Chapter 5

269 15 1
                                    

CHLOE

Paggising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Napatingin ako kung nasaan ako. Napabangon ako ng marealize kong hindi ko ito kwarto. Wala din ako sa bahay ng mga kaibigan ko.

Where the hell I am??

Tinignan ko ang sarili ko. I sighed in relief nang makitang ito pa din ang suot ko kagabi. Hindi din masakit ang katawan ko so wala naman sigurong nawala sa akin.

Tatayo na sana ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto.

Ilang beses akong pumikit pikit dahil pakiramdam ko nagdedeliryo na ako sa nakikita ko ngayon.

"You're not dreaming. I'm real." Sabi niya bago iabot sa akin ang isang basong kape. "Inumin mo yan para mawala ang hang over mo."

"Why am I here? Dito ba ang bahay mo?" Tanong ko sa kanya.

"After what you did last night." He cleared his throat and look away. "You passed out. Binalik kita sa mga kaibigan mo pero lasing na din sila at may kasama nang mga lalaki so i decided to bring you here in my apartment."

Pakiramdam ko biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Shit! So it's real? I kissed him!? I thought it's just a dream.

"S-sorry." Nahihiyang sabi ko.

Seriously Chloe?? What is it this time?

"Mag ayos ka na tapos lumabas ka na. I'll prepare breakfast."

Tahimik lang kaming kumakain. Ang liit lang ng apartment niya. Para sa kanya lang talaga.

Ang awkward tuloy.

Pero masarap ang niluto niyang omelette at garlic fried rice.

Buti na lang walang pasok ngayon dahil may team building ang mga professor namin. Can i ask him kung pwedeng dito muna ako? For sure tatanggi yan.
Napatingin ako sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Sana umulan para may dahilan akong mag stay pa dito.

------------

Nakangiti ako habang nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung ano ang magandang ginawa ko sa nakaraang buhay ko at pinagpala ako ngayon.

Yeah. Bumabagyo na ngayon! Hahahahaha.

"Sa lahat ng stranded ikaw lang ang masaya." Napalingon ako kay Matthew nang magsalita siya.

Nginitian ko siya ng matamis pero sinungitan lang ako.

Pabebe na naman ang lolo niyo. Tinabihan ko siya sa upuan. At ang loko lumayo ba naman!

"Matt, sorry na oh." My god! Feeling ko mag dyowa kami tapos nilalambing ko siya. "Hindi mo na ba ako mapapatawad?" Malungkot na tanong ko.

"Look Chloe. Just forget about it. Kapag wala ng ulan, go home. Forget about me and I'll forget you too. Kalimutan natin na nakilala natin ang isa't isa." Blanko lang ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko mapigilan na hindi masaktan. Sobra ba talaga yung nagawa ko sa kanya para hindi niya ako mapatawad?

Tinignan niya ako ulit bago tumayo at pumunta sa kwarto niya.

Pinunasan ko ang luha kong nagbabadya ng tumulo. Napatingin ako sa bintana. It's still raining pero hindi ko na kayang manatili pa dito kaya lumabas na ako kahit sobrang lakas pa ng ulan.

I just want to go home.

Yakap yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig at syempre basang basa na din ako.

Nakakita ako ng isang waiting shed kaya naman nag stay muna ako doon. Hindi ako makasakay ng taxi dahil naiwan ko ang gamit ko sa kwarto ni Matthew.

Umiiyak pa din ako pero dahil sa ulan ay hindi mo na makikita pa.

Nagulat ako ng may makita akong payong sa harapan ko. Pagtingin ko ay mas nagulat ako dahil nandito si Matthew.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Ikaw? Bakit nandito ka? Ang sabi ko umuwi ka kapag wala ng ulan."

"I'm okay. You can leave me here." Sabi ko kahit deep inside ay masaya akong nandito siya.

At least he still cares for me.

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now