Kier's POV
Pumasok kami sa isang malaking bulwagan.
Pagdaan namin sa pinto may dalawang kawal at as usual sabay sila.
Sa bulwagang yun, may mga upuan na nakahanay sa magkabilang gilid ng lugar.
"Upuan yan ng mga nabibilang sa konseho." Turo nya sa mga upuan na magkaharap sa gilid.
May malalaki ring frame doon and I bet yun na ang ama nya na nakasuot ng pang haring costume with crown pa. May nakasulat sa may ilalim ay King Krypton. Wow! Haha! May superman ba dito?
"Sya ang aking ama. Ang kasalukuyang hari ng Erisia." Marami pa syang sinabi pero tumatak sa isip ko kung saan daw hango ang pangalan ng kaharian nila.
Hango daw ito sa Greek goddess of strife. Si Eris, ang counterpart ni Eros the god of erotic love.
Grabe. Ang galing ng author ha? Haha. Sabagay luma na ang libro baka nga naabutan nya pa ang mga gods and goddesses eh. Pero teka. Diba ang Eris ay noong 2006 unang ginamit? How come? Tama na ang malalim na pag iisip.
Sabi ni Venice kahit ganun ang meaning ng kanilang kaharian ay mabubuti ang mga nakatira doon at minsan lang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Mabuti sana kung ganun rin sa mundong pinanggalingan ko. Yung at peace na ang mga tao, wala ng away. Wala ng agawan ng teritoryo (patama sa china joke! Haha)
Pero imposible naman yun. Hindi magiging balanse ang mundo pagnagkaganun. Ayun yan sa paniniwala ko. Bina-balance ang mundo ng negative at positive at the same time opposites attract. Kung may masasama, may mabubuti. Kung may magaganda well may panget rin. Kung may mayaman may mahirap. Kung wala ang opposite nila paano sila mabubuo? Paano mad-distinguish ang bawat isa? Ganun ang pananaw ko sa buhay.
"Ama." Tawag ni Venice nang makarating kami sa gitna ng bulwagan at yumukod ng bahagya. Ginaya ko lang ang ginawa nya.
"Aking prinsesa. Ikaw ay nakabalik sa mabilis na panahon. Nagawa mo ba ang iyong unang misyon?" Tumayo mula sa kinauupuan (typically where a king belong) ang hari at lumapit sa kay Venice. Niyakap nya ang huli at gumanti ng yakap.
"Opo ama kong hari." Sagot nya sabay tingin sa akin. Napadako sa akin ng hari na hindi halatang may anak na. Para syang 25 years old young man. Tunay na description ng gwapo. Nahiya naman ako kaya inayos ko ng konti ang suot kong salamin.
"Ikaw ba iyon binata? Ang nakatakda?" Lumapit sya sa akin at ako naman ang sinipat. Nailang naman ako sa way ng pagtingin nya sa akin. Nakakapanliit eh. Nahiya naman ang kagwapuhan ko sa hari nila.
"Anong nakatakda ama? Ang pangalan nya ay Kier." Mukhang hindi lang ako ang walang alam dito.
"Kaya ba pinatungo mo ako sa gubat ng Suna? Dahil alam mo talagang doon ko matatagpuan ang aking hanap?" Dagdag ni Venice.
"Ang nakatakda sa libro aking prinsesa. Pati ang propesiya. Wala tayong magagawa. Ang nakatakda ay nakatakda." Sagot ng hari sa kanya.
"Ano ang nakatakda sa propesiya ama?" Great! Out of place here.
"Ang hari sa ika-apat na henerasyon mula sa Haring Eros ay magkakaroon ng kauna-unahang anak na babae na syang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng kahariang ilang libong taon nang nakatayo." Nakikinig lang ako sa usapan ng mag-ama. Mag ama ba sila? Parang magkapatid lang kaya.
Nagpatuloy ang hari.
"Ang propesiya ay natupad aking prinsesa. Ako ang ika-apat na hari mula sa Haring Eros. At ikaw ang magpapatuloy ng aming nasimulan." Nangunot naman ang noo ni Venice.
BINABASA MO ANG
Tale in a 30 days
Fantasy"30 days in a mission with her. Within that 30 days I fell in love with her. But how can I say I love you if you're not true? How can I prove to myself that you're not just a dream? Where are you my love?" ---Kier Espuerta Written by TheBlue...