Kier's POV
Napaungol ako ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko ng mahina.
Ehh! Inaantok pa ako eh! Si yaya naman. Anong oras pa lang ba? Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero di ko kaya. Inaantok talaga ako!
"Kier! Gising na. Kier." Rinig kong tawag sa akin. Hindi si yaya yun ah? Imposible namang si mommy kasi minsan lang sila umuwi dito.
"Kier! Gumising ka na. Tayo ay aalis na." Napamulat ako ng wala sa oras.
Makakalimutin na ba talaga ako? Inakala ko talaga na nasa kwarto ko ako.
"Kanina pa kita ginigising, para kang mantikang natutulog!" Inis na bungad nya sa akin nang bumangon ako sa pagkakahiga ko.
"Pasensya naman. Hindi ako agad nakatulog kagabi." Bigla ata umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nakakahiya!
*Flashback*
Hay busog na busog ako! Pagkatapos namin kumain naglakad-lakad muna kami sa labas ng palasyo nila. Dinala nya ako sa parang maze garden. Ang ganda ng view, tapos sa gitna may fountain doon na nag iiba-iba ang kulay.
"Ang ganda dito!" Bulalas ko at pumikit pa. Sinamyo ko ang hangin na lumalapat sa aking balat.
Tiningnan ko sya at nakangiti lang sya sa akin. Lumapit sya sa akin nang hindi pinuputol ang tingin sa mga mata ko.
Anong gagawin nya? Bakit kinakabahan ako? Pero hindi kaba sa takot kundi excitement! Hahalikan nya ba ako? Unti-unti lumapit ang mukha nya sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinitay na lumapat ang dapat lumapat.
Naramdaman ko na lang ang kanyang mga labi sa akin. Ang lambot! Ang sarap nya halikan! The eff! Ayoko na talaga umuwi! Dito na lang ako. Haha!
"Kier? Anong ginagawa mo?" Bigla akong napamulat. Hala?! Daydreaming?!! The eff!!! Akala ko totoo talaga! Nakakahiya!
"Ahh ano, wala. Hehe. Tara tulog na tayo." Nauna na ako sa kanya umalis sa lugar na yun. Ang pula-pula ko na siguro ngayon! Ano ba tong utak ko! Masyado nang polluted!
"Kier! Saan ka patungo? Hindi riyan ang daan patungo sa iyong silid." Napakamot na lang ako sa batok ko. Kanina pa ako eh.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Nakakahiya talaga!
"Ano ang bumabagabag sa iyo Kier?" Hindi ko na naman namalayan na nakahinto na pala kami sa harap ng isang kwarto.
"W-wala. Naalala ko lang a-ang p-parents ko." Kagat labi kong sagot. Hindi kasi ako sanay magsinungaling.
Tiningnan lang niya ako ng parang hindi naniniwala sa sinabi ko. But she let go the topic.
"Dito na ang iyong silid. Magandang gabi." Pagkasabi nya nun tumalikod na sya. Ako naman parang nakahinga na ng maayos.
Pumasok na ako sa kwartong yun sinara ang pinto ng mabilis at sumandal sa likod niyon. Ano ba ang nangyayari sa akin?
*End of flashback*
"Nakikinig ka ba sa akin Kier?"
"Huh?" Wala sa loob kong saad.
"Hindi ka nakikinig sa akin. Ang sabi ko ay tayo na." Nanlaki naman ang mga mata ko. Ano? K-kami na? Bigla naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Tale in a 30 days
Fantasy"30 days in a mission with her. Within that 30 days I fell in love with her. But how can I say I love you if you're not true? How can I prove to myself that you're not just a dream? Where are you my love?" ---Kier Espuerta Written by TheBlue...