Chapter 3

301 19 0
                                    

CHLOE

Masaya akong nagising kinaumagahan. Ewan ko ba para kasing malapit ko ng ma accomplished ang deal namin nila Rona. Nagiging malapit na din kami ni nerd.

Kagabi pa nga hinatid niya ako sa bahay. Sa wakas! After 2 weeks nakikita ko na ang progress sa paghihirap ko.

Kaso nga lang..

Habang tumatagal parang gusto ko na din siyang maging kaibigan. I mean, mabait siya. Masyado din siyang maalaga. Madalas niya akong paalalahanan na kumain sa tamang oras, wag magpagod at maglagay ng bimpo sa likod kapag mainit para daw hindi ako matuyuan ng pawis.

And i find it sweet.

Pagpasok ko sa building namin ay siya agad ang nakita ko. As usual nakatayo siya sa gilid ng pintuan ng room namin at hinihintay ako.

"Good morning Matt!" Gulat ko sa kanya kaya natawa ako ng makita ko ang gulat niyang mukha.

"Lagi ka na lang nanggugulat." Sabi niya sa akin habang inaayos ang salamin niya. Nakangiti siya at ang cute niya.

"Ano naman ang meron ngayon? Why are you waiting for me?" Tanong ko sa kanya.

Pansin ko ang tingin sa amin ng mga estudyanteng dumadaan pero hindi ko na lang pinansin.

"Hindi kasi ako papasok ng dalawang linggo."

Ewan ko pero imbes na matuwa ako dahil hindi ko kailangang magbait baitan sa kanya ng dalawang linggo ay nalungkot ako.

"Bakit?" Bakas ang lungkot sa boses ko.

"May pinapaayos kasi si mama sa probinsya." Nakatitig siya sa akin habang nagsasalita. I will surely miss those eyes. "Nagpaalam na ako sa dean at okay na. Pinaalam ko lang sayo ng personal. Ikaw lang ang kaibigan ko dito kaya baka gusto mong malaman." Nahihiyang sabi niya at nagkamot ng batok.

"Of course gusto kong malaman!" Nakakainis siya. Ewan ko kung bakit. "Saan ka ba pupunta? Itext mo ako lagi ha. Nakakainis. Dalawang linggo kitang hindi makikita?" Maktol ko.

Napangiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Mamimiss kita Chloe." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko. Kadalasan kasi ineng ang tawag niya sa akin. Yun daw tawag niya sa mga kapatid niya.

At nakakainis kasi tinuturing niya akong kapatid!

Ugh!

Malala na to.

Mukhang ako pa ang matatalo.

Nagugustuhan ko na ba siya?

-------

"What's with the face bitch? Enjoy!" Sigaw sa akin ni Ashley.

"Don't tell me you already miss the nerdy boy?" Natatawang sabi ni Rona. Napailing na lang si Mika.

Nandito kami ngayon sa bar. Kahapon lang umalis si Matthew at nakakaasar mang aminin pero namimiss ko na yata agad ang lolo niyo.

"Of course not! Why would I miss him? May iniisip lang akong iba." Sagot ko at ininom ang milkshake sa harap ko. Wala ako sa mood uminom ng alak ngayon.

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa table namin ng magvibrate ito. May nagtext.

From: Nerdy Matt

Hi Ineng! Kamusta?

What the hell?! Nangangamusta lang siya pero bakit gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa wakas ay nagtext siya. At tinawag na naman niya akong ineng! Oh my god! Malala na to.

To: Nerdy Matt

Hey! Im okay. Ikaw?

Lumipas na ang 20 minutes pero hindi pa din siya nagrereply. Ganun ba siya ka busy?

At bakit ba hinihintay ko ang reply niya? Ugh!

Nagulat ako ng mag vibrate ulit ang phone ko. Tiningnan ko at siya nga ang nagtext.

From: Nerdy Matt

Im fine. Sorry mejo busy. Maya na lang ulit.

See? Naghintay ako para lang sa "mamaya na lang ulit?" Really? Really Chloe? What's happening to you?

Disappointed kong binalik sa mesa ang cellphone ko. Ininom ko ang milkshake ko at nag order pa ulit sa waiter na dumaan.

"Anong nangyari bitch? Sino yung nagtext?" Tanong ni Rona pero umiling lang ako.

Maya maya ay nag aya na yung tatlo na pumunta naman kami sa dance floor. Sinabi ko na lang na susunod ako pero ang totoo ay nawalan na ako ng gana.

Ako ba ang mahuhulog?

Do I like him na ba?

Hindi ba dapat siya ang magkagusto sa akin? Bakit ganito?

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now