Wilhelm's POV
Hays... so I guess this is it. Aamin na ako. Aamin na ba talaga ako? Ang gulo. Pa urong sulong ako. Haynako... bahala na nga.
Palabas na ako ng gate ng campus ng may biglang tumawag sakin mula sa likuran ko.
"Wilhelm!"
Pagkalingon ko sa likod ay may nakita akong mataba, tama lang ang height, may pagkasingkit ang mata at naka under cut ang gupit ng buhok.
Si Myke.
Tumatakbo siya papunta sa akin.
Nang makarating na siya kung san ako naroroon ay hingala na hingal at nagtatagaktak ang pawis nito.
"Oh myke, ikaw pala yan. Bakit?"-sabi ko kay myke na hinihingal parin sa pagod sa pagtakbo.
"Ha... ha... ano... kase... hays..."-sabi niya ng paputol putol dahil sa sobrang hingal niya.
"Ha?"
"Naiwan mo... Pencil case... sa taas. Pencil case mo... naiwan mo. Heto oh."-sabi niya sakin sabay abot ng aking grey na pencil case habang hinihingal parin.
"Ayy salamat myke. Puwede mo namang iwan nalang dun sa taas para di ka mapagod tumakbo eh. Salamat ah!"-sabi ko kay myke na napaupo sa sidewalk sa sobrang pagod.
"Hindi. Baka... may... magnakaw eh. Sayang lang."-sabi sakin ni myke na hingal na hingal parin.
"Tinakbo mo pa talaga mula fourth floor hanggang dito para lang sa pencil case ko, myke?"-tanong ko sa kanya.
"Oo."-yan lang sabi niya.
"Bakit naman? Pencil case lang toh ah?"-tanong ko kay myke.
"Eh kawawa naman ang pencil case mo. Pati ba naman pencil case iniiwan. Nako nako nako. De joke lang. Hahaha."-sabi niya sakin.
"Memahugot ka lang eh noh? Pati pencil case pinaghuhugutan? Hahaha!"-sabi ko sa kanya at nagtawanan kami.
"Ayy kailangan ko na umuwi. 5:30 na pala. Sorry but I got to go. Bye wilhelm!"-pagpapaalam ni myke.
"Sige bye. See you bukas!!!"-sabi ko naman sakanya.
Nagthumbs up siya at naglakad na sa terminal ng tricycle. So commute pala siya?
So okay balik uli tayo sa main event. Hahaha. Event talaga eh noh? Well, for me its a big deal though. So I call it that way.
By the way pupunta na nga ako sa field. Baka di pa matuloy ang event dahil ako nalang siguro ang hinihintay. Pa-VIP ba ako? Hahaha.
Well ng makarating na ako sa field...
"Huy Wilhelm. Baliw ka ba? Bakit ngayon kalang?"-julie.
Anong kinalaman ng baliw ako sa ngayon lang ako? Baka siya ang baliw.
"Ahh may nakalimutan kasi ako. Kinuha ko na muna sa taas."-pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Tss... kanina ka pa hinahanap ni Jeanine."-sabi niya sakin.
Bakit naman ako hahanapin ni Jeanine? Ako? Hahanapin? At si Jeanine pa maghahanap? Imposible.
"Hala siya... bakit daw?"-tanong ko kay julie na may halong pagtataka.
"Wag mong sabihin... na..."-sabi niya.
"Na?"
"Tss... nakakalimot ka. May usapan tayo kanina ah?"-sabi niya sakin.
"Tss... okay. Ang tanong ko kasi kung bakit niya ako hinahanap hindi yung pinagusapan natin kanina!"sabi ko kay julie.
"Realtalk ang gulo mo julie."-dagdag ko pang sabi.
"Sorry na. Nireremind lang naman kita eh. Baka kasi makalimutan mo. Nakipagdeal ka pa kasi. A deal is a deal."-sabi niya sabay taas noo. Mukhang nagyayabang.
"I know. Alam ko yun julie. Kaya inposibleng makalimutan ko yun noh? Hindi ako bobo. De joke lang peace tayo julie."-sabi ko sa kanya at tumawa.
"Hahaha... umamin ka na nga. Bilis! Uuwi na ako maya maya eh. Gusto ko kayo maabutan at kung ano ang magiging reaksyon niya."-pagpapaliwanag sakin ni Julie.
"Teka!"-sabi ko ng medyo napataas ang boses ko.
"Ano? Bilis na kasi."-sabi niya na may halong inis.
"Bakit nga ako hinahanap ni Jeanine? Kanina ko pa tanong yun hindi parin nasasagot!"-sabi ko sa kanya na para bang ako ay nagrereklamo.
"Ahh... yun ba?"-sabi niya habang napakamot siya sa ulo niya at ngumiti sa akin.
"Ano nga? Bilis na julie!"-sabi ko sa kanya.
"Magmaminecraft pa daw kasi kayo."-sabi ni julie.
"Yun lang?"-tanong kong muli.
"Yun ang sabi niya eh. Wala na siyang explain kung ano pa. Basta yun na yun."sabi sakin ni julie with cross arms.
"Okay okay fine. Excited eh noh?!"-sabi ko kay julie.
"Hahaha... syempre."-sabi niya sakin sabay hagikgik.
"Tss."-ako.
"Okay."-julie.
"Tss. Tss. Tss."-sabi ko sabay inirapan ko siya.
"Kasalanan ko bang suportado ko kayo kaya excited ako? Tss ka rin."-sabi sakin ni julie.
"Edi thank you dahil supportive ka."-sabi ko.
"No problemo. Basta si Jeanine. Alagaan mo yun ah pag naging kayo. Wag mo siyang sasaktan, kasi once na ginawa mo yun. Boom! Gotla ka sakin. Ako na nagsasabi sayo."-sabi niya sakin.
Binatukan ko siya.
"Aray! Anong problema mo? Ha? Bwiset eh. Tss."-sbi niya sakin sabay sapo sa batok niyang binatukan ko.
"Hahaha. Buti nga."-sabi ko habang natawa.
"Bakit ba?"-naguguluhan niyang tanong sakin.
"Praning ka kasi. Crush lang naman ah. I mean crush palang. Kami na kaagad ang iniisip mo? Excited much... nako nako nako. Minamadali mo ba kami. Ikaw ah! Tss. Sasaktan agad? Diba puwedeng... hays... bahala na nga."-sabi ko kay julie.
"Ang dami mo kasing alam julie. Kabwiset ka."-dagdag ko pang sabi sa kanya.
"Oo na ako na bwiset. Tss. Pasalamat ka, mabait pa ako sa lagay na toh."-sabi niya.
"Manahimik ka na nga diyan. Sabi mo hinahanap na ako ni Jeanine diba? Asan na ba siya?"-sabi ko.
Dami kasimg alam ni julie. Hays... masyadong nagmamadali. Jusme, madami pa kaming pagdadaanan ni Jeanine bago maging kami. Sure ako dun. Paano ko nasabi? Well simple.
Nangako kasi ako sa parents ko na hindi muna ako mag gigirlfriend. Hindi pa ako puwede mag girlfriend hangga't di pa ako 21 years old. Di pa puwede. So dahil nangako ako... Kailangan kong tuparin yun.
So now you know. Hahaha.
"Ayun nandun sa ilalim ng puno."-sabi sakin ni Julie sabay turo sa isang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno hawak hawak ang kanyang cellphone.
Mukhang hinihintay nga ako neto. Haynako. Paano ba toh? Kinakabahan na ako.
Shemay heto na talaga. Kaya ko toh! Goodluck sakin. Go wilhelm!
BINABASA MO ANG
The 8 Year Promise
Teen FictionJeanine Olivia Mirasol left her former school and her old life . At lumipat sya sa North Scientific School ,doon ay may nakakilala sya ng mga bagong kaibigan at isang taong nagpabago nang ikot ng mundo nya . At nung naging magMU sila ay nangako sila...