

"I saw it"

Hindi namin kasama sina Krystel at Ellisse dahil iba ang schedule namin sa kanila.

Travis' POV

Nakita kong tumitingin si Travin kay Xioline. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng selos.

"Mga kuya, next week pala nalaman kong may audition sa DanSing, ang price 10,000 para sa champion at free trip to Tagaytay valid for 5 days and no need to problem sa student kung sila manalo kasi ang mga judges na ang kakausap sa mga teachers para i-excuse ang mananalo. Saka pwedeng isama ang isang tao."

Tinignan ko muna ulit si Xioline bago tumingin ulit may X.

Xioline I like you, pero sana huwag mo naman akong paselosin.





Locked Up (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon