Chapter 1

704 22 0
                                    

CHLOE

Pagdating ko sa university sinalubong ako agad ng mga kaibigan ko. Napailing na lang ako. Nag bar kasi kami kagabi at natalo ako sa pustahan namin kaya naman alam ko na kung bakit inaabangan ako ng mga ito.

"Good morning bitch!" Ngiting ngiti na bati nila sa akin.

Tawagan talaga namin ang bitch because we're all bitch.

"Wag niyo nang pahabain to. So? Ano ang ipagagawa niyo sa akin since natalo ako kagabi?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad papuntang classroom.

By the way. Im Chloe Savannah Sandoval. And yeah. Im a bitch!
3rd year college na kami taking up BSBA.

"Yun na nga eh. Wala pa kaming naisip." Sagot ni Mika.

Pagdating sa classroom namin ay tinignan kami lahat ng classmate namin. Well, i can't blame them im too beautiful para hindi nila ako mapansin.

"I think alam ko na kung ano ang ipagagawa namin sayo Chloe." Napatingin kami kay Rona ng magsalita siya. Nakangisi pa ang bruha.

"What is it? Sabihin mo na para matapos ko na." Walang gana kong tanong.

"See that nerdy boy?" Tinignan namin ang tinuturo ni Rona na lalaki na naglalakad sa labas ng classroom namin.

"What do you want me to do? Tapunan siya ng juice?"

"No." Nakangisi pa din si Rona and it's creeping me out!

"Make him fall in love with you and when he does dumped him."

"What the hell?!"

-------

Lunch break na at nandito kami sa cafeteria. Hindi para kumain kundi manmanan si nerdy boy. Tss. Napailing na lang ako at tinanong ko ulit ang sarili ko kung paano ako napapayag ng mga bitch na to.

"If you succeeded ill give you my two months allowance. 100,000 din yun girl." Sabi ni Ashley.

"Ill give you my condo na nasa Taguig." Sabi naman ni Rona.

"Ikaw na ang bahalang humiling ng kahit ano sa akin kapag nanalo ka." Nakangising sabi ni Mika.

See? Paano ko naman matatanggihan ang mga offer nila? Mayaman din naman ako pero syempre sayang din yun. Isa pa, easy lang naman ang gagawin ko. Masyado akong maganda para siya pa ang mag inarte at wag akong pansinin no. Imposibleng hindi siya magkagusto sa akin.

"Mukhang gwapo naman siya girl. Medyo hindi lang talaga nausuhan ng suklay at ang laki ng salamin!" Sabi ni Mika habang nakatingin kami kay nerdy boy.

Mag isa siyang kumakain sa table niya habang may nakalatag na libro sa harapan niya. Medium size lang naman ang katawan niya pero large size yata ng uniform ang inorder niya. Seriously?

Ang laki ng salamin niya. Hindi ba niya alam na may maliit na size naman? For sure mayaman din naman siya dahil nakapasok siya dito sa Northville University na isang private school. Maliban na lang kung scholar siya?

"Go na girl. Lapitan mo na siya." Utos ni Rona kaya naman hindi ko napigilang irapan siya.

"Fine! Basta yung mga promise niyo sa akin ha. Once na sinabi niyang gusto na niya ako titigil na ako." Huling sabi ko sa kanila bago tumayo papunta kay nerd. Bitbit ko din ang isang tray ng pagkain ko.

Inayos ko muna ang uniform ko. Hinila ko din pababa ang palda ko dahil baka masilaw siya masyado sa legs ko. Sinuklay ko din ng daliri ko ang buhok kong hanggang bewang ko na.

This is it! Huminga ako ng malalim.

"Hi. Hmm. Wala na kasing table eh. Mind if i share with you?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang mala anghel kong boses. Argh.

"H-hmm." Mukha siyang kinabahan at natatarantang tinanggal ang mga gamit niya sa table.

Na starstruck yata sa akin ang lolo niyo.

Umupo na ako kahit hindi pa niya sinasabi na pwede akong makishare sa kanya. Masyado akong maganda para maghintay ng matagal.

"So? Bakit mag isa ka? You don't have friends?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya pero ang loko nakayuko sa akin.

Naiilang na tumango siya. Ang boring niya kasama ha.

"By the way. Ako nga pala si Chloe. And you are?" Hanggang kailan kaya ako magbabait baitan sa isang ito?

"M-matthew." Nauutal niyang sagot. Natawa ako ng mahina kaya napatingin siya sa akin. "B-bakit?" He's cute din naman pala. May itsura nga siya but still not my type.

"Nothing. Wag ka ngang mautal dyan." Yumuko lang ulit siya at kumain na ulit.

Wow ha! Is he not interested with me? Hiyang hiya naman ako sa kanya! Argh!

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now