57: GIVEN

1.6K 85 22
                                    

Chapter 57: QUEEN GIVEN ZENON
Enjoy reading!

3rd.

Kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan ni Reina nang marinig mula sa kanyang tiyahin na si Mojica na nagtagumpay ang kanilang mga units na pahinain ang puwersa ng Triad sa mga bansang itinalaga.

Hindi pa man tuluyang natatapos ang digmaan ay parang ramdam niya na ang minimithing kalayaan para sa sangkatauhan. Nakakapagtaka ring tila hindi na niya ramdam ang kapangyarihan ng Project Armageddon.

Dahil sa paglipas ng mga araw ay wala na siyang may nakakasalamuhang Triad armies na kontrolado at tila mga robot kagaya no'ng mga nakalaban nila ni Sia sa Sora.

Iyon ang gusto niyang tuklasin... ang kung ano o sino ang ginamit ng Triad para maging receptor or carrier para ma-activate ang Arma Machine at kung bakit parang temporaryo lamang ang bisa nito.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang sinimulan ang Plan X, ngunit hindi niya kayang libutin ang lahat ng bayang sakop ng Slovenia kung kaya ay marami rin siyang tauhan na ipinadala sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Ang dahilan kung bakit hindi na muna siya tumungo kaagad sa Ljubljana kung saan naka-base ang mga Primus ay para masunod ang planong papahinain muna ang puwersa ng Triad at maging limitado ang kapangyarihan nito sa sentro lamang.

Kung ganoon ang mangyayari ay hindi na siya mahihirapan pang sukulin ang tatlong Primus sapagkat alam ni Reina na walang ibang lugar na pupuntahan ang mga pinuno ng Triad kung hindi sa Ljubljana lamang dahil ito ang nagsisilbing main base ng grupo.

"Magpahinga ka na. Sana'y mapayapa at masaya ka na ngayon sa paraisong nasaan ka ngayon. Huwag kang mag-aalala, magiging mapayapa rin ang kaharian natin at lalaking matiwasay at mabait na tao si Olli. Pangako ko iyan sa iyo, Sanya. Maraming salamat." Paalam ni Reina sa libingan ng bata nagligtas sa kanya. Her little brave savior.

Kinaumagahan no'ng gabing namatay ang bata ay napagdesisyunan ni Reina na kahit papaano'y ilibing nang maayos ang katawan nito. Kung kaya ay naghukay siya buong magdamag sa tabi ng puno kung saan niya ito inihiga noong gabing iyon nang makatulog.

Sa umaga ding 'yon ay dumating ang ni-request niyang rescue unit para kunin ang mga sanggol na naligtas kasama na ro'n si Olli. At ngayon bago umalis upang magtungo sa Ljubljana ay pinuntahan niya si Sanya para magpaalam sa matapang na bata.

"Goodbye for now, my dear Sanya. Babalikan kita at kukunin dito para bigyan ka nang mas magandang tahanan." Nakangiti niyang saad habang hinahaplos ang malaking bato sa libingan ni Sanya.

Pinihit niya ang katawan para lisanin na ang gubat. Agad nagtama ang mga mata nila ni Sia na nakatayo lang sa 'di kalayuan. Nakangiting pinahid niya ang piping mga luha na kanina pa pala tumutulo. Isang tipid na ngiti lang din ang tinugon ni Sia.

Tinaas ni Sia ang kamay at inilahad sa direksyon ni Reina, "Halika na, Reina. Naghihintay na ang ating kaharian." Anito.

Ilang sandali pa silang nagtitigan na tila nag-uusap ang kanilang mga isipan. Huminga nang malalim si Reina bago humakbang tungo sa katapusan.

**

Sa buong buhay ni Sia ay ngayong araw na siguro ang maitatalang pinakamaraming murang namutawi sa bibig nito. Halos mura na lang ang lumalabas sa bibig.

Samantala, tahimik lang si Reina na kasama ni Sia. Ngunit nahuhuramentado ang kanyang puso labis-labis ang galit na nararamdaman nang madatnan nilang tila ghost town ang Ljubljana.

Malayo sa Sora, Brecize o Kranj na kahit sinakop na ng Triad ay kahit papaano ay malinis ang paligid, dito naman sa Ljubljana ay nakakalat lang ang mga bangkay sa mga kalye at umaalingasaw ang nakakasulasok na amoy.

BORROWED (S.E. Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon