Jeanine's POV
Tahimik...
Ang tahimik ng classroom.
Nakakapanibago.
Paano kasi nasanay ako sa dati kong school na maingay ang buong classroom.
Hays... sabagay di pa namin kilala ang isa't isa kaya tahimik.
Hays... di ko namalayan...
Uwian na pala.
"Jeanine..." may nagsalita.
Paglingon ko si Eym pala.
"Tara! Sabay na tayo bumaba."
"Sige sige."-sabi ko
Tapos lumabas na kami ng classroom.
Nakakapanibago kasi 4th floor ang classroom namin. Madali lang bumaba pero nakakahingal umakyat. Hays.
Siguro nga ganito ang buhay dito sa school na ito.
By the way ang pangalan nga pala ng school na ito ay North Science School.
NSS for short.
Nang makababa na kami ng classroom dumiretso muna kami sa canteen dahil sabi ni Eym gutom daw siya. Hahaha.
Pagtapos bumili ni eym ng sandwich, umalis na kami at umexit sa gate ng school.
Nakita namin ang ibang mga kaklase na bumibili ng street foods paglabas ng gate.
Ang dami palang binabentang streetfoods dito sa labas ng school.
Tapos yung iba naman nandun sa parang madamong ground malapit sa sports center.
"Jeanine!!!" Sigaw nung isa kong kaklase na nakita ako na nakatingin sa kanya.
Si Marco
Siya yung nag introduce kanina na nagtawanan kaming lahat kasi paano ba naman sabi niya...
(FLASHBACK KANINA)
"Next"-sabi ni maam
May pumunta sa harapan na maputi at matangkad na lalake. Payat lang ito at mukhang matino. Mapimples ang mukha at maganda ang postura.
"Hi.... I'm Marco." Sabay taas ng kamay niya in a tinatamad manner.
"Pfffttt... HAHAHAHAHAHAHA!"
Tawa ng tawa ang mga kaklase ko kaya nakitawa nalang din ako.
"Class Quiet."-sabi ni maam.
Tawa parin kami ng tawa. Hahaha.
"Marco maupo ka na."-sabi ni maam.
*thumbs up* sabay upo ang ginawa ni Marco.
Tawa ulit kami ng tawa nun.
Hays... hahaha.
(END OF FLASHBACK)
"Hello din Marco!"-bati ko rin sa kanya.
Tapos nakita ko yung lalaking gusto ko pang makilala ng husto.
Si Wilhelm.
"Hi guys!" Bati niya samin habang natakbo papalapit samin.
"Ang ganda pala dito sa field!" Sabi ni Wilhelm.
"Puwede ba tayo dito?" Tanong ko. Hindi kasi ko sanay na napunta sa kung saan saang lugar lalo na kung di ako ganun ka pamilyar sa lugar.
"Uhm... ewan."-sabi ni Marco.
BINABASA MO ANG
The 8 Year Promise
JugendliteraturJeanine Olivia Mirasol left her former school and her old life . At lumipat sya sa North Scientific School ,doon ay may nakakilala sya ng mga bagong kaibigan at isang taong nagpabago nang ikot ng mundo nya . At nung naging magMU sila ay nangako sila...