Chapter 8

221 18 4
                                    

CHLOE

Napataas ang kilay ko nang makita kong may kausap na ibang babae si Matthew. At sino naman ang isang ito? Hindi ba niya alam na boyfriend ko ang hinaharot niya?

Taas noo akong naglakad palapit sa kanila. Lalong tumaas ang kilay ko nang makita kong pinalo nung babae ang braso ni Matthew.

"Hi hon." Nakangiting bati ko kay Matthew at hinalikan siya sa lips. Not minding the girl in front of us.

"Oh. Nandito na pala ang girlfriend mo. Mamaya na lang ulit." Paalam nung babae at nagmadali nang umalis.

"Who is she?" Taas kilay kong tanong kay Matthew.

"That's Sofia. Kapartner ko sa report." Sagot niya at hinila ang kamay ko para umupo sa tabi niya. "Ang taas na naman ng kilay mo." Natatawang sabi niya.

"Sabihin mo sa kanya na wag kang mahampas hampas sa braso. Ako ang hahampas sa kanya." Masungit kong sabi.

"Wag ka nang magselos." Paglalambing niya. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko." At dahil doon ay napangiti na ako.

"Aba dapat lang. Sa ganda ko ba namang ito." Pagmamalaki ko.

Tinawanan niya lang ako kaya naman inirapan ko na lang siya. Pagkatapos ng lunch break ay sabay din kaming bumalik sa mga room namin. Pagpasok ko sa classroom ay tinaasan ko agad ng kilay ang mga kaibigan ko ng makitang ang sama ng tingin nila sa akin.

"What's with the stare?" Tanong ko ng makaupo sa upuan ko.

"We miss you bitch! Lagi na lang si Matthew ang kasama mo." Nagtatampong sabi ni Rona.

"Cut the drama please." Saway ko sa kanila.

"Bar tayo later?" Tanong ni Mika.

"Oo nga!" Pagpayag ni Ashley.

"I'll ask Matthew kung pwede."

Hindi ko pinansin ang mga reklmo nila at kinuha ko ang aking cellphone sa bag para itext ang boyfriend ko.

To: Honey 💚
Hi hon! Can i join my friends in club later? You know girls night out.

From: Honey 💚
Sure. Have fun hon. Pero ihahatid muna kita mamaya okay?

Hindi ko alam pero napasimangot ako ng pumayag siya agad. Dapat magsaya pa ako pero bakit mas gusto ko kung hindi siya papayag? Napailing iling na lang ako.

To: Honey 💚
Sure iloveyou.

From: Honey 💚
Iloveyoutoo. Nandito na prof namin. See u later.

Hindi na ako nagreply at binalik na lang sa bulsa ng palda ko ang aking cellphone.

"Anong sabi ng dyowa mo?" Tanong nila.

"Let's party later." Sagot ko.

Tuwang tuwa naman sila dahil hindi daw strict si Matthew. Ang galing ko daw pumili ng boyfriend. Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ayaw mo ba talagang sumama?" Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na itong tinanong kay Matthew.

"Hindi pwede hon. Kailangan kong pumasok mamaya. Maybe next time I'll hang out with you and your friends." Sagot niya at hinalikan ang kaliwang kamay ko na hawak niya habang nagddrive.

May nakuha kasi siyang part time job sa isang fast food. Sabi ko nga hindi na niya kailangan because i can help him naman financially pero tumanggi siya. Nakakababa daw sa pagkalalaki niya. Isa pa hindi niya naman daw ako dyinowa para lang may sumuporta sa kanya financially.

"Okay fine." Pagsuko ko.

"Text me if you're home okay?" Paalala niya. Nandito na kami sa unit ko.

"Of course." Nakangiting sagot ko.

"Alis na ako. Ingat kayo." Paalam niya at hinalikan ako sa aking noo.

"Ingat ka din. I love you hon." Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

"I love you too." Nakangiting sabi niya.

------------

"Girl stop looking on your phone nga!" Saway ni Rona sa akin.

"Oo nga naman Chloe. Nasa duty pa yung tao. Chill ka lang." Sabat ni Ashley.

"And seriously? Pineapple juice? Really?" Hesterical na tanong ni Mika.

Tinignan ko ang iniinom kong pineapple juice. What's wrong with my drink?

"I don't want to drink okay? Tsaka ayaw niyo ba nun? May maghahatid sa inyo mamaya?"

Tinawanan lang nila ako na para bang nababaliw na ako. Napailing na lang ako at tinext si Matthew na uuwi na din ako. Hindi rin naman nagtagal ay nag aya na silang umuwi dahil may pasok pa bukas.

Pagdating ko sa unit ay agad akong naligo para makatulog na. Tinignan ko ang aking cellphone pero wala pa ding text si Matthew. Napasimangot tuloy ako. Ganun ba siya kabusy? Sa sobrang asar ko sa kanya ay hindi ko din siya tinext. Bahala siya dyan.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Napabalikwas agad ako ng bangon. Madilim sa paligid kaya mas lalo akong kinabahan.

"S-sino ka?"

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now