Chapter 2

55 13 0
                                    

Kier's POV




Kanina pa ako lakad ng lakad dito pero wala parin akong nakikitang kubo o kahit na anong palatandaang may nakatira dito.




Sa gubat kasi ako bumagsak. Ang sakit nga ng balakang ko! Hahambalusin ko kung sino ang gumawa nito sakin. Walanjo! Ang sakit eh!




Eh paano kung engkanto may gawa? Hahambalusin mo parin?




Of course
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Not! Ikaw kaya humambalos ng engkanto tingnan natin kung may katawan ka pang ipagmamalaki.




Thank God! May nakita na rin akong tao! I'm sure tao sya. Nakadamit eh. Though it's weird.




Pumihit ang babae sa direksyon ko. Nagliwanag ang kanyang mukha at masaya akong hinarap.




Ang ganda nya! Shet! Ngayon lang ako napatanga sa isang babae!




"Ginoo! Ikaw ba'y naglalakbay rin?" Tanong niya. Ang lalim naman ng tagalog nya.



"Ano? Anong naglalakbay pinagsasabi mo dyan miss?" Pagsusungit ko sa kanya. Ang weird nya ha?




Kanina pa ako weird ng weird dito wala na naman akong magagawa sa mga nangyayari sa akin.




"Ikaw! Ikaw ang tutulong sa akin para malampasan ko ang misyon na inatang sa akin ni ama." Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nya. Maganda nga sya pero weird. (Ikaw hindi ka ba weird?) Oo nga nu? So bagay kami? Arghhh! Kanina ko pa kinakausap sarili ko.




"Look miss, I don't know what you're talking about. I'm lost here okay?" Sya naman ngayon ang nangunot ang noo. Ang cute nya!




"Ni isa sa sinabi mo binata ay wala akong naintindihan. Ang sinasabi ko lamang sa iyo ay ikaw ang tutulong sa akin para matapos ko agad ang aking misyon." Kanina pa sya sa misyon na yan ah! Napipika na ako! Ano ba ang pinagsasabi nya? Pinilit ko ang sarili kong wag maiinis sa kanya. Sya lang kasi ang taong nakita ko rito. Pero hindi ko kaya.




"I don't care about your mission what so ever miss. I was lost okay? How many times do I have to tell you about this?" Na-iinis na sabi ko sa kanya.




"Ano ba ang pinagsasabi mo riyan binata? Maaari bang gamitin mo ang sarili nating wika? Ako ma'y naiinis na sa iyo." Sabi nya sabay halukip-kip.




Natigilan ako. Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang nangyayari. Di kaya...?





"Are y-you V-venice?" Nauutal kong tanong.




Sya ma'y natigilan rin nang banggitin ko ang pangalan nya. (Lalim ah? Haha)




Confirmed! Sya nga! Bat di ko to na isip? Ang bobo ko rin minsan eh! Minsan lang.




Ibig sabihin nasa libro ako at isa ako sa mga bida? Ako yung lalaki na English ng English sa kanya, nabasa ko yung part na yun.




"P-paano m-mo nalaman ang aking p-pangalan ginoo?" Grabe rin sya, kung hindi binata ang tawag sa akin, ginoo naman. Parang ang tanda ko naman nyan eh.




Ang ganda nya talaga. Sobra pa sa description nya sa librong yun. Bagay sa kanya ang medyo kulot na buhok. Ang tangos ng ilong. Pati ang bilogang mata. Ang ganda! Golden brown ang kulay. Yung lips nya ang pinkish. Halatang hindi pa ginamitan ng kahit na anong cosmetics.




Tale in a 30 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon