Chapter 10

24 0 0
                                    

CHLOE

Pag alis ni Matthew ay naglinis ako agad ng unit. Pina pick up ko din ang mga laundry ko. Pagkatapos noon ay naligo ako at gumawa na ng graham cake.

"Hi Dad!" Bati ko ng sagutin ni Daddy ang tawag ko.

"Hi Princess. How are you?"

"I'm super fine Dad." Masayang sagot ko.

"You sound so happy anak. What happened?" Nagtatakang tanong ni Daddy.

Natawa ako.

"Dad, I have a favor."

"I knew it. What is it anak?"

"Can Matthew stay here in my condo?" Hindi nagsalita si Daddy kaya nagpatuloy ako. "I mean, I want to help him. Working student siya ngayon. Gusto kong makatulong sa kaniya. Kung dito siya titira ay hindi na niya poproblemahin ang upa at malaking bagay iyon. I'll be a good girl Dad. I promise. Matthew respects me so much so you don't have to worry."

Saglit na natahimik si Daddy. Napakagat ako sa aking labi. Papayag kaya siya? Bigla akong kinabahan. Hindi kaya nag iba ang tingin ni Daddy sa kaniya?

"So you're saying mag lilive in kayo?" seryosong tanong ni Dad.

"Parang ganoon na nga? But of course hindi kami you know. Hindi namin gagawin iyon." Pangungumbinsi ko.

Napabuntong hininga si Daddy sa kabilang linya.

"Okay. I'll trust you and Matthew anak. Alam mo na ang tama at mali."

"Yes! Thank you Daddy! I love you!" Masayang sabi ko.

"I love you too anak."

Nang mailagay ko na sa ref ang ginawa kong graham cake ay umalis na ako. Masaya akong nagdrive papunta sa apartment ni Matthew.

Kukunin ko na ang gamit niya. Mabuti na lang at binigyan niya ako ng duplicate key.

Inayos ko ang mga damit niya sa maleta. Nanghingi din ako ng karton sa land lady at doon ko inilagay ang ilang mga gamit ni Matthew.

"Salamat po!" Sabi ko sa land lady at sa anak niyang lalaki pagkatapos nila akong tulungan sa paglalagay ng mga ilang gamit ni Matt sa kotse.

Napalingon ako sa inarkila kong mini truck kung saan nakalagay ang mga malalaki at mabibigat na gamit.

"Walang anuman hija. Hindi man lang sinabi ni Matthew na aalis na siya." Nilingon ko ulit ang land lady.

"Hindi niya din po alam. Surprise ko sa kaniya." Nakangiting sabi ko.

Nang makarating ako sa unit ay nagpatulong ako sa guard at yung driver ng truck na maiakyat yung mga gamit ni Matt. Pinadiretso ko ang cabinet at mga damit niya sa isa pang kwarto at naiwan sa sala ang ibang gamit niya.

Nagbigay ako ng tip sa guard at doon sa driver. Kumain muna ako bago inayos ang mga gamit ng mahal ko. Paniguradong magugulat iyon mamaya. I can imagine his face and reaction later.

Sa sobrang pagod ko sa pag aayos ng magiging kwarto ni Matthew ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kama niya. Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng gutom. Pagtingin ko sa orasan ay eight o'clock na pala ng gabi. Humihikab akong lumabas sa kwarto ni Matthew at dumiretso sa kusina para magluto. Paniguradong gutom siya mamaya pag uwi.

Nang matapos ako sa pagluluto ay gusto ko sana siyang hintayin kaso nagugutom na talaga ako. Isa pa, mamayang eleven pa ang uwi niya.

Inubos ko ang oras ko sa panonood ng movie sa laptop ko. Gusto ko kasi siyang hintayin hanggang sa makauwi siya. Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ay agad akong napatayo.

"Hi honey!" masayang bati ko sa kaniya.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Pawis ako hon." natatawang sabi niya.

"It's okay. You still smell good." nakangiting sabi ko bago siya hinalikan sa pisngi. "By the way! I have a surprise for you!"

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila papunta sa magiging kwarto niya.

"Charan! Dito ka na titira!" masayang sabi ko.

"Napag usapan na natin ito di ba?"

"It's okay. I already talked to Dad. Okay lang naman sa kaniya. He already agreed." pangungumbinsi ko pa.

"Pero.." pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Please, nandito na lahat ang gamit mo. Wala ka ng babalikan sa apartment mo."

Tinignan niya ang buong kwarto bago inilipat sa akin ang tingin.

"Bakit ba ang kulit mo?" naiiling na tanong niya pero nakita ko ang kaniyang pagngiti kaya natawa na lang ako.

"Kaya mo nga ako nagustuhan di ba?" tanong ko at kinindatan pa siya. "Magbihis ka muna. Iinitin ko lang yung niluto ko kanina. Hihintayin kita sa kusina."

Paalis na sana ako pero natigilan ng hawakan niya ang aking kamay. Napangiti ako ng niyakap niya ako.

"Thank you. Thank you for helping me. Ako itong lalaki pero ako ang nakakabigat sayo." humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Babawi ako sayo. Sa susunod, ako naman ang makakatulong sayo."

"Hon, it's okay. I love you that's why I'm doing this. Hindi ako magsasawang tulungan ka. Pwede mo akong asahan. Magtutulungan tayong dalawa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerdy BoyWhere stories live. Discover now