Kier's POV
"Binabati ka namin prinsesa sa iyong tagumpay." Sabay-sabay at masayang bati sa amin o sa kanya lang ng kanilang mga kawal. Ngumiti naman sa kanila si Venice. Ganda talaga ng ngiti!
"Salamat! Kami ay papasok na sa palasyo." Pagpasok namin doon lahat ng nakakasalubong namin ay kino-congratulate sya. Grabe ang balita ano?
Dumiritso kami sa kanya kanya naming kwarto para malinis ang katawan at makapag-pahinga. Matapos maligo at magbihis nahiga agad ako sa kama. Para naman akong nakahinga ng maluwag kasi ang lambot ng kama. Hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok.
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mahihinang katok mula sa pinto. Gabi na pala. Madilim na sa labas maging dito sa kwarto. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang kumakatok. Napangiti ako ng makita ko si Venice na ang laki rin ng ngiti sa labi. How I wish that she is mine.
"Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Tara na't kumain. Hinihintay tayo ni ama sa hapag-kainan." Sabay kaming naglakad.
"Venice, matapos ang tatlum-pong araw na ito, ano ang gagawin mo?" Out of nowhere na tanong ko.
"Hindi ko alam. Bakit? Gusto mo na bang matapos agad? Nasasabik ka na bang umuwi?" Tanong nya sa akin na nakiting ng deritso sa mga mata ko.
"Oo, nasasabik na akong umuwi." Parang nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata o ilusyon ko lang iyon? "Sino ba naman ang ayaw umuwi? Pero parang ayaw ko na, nandito ka kasi at ayaw kong malayo sayo." Madamdaming saad ko. Bigla naman ang pagbaling nya sa akin. Bumuka ang bibig nya waring may gustong sabihin pero walang lumabas sa kanyang bibig.
Napangiti ako. Inaasahan ko na to, kahit masakit. Sino ba naman ako kumpara sa kanya? Isa syang prinsesa at ako ay hamak na estranghero.
Napalingon kami sa tumawag sa kanya. Isang kawal.
"Mahal na prinsesa, pinapatawag na ho kayo ng mahal na hari." Tumango naman si Venice at pumasok na sa dining hall nila. Naroon na nga ang hari naka upo sa kabisera mahaba ang mesa nila. May ibang tao rin doon na hindi ko pa nakikilala. At hula ko ang babaeng nasa kaliwa ng hari ay ang kanyang reyna. Maganda ito pero mas maganda si crush my loves. Sa tabi naman ng babae ay isang binata na gwapo. Oo na. Pero mas gwapo ako.
Hinila ako ni Venice papunta sa harap ng dalawang hindi ko kilala. Umupo sya sa kanan ng hari at ako sa tabi nya. Bale kaharap ko ngayon ang lalaki na seryoso lang ang mukhang nakatingin sa akin. Problema mo pre? Nababakla ka na ba? Hahaha! Iba talaga kamandag ko! Natigil lang ang pag iisip ko ng kung ano-ano nang magsalita ang hari.
"Binabati kita mahal ko. Napagtagumpayan ninyo ang pagsubok na ibinigay ng mangkukulam kong kapatid. Haha!" Natawa sya sa sarili nyang mga salita.
"Ama, ang sabi ni uncle Keros sorcerer daw ang tawag sa kanya at hindi mangkukulam." Correction sa kanya ni Venice. Napangiti ako dahil hindi nya nakalimutan iyon.
"Sorcerer? Ano ang ibig sabihin niyon anak ko?" Napakalambing ng hari. Sa mga nababasa ko kasi ang hari mga suplado sa mga anak nila kasi ayaw nilang lumaki ang ulo. Iba naman kasi si Venice eh.
"Iyon daw po ama ang tawag sa mga taong pinag-aaralan ang pag gamit ng mahika o kapangyarihan." Ang galing ko talagang teacher! Bilis matuto ng estudyante ko. Tumango-tango naman ang hari nang umepal ang reyna kunu nya.
"Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa iyong kaibigan mahal na prinsesa?" Malambing na saad nito pero halata ang ka plastikan sa mukha. Geez!
BINABASA MO ANG
Tale in a 30 days
Fantasy"30 days in a mission with her. Within that 30 days I fell in love with her. But how can I say I love you if you're not true? How can I prove to myself that you're not just a dream? Where are you my love?" ---Kier Espuerta Written by TheBlue...