Chapter 6

282 13 3
                                    

CHLOE

Napakunot noo ako ng biglang humarang si Harvey sa dadaanan ko. Ano na namang problema nito?

"Bakit?" Mataray na tanong ko.

"May party sa bahay mamaya. Punta kayo ng mga kaibigan mo." Nakangiting sabi niya.

"Really? Deal ako dyan!" Excited na sabi ni Rona.

"Game din kami!" Sabay na sabi nila Ashley at Mika.

"Sorry, hindi ako pwede mamaya." Bored na sagot ko.

"Why? Wala naman tayong assignment at projects ah. As far as I know, hindi din naman strict ang parents mo at wala ka ding curfew dahil sa unit mo ikaw umuuwi." Kunot noong sabi sa akin ni Harvey.

"I didn't know na stalker na pala kita ngayon." Nakangising sabi ko. "May importante akong gagawin mamaya. Kayo na lang."

Umalis na ako at pumunta sa room ng section 1. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante pagkasilip ko sa bintana. Tss. Nakakita na naman sila ng maganda.

Napangiti ako ng makita ko si Matthew na nakaupo lang at nagbabasa ng libro. Inutusan ko ang isang lalaki niyang classmate para palabasin siya.

"Anong kailangan mo?" Tanong sa akin ni Matthew pagkalabas niya.

"Lunch break na ah. Hindi ka pa ba nagugutom? Sabay tayo kumain." Nakangiting alok ko sa kanya.

"Im sorry pero busog pa ako." Aalis na sana siya pero pinigilan ko agad siya.

"Please Matt. Kahit ngayon lang. I promise it will be the last."

Masaya ako na pumayag siyang sabayan ako kumain. Ako na sana mag oorder ng pagkain namin pero pinigilan niya ako. Ang panget daw kasing tignan kung ako ang manlilibre sa amin.

Nakangiti ako habang nakatingin kay Matthew na nakapila para umorder ng foods namin.

Don't worry Matt. Last na ito.

Kumain kami agad at kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga nangyari dati. Kung saan nagsimula yung deal namin nila Rona. I explained my side to him para kahit bago man lang ako umalis alam kong naipaliwanag ko lahat.

Sinabihan ko siya na hintayin ako sa labas ng room namin since mas maaga ang dismissal nila. Gusto ko siyang makasama muna mamaya. Thanks God at pumayag naman siya kahit alam kong napipilitan lang siya.

--------------

"Siguraduhin mong last na ito ha. Hindi na ako magpapauto ulit sayo." Bugnot na sabi niya habang nandito kami sa mall at namamasyal.

Nanood kami ng movie. Kumain sa MCDO dahil favorite niya daw doon. Naglaro sa quantum. I enjoyed this day.

Salamat sa kanya na kahit halata mong napipilitan, ngumingiti pa din sa harap ko.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay niya. Syempre dahil ako ang may kotse ako ang naghatid sa kanya. Napabuntong hininga ako bago siya tignan.

"Ingat." Sabi niya at bababa na sana pero hinawakan ko siya sa braso. "Ano na naman ba Chloe? Pwede ba? Im tired." Masungit na sabi niya sa akin.

"Im leaving." Sabi ko at binitawan na siya. "My parents want me to go to Paris para doon ipagpatuloy ang pag aaral ko."

"And so? Anong gusto mo? Ihatid kita sa airport?" Tanong niya pero sa labas nakatingin.

"No. I just want us to be okay. Gusto kong magkaayos muna tayo bago ako umalis."

"Bakit? Kailan ba alis mo?"

"Next week. Tatapusin ko lang ang final exams natin bago ako umalis."

"Okay. I mean, okay na tayo ngayon but don't expect that we will be friends again." Huling sabi niya bago umalis.

------------

"Bitch! Sure ka na ba dyan? Aalis ka na talaga?" Naiiyak na tanong sa akin nila Rona.

Silang tatlo ang naghatid sa akin dito sa airport. Nginitian ko sila at isa isang niyakap. Bakasyon na ngayon at dahil excited na ang parents ko na makita ang magandang anak nila ay ngayon na ang alis ko papuntang Paris.

"Mamimiss ko kayo mga bitch! Usap usap na lang sa skype." Nakangiting sabi ko.

Tumingin muna ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko siya pero wala.

"I'll go ahead. Salamat sa paghatid." Nagyakapan ulit kami bago ako tuluyang naglakad palayo.

Ibibigay ko na sana sa personnel ang passport ko ng may humila sa braso ko. Gulat akong napatingin sa kanya.

"M-matthew?" Gulat kong tanong. Hinihingal siya at tumatagaktak ang pawis. Napangiti ako. "Akala ko hindi ka na magpapaalam sa akin. Mabuti nakahabol ka."

Nakatingin lang siya sa akin kaya napakunot noo ako.

"Paalis na ako. Hindi ka man lang ba magsasalita?" Nagtatampong tanong ko.

Tatalikod na sana ako sa kanya pero nagulat ako sa ginawa niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

He's kissing me! Matthew is kissing me!!

Nakapikit siya habang hinahalikan pa din ako.

"Don't go." Bulong niya sa akin nang humiwalay siya. "Please don't go. Don't leave me here. Wag mo akong iwan mag isa Chloe."

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now