Kier's POV
"Narito ka lang pala. Bigla-bigla ka na lang umalis." Napangiti ako kay Venice. Tumabi sya ng upo sa akin.
"Nagpapahangin lang naman." Sagot ko sa kanya.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Venice. Hindi ko aakalaing magmamahal ako sa ganitong paraan. Iba rin talaga pag ang tadhana na ang mismong gumalaw para sa buhay mo.
"Nakikinig ka ba?" Nginitian ko lang.
"Napakaganda mo kasi mahal ko..." Napatanga naman sya sa sinabi ko. Haha! Yeah right. "...ng prinsesa." Para naman syang nakahinga ng maluwag ng sabihin ko yun. Wala ba talaga akong pag asa? Natatakot ako! Pwe oo na! Torpe na ako. Huehue! Sa kanya lang naman. Kahit nerd ako maraming nagkakandarapa sa akin. Oh diba?
"Ikaw talaga. Haha. Hindi ka pa ba inaantok?" Bakit parang ang lambing ng pagkakasabi nya? Her or is it me?
"Venice, kita mo yun?" Turo ko sa nagnining-ning at pinakamalaking bituin sa langit. Tumango naman sya.
"Ang tawag sa amin dyan ay Venus. Isa iyang planeta." Sabi ko. Nakangiti naman syang nakikinig sa akin.
"Pambabaeng pangalan hindi ba? Alam mo mayroong walong planeta. At sa walong iyon sya lamang ang kakaiba. Alam mo kung bakit?" Umiling naman sya.
"Dahil ang kanyang ikot ay salungat sa iba. Umiikot sya ng kagaya sa galaw ng mga kamay ng orasan." Nangunot naman ang noo nya.
"Kakaiba nga ang venus na iyong sinasabi Kier."
"Tama. Kakaiba nga ang mga babae. Salungat siya sa kilos ng ibang planeta. Pero kahit salungat ang mga babae, hindi ko mapigilan ang sarili kong magmahal ng kakaiba. Yun bang hindi normal para sa isang tao. Venice, m-mahal kita. Hindi ko inakala na mamahalin kita. Hayaan mo akong mahalin ka Venice." Madamdamin kong pahayag sa kanya. Napanganga naman sya.
"Kier..."
"Hindi mo kailangang sumagot ngayon Venice. Hindi pa ako handang masaktan." Biro ko para gumaan naman ang usapan namin.
"Salamat Kier." Ouch! Friend zone here. Haha! Ayos na to kesa naman layuan nya ako diba?
"Venice, pag nangungulila ka sa akin tingin ka lang sa mga bituin ha?" Pabiro kong turan sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha nya. Nawala ang ngiti ko sa labi.
"Iiwan mo ako?" Malungkot na sabi nya. Nakayuko lang sya.
"Wag na nating isipin yun. Ang isipin natin ay yung ngayon. Yung natitirang araw natin para magsaya ng magkasama. Hindi kita iiwan dahil nandyan lang ako sa loob nyan." Turo ko sa puso nya. "Tara na't magpahinga. Inaantok na ako." Aya ko sa kanya. Tumango naman sya.
Naglakad kami papuntang kwarto namin. Magkaharap lang naman eh. Nasabi rin nya na papasyal kami matapos magpahinga. Excited na ko!
Nang mahiga na ako sa kama ay hindi agad ako nakatulog. Iniisip ko pa rin ang magandang mukha ni Venice.
"Nakakafrustrate ma inlove!" I run my hands through my hair. Go with the flow na lang ba?
Bakit kasi ayaw ako tulungan ng mangkukulam na yun eh! May magagawa naman sya! Pabebe rin kasi ang isang yun. Ngayon ka na nga lang magmamahal ang kalaban ko pa ang oras at tadhana. Wala naman akong makapang pagsisi sa buong pagkatao ko dahil sa pagbukas at pagbasa ko ng librong iyon, bakit ako magsisisi kung nakilala ko ang mamahalin ko? Kung nakilala ko ang pinakamagandang prinsesa sa buhay ko?
Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ko nakatulog na pala ako. At mukha parin ni Venice ang huli kong nasilayan sa isipan ko.
**-----**
BINABASA MO ANG
Tale in a 30 days
Fantasy"30 days in a mission with her. Within that 30 days I fell in love with her. But how can I say I love you if you're not true? How can I prove to myself that you're not just a dream? Where are you my love?" ---Kier Espuerta Written by TheBlue...