Final Chapter

62 11 2
                                    

Kier's POV


One year later...


"Kier! Congrats! Valedictorian huh?" Bati sa akin ng kaibigan ko. Si Kyle Aragon. Haha! Maka ano ang isang to eh sya nga ang salutatorian eh.


Graduation day namin ngayon. And yeah. Valedictorian ako. Syempre! Gwapong nerd ako eh! Haha!




Medyo nagulat ako nang may mamataan ang mga mata ko ng napakapamilyar na tao. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Isang taon na ang nakalipas nang huli kong masilayan ang ganda nya. Napaka ganda pa rin nya walang pinagbago. Ah meron! Ang pananamit nya. Haha. Sya nga ba iyan? Papalapit sya ngayon sa akin. Geez! Papalapit sya sa akin! Ayos lang ba itsura ko? Ayos lang ba? Inayos ko muna ang buhok ko. Nakatingin din sya sakin na nakakunot ang noo. Yun bang parang may inaalala. May kasama sya. Si Ryllie.


"Hi guys! I want you to meet my best friend in TCA." Nakangiting pagpapakilala ni Ryllie. Transferee lang kasi si Ryllie sa AU. Inabot ko naman agad ang kamay ko sa kanya at nagpakilala.


"Kier! My name is Kier. Venice ba name mo?" Sana oo. Nababaliw na ang puso ko dahil wala nang wala. Parang gustong makawala sa hawla na tinatawag na rib cage.


"Y-yeah. My name is Venice. How'd you know?" Takang tanong nya. Nakipagkamay naman sya sakin. Parang may bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa akin ngayon at kinikiliti ang puso ko. Gusto ko syang yakapin! Parang naiiyak ako.



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya nang sobrang higpit.


"Na miss kita Venice. Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong ko habang mahigpit parin ang yakap ko sa kanya. Parang nanigas naman sya.


"E-excuse me? Hindi kita kilala. Please let me go." Hindi. Sya to eh. Ikaw si Venice.


"Is there a problem?" Isang baritonong boses ang narinig ko. Napadako ang tingin ko sa nagsalita. Si haring Krypton! Medyo tumanda nga lang sya. At nasa tabi nya si Keros na nakangisi sa akin.


"Dad.." Binitawan ko na si Venice. Paano? All this time nabubuhay sa panahong ito sila Venice? Pero bakit hindi nya ako naaalala?


"Tito!" Niyakap ni Ryllie si Krypton.


"Bro! Bakit mo niyakap si Venice? May HD ka ba sa kanya ha?" Taas baba pa ang mga kilay na tanong sa akin Kyle. Napailing na lang ako.


"Excuse me. Can I talk to your friend for a while?" --Keros. Nag sign naman ng 'hala ka' si Kyle na para bang tinatakot ako.


"Oh ano? Aminin mo na kasi. Handa ka nang magpaka tanga? Oh let me rephrase it. Kamusta ang pagpapakatanga?" Napailing na lang ulit ako. Sya nga si Keros. Ang mangkukulam. Haha! Naalala ko na naman.


"Wag kang susuko. Mahal ka rin ng pamangkin ko. Makikilala ka rin nya. Ito tip ko sayo." Lumapit sya sa akin at may binulong. "Ang libro ang paraan para maalala ka nya. Oh ayan! Binigay ko na ang tulong na hinihingi mo noon pa. Baka sabihin mo ang sama ko eh." At kinindatan pa ako. Bumalik na sya doon kela Ryllie.


*Flashback*

"Hijo? Gising. Kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala." Napamulat ako. Huh? Nakatulog ako?

Ang sakit! Ayoko syang iwan pero hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Napaluha na naman ako at the same time napangiti. Mahal nya rin ako! Mahal ako ng babaeng mahal ko. Napakasarap sa feeling. Yun nga lang, masakit dahil tutol ang tadhana.

Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa library na ulit ako. At nasa lap ko ang libro. Binuklat ko ito. Kumpleto na. Nagulat ako sa nabasa ko kung sino ang author.

Tale in a 30 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon