Chapter 1

102 14 12
                                    

No prologue. Sorry



*kring *kring *kring



Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang alarm clock ko.



Anong oras na ba? Sinuot ko muna ang salamin ko



7:30? Huh?! 7:30 na! Geez! Ma l-late na ko! 8 pa naman klase ko!



Nagdali-dali akong kumilos para umabot sa klase. Shet! Lagot ako neto sa prof namin. Terror pa naman yun.



Hay. As usual, wala na naman akong naabutan ni isa sa kanila. Palagi naman eh. Busy palagi sa business nila.



Hindi nako nag breakfast. Late nako putek!



Dinala ko na lang ang Mazda Fury ko. This is my baby.



Yeah nerd ako pero it doesn't mean na nagpapahuli ako sa uso. Mayaman naman kami kaya kaya kong bilhin ang gusto ko.



After 2 minutes nasa school nako. Bilis ko nu? That's why I love my baby.



Nakapagtataka naman. Bakit wala atang mga estudyante papasok ng school? 8 pa lang naman ah?



Bukas pa nga ang gate ng school eh.



Binaba ko ang window ko.



"Sir good morning." Bati sakin ni manong guard. Kilala na nya ako. Ang school kasi na to ay pagmamay ari ng kababata kong si Kyle Aragon. Well hindi pa naman kanya pero in the end sa kanya rin naman. Haha.



Hindi ako yung nerd na loner. May mga friends din naman ako.



"Good morning manong! Late na po ako manong! Hehe" masigla ko ring bati sa kanya sabay tingin sa relo ko. Nagtaka naman ang itsura nya.



"May pasok po kayo sir?" Kakamot-kamot ng ulong tanong nya.



"Po?"



"Sabado po ngayon sir, may klase pa po kayo?" Oh crap! Saturday ngayon?! Bat nakalimutan ko?! Shet!



Yung feeling na nagmadali kang pumasok sa school yun pala sabado?! The eff!



"Hehe, ahm ano manong." Crap! Nahihiya ako! Nakakahiya naman kasi!



"Nakalimutan nyo po sir na sabado ngayon?"



"Parang ganun na nga po. Hehe. Punta na lang po akong library." Sabi ko na lang.



"Ah sige sir. Si Miss Susan nandyan na po." Librarian namin yang si Miss Susan.



"Una na po ako." Tinaas ko na ang bintana ko at dumiretso sa parking space for senior high.



Makapunta na nga lang ng library! Bakit ko ba nakalimutang sabado pala ngayon?



Wait. Kanina pa kayo nagbabasa pero di nyo pa ako kilala tama? Sabi ko nga eh.



I'm Kier Espuerta. Nerd ako pero gwapo. Nerd ako pero hindi loner. Nerd ako pero heartthrob. In short matalino ako na biniyayaan ng angking kakisigan.



Bukas nga ang library at nandito na si Miss Susan.



"Oh hijo, sabado ngayon ah?" Tanong nya sakin. Kailangan ba talagang ipaalala sakin na sabado ngayon?!



"May titingnan lang po akong libro." Sabi ko at nag swipe ng ID ko sa machine.



"Ah sige, hijo maiwan na muna kita ha? Ikaw na muna bahala dito may aasikasuhin lang ako sa office." Pagkatapos nyang sabihin yun ay iniwan na ako dito.



Tale in a 30 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon