44: BUT

1.6K 76 17
                                    

Chapter 44: BUT
Enjoy reading!

3rd.

Tarantang napatakbo si Zync pababa ng hagdan. Napatingin sa kanya ang mga tauhan pati na sina Sia na nasa sala. Nagtataka dahil mukha siyang aligaga at hindi mapakali.

"What's wrong?" tanong ng babae.

"Where is she?" aniya habang malikot ang mga mata.

Lumingon si Sia sa isang parte ng mansion. Doon sa daan tungo sa garden. Nakita niya roon si Reina na nakaupo sa hammock. Nakakandong ang kambal sa ina, hindi alintana ang bigat ng mga ito. Mukhang nag-uusap ang mga ito base sa mga ngiting nakikita niya sa mukha ng kambal at sa pagbuka ng bibig ni Reina.

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang puso. Dahil sa higit isang buwang nakasama nila ang babae mula nang bumalik ito ngayon lang niya nakitang nagbonding ang mag-iina. Ngayon niya lang nakita ang maaliwalas nitong mukha at nakangiting mga labi habang kaharap ang kambal.

Napabuga siya ng hangin at napangiti.

"She's mad." Untag ni Sia. Napatingin siya sa babae na may nagtatanong na mga mata. Hindi naman mukhang galit si Reina base sa nakikita niya ngayon.

"Galit siya dahil sa nangyari kahapon." Anito at kumunot ang noo, "She's different." Dagdag pa nito.

"What?" tanong niya.

"She's weird today." Sagot ni Sia saka tumungo para kargahin si Ah-Ah, umupo ito sa sofa at hindi na pinansin si Zync.

Lalapitan na sana ni Zync si Reina nang bumaba ang kambal sa pagkakandong dito kasabay ng pagtayo ng babae. Humarap ito sa direksyon niya kaya nagkatinginan sila. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang disappointment sa mga mata nito. Nakahawak ang kambal dito nang maglakad ito papalapit sa kanila.

Matagal nang napapansin ni Zync ang kakaibang nararamdaman sa babae. Parang may mali, parang dalawang tao ang nakakasama niya. One time she's emotionless then one time she's full of emotions. One time she's impassive then one time she goes fervent.

At ngayon, ang babaeng nasa harapan niya ay parang ang babaeng kinakatakutan niya noong estudyante pa lamang siya. Ang babaeng natutunan niyang mahalin sa kabila ng kaguluhang nangyari sa paligid nila..

Huminto ito sa harapan niya at yumuko sa kambal.

"Go to your room." Utos nito sa mga bata na agad tumalima. Humalik muna ito kay Zync.

Napatingin siya sa mukha ng mga bata. Nagtagis ang bagang niya, maga pa rin ang mga pisnge ng kambal at nag-uube na.

Binalingan ni Reina si Sia. "Give your child to her nanny. We'll talk."

Napanganga si Sia habang titig na titig kay Reina at parang may napagtantong isang importanteng bagay. Bumakas sa mata nito ang pagkabigla at saya.

Binigay nito ang anak sa yaya na agad umalis sa sala. Naiwan silang apat, ang mag-asawang Al at Sia saka sina Zync.

Napakurap-kurap naman si Zync dahil sa narinig na timbre ng boses nito at biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Ang boses na gumulo sa isipan niya noon. Ang boses na parati niyang naririnig sa panaginip nitong nakaraan. Ang boses na bumubulong sa kanya sa kanyang pagtulog sa bawat gabing dumadaan.

Ang malalim na boses ngunit hindi paos. Ang boses na puno ng awtoridad at sobrang dominante katunog sa boses ni Tamara. Ang boses na napagpanginig ng tuhod niya noon.

Ngunit nabigla na lang sila nang malakas na sinampal ni Reina si Sia kasunod ni Al. Hindi agad nakaimik ang dalawa at nanatiling nakatagilid ang mga ulo. Agad ring nagsipaglayuan ang mga bantay na nakakalat. Natatakot na baka madamay.

BORROWED (S.E. Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon