29: WING REGAL

1.7K 92 7
                                    

Chapter 29: WING REGAL
Enjoy reading!

ZYNC ORLANDO

(10 Months later after Reina's awakening...)

"In my office."

Nagmadaling tumayo ang secretary ko nang marinig ako nang madaanan ko siya sa kanyang table. Pagod kong binagsak ang katawan ko paupo sa swivel chair at sinapo ang kumikirot kong ulo.

"Sir, are you okay?"

Umayos ako ng upo saka umiling. "Rivera, what's my schedule for today?"

Mabilis niyang nilabas ang kanyang tablet, "8:30am Sir, you have a breakfast meeting with Mr. Chua of Chua Company. 10am, you have conference call with the OC regents. You are free from 11am-1:30pm. Then 1:30pm-3pm, monthly inspection in Ynca Mall main branch. 4pm, you'll meet Miss Sophia Dolor in Sorento Restaurant."

Kumunot ang noo ko. "Sophia Dolor? Who is that person? What is that appointment about?"

"Miss Sophia Dolor is the daughter of Director Diego Dolor. Tumawag po ang sekretarya niya na hindi po makakapunta si Director Dolor sa Subic for the business conference on Monday, may emergency daw po siya kaya ang anak niya po ang ipapadala niya sa conference."

"What?" napahilot ako sa aking sentido. Mr. Dolor is one of the stockholders dito sa kompanya. "Then why was he wanted to send out her daughter to that conference? It's a big event! Hindi pwede kung sino-sino lang ang ipapadala ro'n. Pumili ka ng representative dito, Rivera at 'yon ang ipapadala natin! I don't have trust with that Sophia! And why does she have to meet me?"

Tumikhim si Kurt at nagkamot ng ulo, "I heard from Director Diego that his daughter is his only heiress and she graduated in Business Administration with flying colors and got her masters in New York."

"And so?"

"Baka po, tini-train na siya ng tatay niya."

"Then I don't care! Magpadala ka ng tao sa Subic ang hindi ipapahiya ang kompanya ng pamilya ko! Ikaw ang pumili, Rivera! I trust you! O 'di kaya ikaw na lang."

"Sir naman."

"Nagrereklamo ka ba?"

"Hindi po, Sir. Sige po, maghahanap na po ako ng representative ng kompanya. Do you have more to say, Sir?"

"Cancel all my meetings today. I wanted to rest and please don't disturb me." Sinapo ko ang aking mukha at naisip na naman ang mga kaliwa't-kanang problemang nasa palad ko ngayon.

"But Sir— your conference call with the regents cannot be cancelled, Sir. It's an urgent—"

"Fine. Leave that one but the rest cancel it."

"Copy that, Sir."

Nang marinig kong naisarado niya na ang pinto ay sumubsob ako sa mesa at inabot ang litrato ni Katarina.

"C, kailan ka ba babalik? Umuwi ka na sa akin please. 'Di na ako galit. Hindi naman talaga ako galit. Tampo lang naman. Ang tagal mo naman eh. Magtatatlong taon na pero bakit wala ka pa rin? C. Miss na kita. Miss ka na namin ng mga anak mo. Alam mo bang awang-awa na ako kay Sia? Sobra siyang naaapektuhan sa pag-alis mo. Hindi man siya nagsasalita pero kitang-kita kong nahihirapan siya at nasasaktan. Hindi niya na naaalagaan si Allius pati sarili niya. She's been blaming herself sa pag-alis mo dahil hindi siya naging magaling na squire mo. Pati si Al, nakikita kong hirap na hirap na siyang intindihan si Sia. Please naman oh. Bumalik ka na. Sige ka kapag nag-break sila, ikaw ang may kasalanan."

Napapikit ako nang mariin saka muling nagsalita.

"Nag-aalala na rin ako sa kambal dahil sa loob ng higit dalawang taon ay hindi ka nila hinahanap. Bakit parang ramdam kong nagpaalam ka sa kanilang aalis ka? Bakit parang handa sila? Minsan gusto ko na nga ring mag-break muna dito sa kompanya dahil napapagod ako. Lalo na't ang dami kong anumalyang natuklasan habang tumatagal ako sa posisyon kong 'to. Pero hindi pwede, kailangan kong gampanan ang responsibilidad ko, kakayanin ko kahit ano pang anumalyang haharapin ko. Gaya ni Guanzon, nito ko lang nalaman na kaya pala nag-leave siya ng ilang buwan ay dahil sa ginawa ni Sia sa kanya. Kinidnap siya ni Sia at pinahirapan. Hindi ko naman magawang magalit kay Sia dahil kung pinrotektahan niya lang ako. Pinagtangkaan ako ng Guanzon na 'yon na lasunin, inutusan niya pa ang sekretarya niya. Kaya galit na galit si Sia. Nalaman ko ring may malaking account siyang nilimas sa isang Arab investor gamit ang pangalan ng kompanya."

BORROWED (S.E. Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon