Kier's POV
Maaga ako nagising at madilim pa. Pinagmasdan ko lang ang angelic face ni Venice habang himbing syang natutulog. Ganda talaga ni crush. Haha. Wala naman sya sigurong boyfriend diba? Hinaplos ko ang pisngi nya. Ang kinis ng mukha tapos ang lambot ng balat.
Gumalaw sya at nagmulat ng mata. Bahagya pa syang nagulat.
Ngiti lang ang binigay ko sa kanya at tumayo na. Gusto ko na matapos ang paglalakbay na ito. 28 days to go.
Nilahad ko ang kaliwang kamay ko sa kanya. Kinuha naman nya iyon. Hinila ko sya ng dahan-dahan. Baka mangyari na naman ang kahapon eh. Awkward kaya nun.
"Tayo na." Nagulat ako sa kanya dahil lumambitin sya sa isang sanga ng kahoy at tuloy-tuloy na tumalon sa baba. Napangiwi ako. Mukhang hindi naman sya nasaktan eh?
Ginaya ko rin ang ginawa nya. Lumambitin ako sa sanga ngunit sa kamalasmalasan nga naman, naputol yun. Yan tuloy dumaosdos ako pababa.
Shet! Sakit ng balakang at pwet ko! Para na akong maiiyak tapos tatawanan lang ako ng isang to.
"Hahaha! Gaya ka kasi ng gaya! Hayan at masakit ngayon ang iyong pwet! Hahaha!" Grabe! Imbis na tulungan akong makatayo eh parang mamamatay na sya sa kakatawa. Hawak-hawak nya pa ang tyan nya. Mapasukan sana ng gagamba yang bibig mo!
Tatayo sana ako kaso nagkunwari akong masakit talaga at hindi maka tayo.
"Aray ko!" Daing ko with matching pikit pa. Nahinto naman sya sa pagtawa. Oh diba?
"Masakit ba talaga?" Nag aalalang tanong nya.
"O-oo. Aray ko naman!" Totoong sakit na yun ah? Sinundot nya kasi ang balakang ko. The eff. Brutal na babae to.
"Kasalan mo naman kasi." Sermon nya at inalalayan akong tumayo. Nilagay nya sa balikat nya ang braso ko. Instant chancing to! Wohoo! Ang laki naman ng ngiti ko. ^_____________^
"Ayos ka naman pala! Pinag-alala mo pa ako!" Inis na sabi nya. Nakita nya kasi akong nakangiti ng malapad eh. Sa susunod itatago ko na talaga ang kilig ko. Ano ba para akong bakla! Psh.
"Masakit kaya! Maka ano to parang hindi mataas pinagbagsakan ko ah?" Parang bata ako ngayon the eff! Yaan nyo na minsan lang mag pa cute ang mga gwapong nerd na seryosong tulad ko. (^v^)
"Itigil mo nga yan Kier!" Sabi nya at nagsimula na maglakad.
"Ang alin? Ang ganto?" Sabi ko sabay pout. Hahaha.
"Sabi nang itigil mo yan eh!" Tiningnan nya ako ng masama. Ano naman ngayon? Psh. Tumigil na lang ako baka kainin pa ako ng isang to. Oh? Maganda yun, kainan kaming dalawa. Whahaha! Shet ang halay ng mga iniisip ko!
"Malapit na tayo sa bundok ng Lira." Masayang anunsyo nya. Sa wakas! Mukhang may isang misyon kaming matatapos ngayon. I'm so excited na matapos ang isang buwan. Pakakasalan ko pa si crush my love!
"Kita mo yung bundok na iyon?" Turo nya sa kulay dilaw na bundok. Dilaw? First time ko makakita ng kulay yellow na bundok. Meron kaya niyan sa Pilipinas?
"Yan ang bundok ng Lira at sa tuktok niyan nakatira si Keros." Dagdag niya.
Teka? Sabi nya malapit na? Eh ang layo pa! Yun na ba ang malapit sa kanya? Akala ko ilang hakbang na lang makakarating na kami. The eff! Eh mga lima hanggang sampung kilometro pa yan eh!
BINABASA MO ANG
Tale in a 30 days
Fantasy"30 days in a mission with her. Within that 30 days I fell in love with her. But how can I say I love you if you're not true? How can I prove to myself that you're not just a dream? Where are you my love?" ---Kier Espuerta Written by TheBlue...