Chapter 4

288 15 0
                                    

CHLOE

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Like seriously? Bakit ako naaapektuhan ng ganito? I am Chloe Savannah Sandoval for pete's sake! Im a bitch! Bully ako sa mga panget na nakikita ko dahil naaalibadbaran ako sa mga pagmumukha nila..

But all things changed when I met him. When I met that nerdy boy.

Two weeks. Two weeks na ang lumipas pero wala pa din siyang paramdam sa akin. Ni text wala. I know i have my limitations. Hindi naman kami para mag inarte ako ng ganito dahil lang hindi siya nagtetext but i just can't help myself.

You should stop this bullshit Chloe. It's not good for you.

"Chloe are you okay?" Tanong sa akin ni Rona. Nandito kami ngayon sa Starbucks. Sunday ngayon kaya naman nagbonding kami.

I just nodded for an answer. Wala din ako sa mood. Supposedly, ngayon na dapat ang balik ni Matthew pero.. Ah ewan! Bahala nga siya.

"Guys, i want to tell you something." Sabi ko at tinignan isa isa ang mga kaibigan ko. Bumuntong hininga ako bago magpatuloy. "I want to end our dare. Wag na nating pagpustahan si Matthew. Ayaw ko na siyang pagpustahan. I realized na mali eh. I'm sorry." Sabi ko at yumuko.

Hindi sila nag react kaya naman tinignan ko ulit sila. Nakatingin lang sila sa akin na pare parehong nanlalaki ang mga mata. Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses niya sa likod ko.

"So, it's just a dare." Malamig ang boses niya kaya naman natatakot akong tignan siya. "A f*cking dare." Dinig ko pang bulong niya.

Paglingon ko sa kanya ay nakatalikod na siya sa akin at naglalakad paalis kaya naman tumayo ako at sinundan siya.

"Matthew wait!" Sigaw ko. Wala na akong paki kung pagtinginan ako ng mga tao dito.

Nang mahabol ko siya ay agad ko siyang hinawakan sa braso niya kaya naman napaharap siya sa akin.

"I can explain." Depensa ko.

"I don't need your explanation. Sapat na yung narinig ko." Blanko lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Naiiyak na ako.

"No! You should hear my side!"

"I do! I do Chloe!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. "I heard your side. Pinagpustahan niyo ako ng mga kaibigan mo. Pero sino ba ang niloko ko? Ang tanga ko kasi naniwala ako na gusto mo akong maging kaibigan. Sino nga ba ako? Isa lang naman akong hamak na nerd na scholar. Walang wala ako kumpara sa inyo. Sayo. I thought you're not like them. Akala ko totoo ka sa akin but i was wrong."

"No Matt. Please." I don't care if I sound so desperate. I can't lose a friend like him. "Inaamin ko sa umpisa it was all dare pero nung nakilala at nakasama kita I treat you as a friend." Naiiyak kong paliwanag.

"Hindi mo na ako maloloko. I cherished every moments with you Chloe. Pero ngayon? Gusto ko na lang mabura lahat iyon sa alaala ko." Huling sabi niya bago umalis.

Wala na siya. Tuluyan na niya akong iniwan.


-------------

Isang buwan na ang lumipas nang malaman ni Matthew ang plano namin. Aminado naman akong pumayag talaga ako sa umpisa pero ngayon?

I really miss him.

"Sorry bitch." Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Okay lang." Sabi ko bago ngumiti.

"We didn't know na gusto mo na talaga siyang maging kaibigan." Malungkot na sabi ni Rona.

"We miss you bitch! Yung totoong ngiti mo. Yung mga trippings natin na kasama ka." Sabi naman ni Mika.

"Sige. Bar tayo mamaya." Sabi ko dahilan para tumili silang tatlo.

Maybe I can move on. Hindi dapat ako maging ganito, after all it's not me. I'm Chloe Savannah.

Kinagabihan ay nagkita kita kaming magkakaibigan sa bar na paborito naming puntahan.

"Bitch! What took you so long? Akala namin hindi ka na sisipot." Bungad sa akin ni Ashley.

"Kailan ba ako nawala kapag ako ang nag aya?" Sabi ko at umupo na.

Wow. Naka order na sila agad ng drinks at foods.

Lumakas lalo ang hiyawan. Ang mga babaeng nagsasayaw sa gitna. Ang mga lalaking nanghihipo na. Tss. Napailing na lang ako.

"So let's play a game." Masayang sabi ni Rona.

"Game ako dyan." Excited na sabi ni Mika.

"Ako din! Ako din!" Wild talaga nito ni Ashley.

Sabay sabay silang tumingin sa akin na para bang tinatanong kung game ako.

"Go on." Simpleng sagot ko.

"Si Mika ang una. Hmm. Kiss that guy!" Tinuro ni Rona ang lalaking tingin ko ay foreigner na mag isang umiinom sa gilid.

Ngumiti nang nakakaloko si Mika bago tumayo at ayun hinalikan ang lalaki.

"Infairness, kissable siya." Sabi ni Mika ng makabalik siya sa amin.

"Ikaw naman Ashley! Give that guy a drink and bite him in the neck."

Tawa kami ng tawa kasi may girlfriend pa lang kasama yung lalaki. Tinarayan lang ni Ashley yung babae tapos iniwan na yung boyfriend niya. Poor girl.

"Pwede bang ako ang pumili nang bibiktimahin ko ngayon?" Gulat silang napatingin sa akin.

"Sure bitch! Go on!"

Tumayo na ako at nilapitan siya. Kanina ko pa siya nakita at kanina pa din siya nakatingin sa akin.

"I never thought I'll see you in this kind of place." Bungad ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

"May hinihintay ako." Bored na sabi niya.

Ngumiti ako ng matamis bago ko haplusin ang pisngi niya.

"I know. You're waiting for me." I used my seductive voice.

Napangiti ako lalo nang makita kong natense siya bigla.

Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin. Tinitigan ko siya bago ko tanggalin ang salamin niya.

I stared at his lips.

Then kissed him.

"I miss you Matt." Bulong ko sa kanya nang humiwalay ako sa kanya.

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now