Chapter 34: IN HIS ARMS
Enjoy reading!
Warning: This is for you, for me, for us and for the whole human race. LoL. Naaa! Babala-babala! Gano'n din lang naman ang mangyayari. Babasahin mo pa rin 'to kahit dose anyos ka pa lang. Diba?! Ginawa ko ang lahat para maging wholesome ang chapter na 'to! Ge bye.
3rd.
Pagod na binagsak ni Zync ang katawan sa kanyang kama. Napagod siya kakalaro kina Arra at Arri buong araw. He had his back on his soft and comfy bed as he played staring game with the ceiling, his mind was totally blank... setting everything aside for a while. Zync thinks he needed this, he needed a break.
It has been so rough for him since he met Katarina. But it never crosses his mind to blame her for the chaos because he knew that Katarina was the instrument for him to be aware of the true happenings around him.
He was surrounded with lies even before she came. His friends, Allaine or Aly and his father lied to him. He walked around like a fool without knowing that people closed to him weren't he thought who were.
Katarina, his Cherie... she was his eye opener.
She came along with the truth but in bloody way. He had witnessed how the real world works with bullets and blades. He had seen death right before his eyes. He had seen Katarina slaughtered people. He had seen her as the monster lusting death.
He doesn't want her to be taken over by that monster. Zync doesn't want his Cherie to be a monster. But she ran away from him yet he still believes she will come back for him.
"Cherie." Zync whispered as he closed his eyes and drifted away to a deep slumber.
**
Isang anino ang kanina pang nagmamasid sa kanya. As he was staring blank at the ceiling, the shadow was staring affectionately at Zync. Nakakubli ito sa likod ng kurtina ng pinto papuntang terasa.
Nakapatay ang ilaw at tanging liwanag lang ng mga bituin sa langit ang nagbibigay liwanag sa silid na pumapasok sa glass door ng terrace. Nang mapansin ang banayad na paghinga ni Zync ay unti-unting lumapit ang nagmamay-ari ng aninong iyon sa kanya.
Bahagya pa itong natigilan nang mapagmasdan siya nang malapitan. Tinitigan nito ang bawat parte ng mukha ni Zync na tila pinag-aaralan at sinasaulo ang bawat anggulo. Marahan itong umupo sa kama sa gilid ni Zync.
Nanatiling nakatitig ito sa mukha niya. Maya-maya pa ay itinaas nito ang kamay para abutin ang pisnge niya ngunit nasuspende ito sa ere. Tila natatakot sumagi ang mga daliri sa balat niya.
Subalit, biglang gumalaw si Zync kaya 'di sinasadyang dumapo ang kamay nito sa kanyang kanang pisnge. Nanigas ito at hindi agad nakagalaw sa pag-aakalang magigising siya. Nakahinga ito nang maluwag nang mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog.
Mas lalo pa ngang dinantay ni Zync ang kanyang pisnge sa palad nito. Napangiti ito saka marahang hinaplos ang kabuuan ng kanyang mukha. Ingat na ingat na para bang takot magasgasan ang makinis na balat niya. Una ay sa noo, sa mga kilay, sa mga nakapikit niyang mata, sa matangos na ilong hanggang sa mga labi ni Zync. Huli ay pinirme nito ang palad sa kanyang pisnge.
Yumuko ito para mas lalong makita ang mukha niya nang mas malapitan. Kumurba ang mga labi nito. Lumamlam ang mga mata at hindi napigilan ang luhang tumulo tungo sa pisnge ni Zync.
Biglang napamulat si Zync nang maramdaman iyon. Napasinghap siya sa kung ano ang nakita ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala at nanatiling nakatulala. Hindi niya napansing halos hindi na siya makahinga.
BINABASA MO ANG
BORROWED (S.E. Book Two)
ActionUNEDITED. ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! *** Started: October, 2016 Finished: October, 2017 Sino sa dalawa ang nanghiram? At sino sa dalawa ang hiniraman? Mababawi kaya ng isa ang kanya o babawiin ng...